Ina, Dapat Ba Kitang Ipaglaban? Anak, Dapat Mo Ba Akong Kalimutan?

(Photo credit: facebook.com)
(Photo credit: facebook.com)
(Photo Credit: facebook.com)

Sa lakas ng dagundong ng kulog, at sinag ng nakatatakot na kidlat. Sa katahimikan ng gabi, sabay sa pagbasak ng malakas na buhos ng ulan, sa masamang panahon. Digmaan sa kalangitan himagsik ni Kalikasan.

Ngunit sa isang iglap ang tunog ng kulog, ay naging dagundong ng mga armas! Digmaan sa kalangitan ay naging bakbakan sa bawat kapuluan. Kalupaan ng iyong mga anak na ipinaglaban ka sa mga dayuhan. Di pa man ako isinilang sa kapanahunan na iyon pero, sa bawat buklat ko sa mga makasaysayang aklat na kung saan nakasulat ang iyong nakaraan.

Puso ko ay binihag mo ina sa nakakaantig na kasaysayan mo. Ang pinakitang katapangan ng aking mga kaninuninuan, para ipagtangol ang iyong hiyas na kagandahan, sa mga nais sumira at wasakin ang simple mong ganda, na may nakatagong kaban ng mga ginto na yaman. Nagtagumpay man ang iba pero naagaw ka sa iyong mapagmahal na mga anak; gamit ang kanilang dunong at sandata, nakawala ka sa tali at bitag ng mga bughaw, singkit at sakang na mga halimaw. Bumaha ang kanilang mga dugo kapalit sa iyong ganap na kalayaan.

Pero, bakit sa bagong milenyo kung saan ito ako saksi, sa iyong pagbabago sa alindog mo! Ang dati mo na simpleng ganda ay napalitan ng teknolohiyang maskara, na pilit inilagay sa mga anak mo sa bagong milenyo. Bakit di ko na nakita ang nakasulat sa aklat ng kasaysayan, di na ikaw binago ang kaanyuan mo! Sa bawat dampi ng sariwang hangin dati, ngayon ay di ko na kayang singhutin ang maitim na ibunuga mo na mga usok, sing itim ng mga budhi sa mga taong sumira sa iyo.

Di ko na nakita ang bayanihan mo, bakit ngayon pawang karahasan; sa loob man ng tahanan at kapaligiran. Naasan na ang pagiging Maria Clara ng angkan mo? Bakit ngayon bida ang mga iba mong anak na babae, sa mata ng mga bumihag sa iyo dati. Maging sarili mo na anak na kapatid nila, ay naging laruan sa kabastusan.

Bakit nagkawatak-watak ang iyong mga sanggol, at naging alipin ulit sa mga dayuhang minsan na sumira sa iyo? Bakit daming dugo ang bumuha at nag-alay ng buhay sa ibang bansa? Bakit di mo kami ipinaglaban Ina? Dapat ba kitang ipaglaban ulit? Gayong kami ay di namin alam paano kami bumalik sa pagiging matapang.

Ako ang iyong ina; isinilang ko kayo milyon o billion na. Sa bawat paghihirap ko na leeg ko ay hawak ng inyong mga kapatid, na may kapangyarihan. Wala akong lakas para ipagtanggol ko kayo, sa nang-aapi sa inyo. Gusto ko kayong puntahan para mabuo ulit sa bahay kubo kong tahanan. Labis ko kayong pinanabikan na mga anak ko, masunirin at matapang na ipinagtanggol ako sa mga taong nais lumapastangan, sa aking dangal.

Gusto ko man kayong yakapin, para maibsan ang inyong kalungkutan at pangungulila, mula sa pagiging alipin ninyo sa banyagang lupa. Gusto ko man na pahiran ang inyong mga luha, mula sa pasakit na inyong dala sa mga dibdib na nasugatan at sinugatn. Pero, di ko magawa! Di ko maihakbang ang aking mga paa dahil ito ay may taling kadena, mula sa sarili ninyong mga kapatid. Ano pa ba ang lakas ko para supilin ang mga ganid? Bingi na sila sa aking mga pangaral! Di ko na kayang idilat ang aking mga mata, na pilit tinatakpan sa masakit na katotohan. Dahil nasilaw na sila sa iba’t ibang kulay ng pera, mula sa sariling mga pawis ng mga iba kong anak, na kusang ninakaw nang harapharapan. Naging pipi ang mga hustisya pag may datung mula sa mga kaaway ko.

Paano ko kayo mabuo? Gayong pilit din kayong inilayo sa akin ng mga sarili ninyong kapatid! Puti na ang aking buhok, kulubot na ang aking mga balat! Bilang na lang ang aking kandila, at paliit nang paliit ang apoy ng liwanag na aantig sa bawat daanan natin.

Sana bago ako tuluyang mawala, nais ko ulit madama na muli ninyong ibalik ang nalaos kong ganda. Na sana harangan ninyo ang nais umangkin ulit sa akin, dahil nagsimula naman sila sa pagkalat ng kanilang kamandag!

Sana magamot ang lason na unti-unting pumapatay, sa paniniwala at panindigan ninyo, mga anak ko, na may kapangyarihan. Anak, sa aking pagkawala sana ay h’wag mo akong kalimutan sa iyong puso’t isipan, na ako ang nag-iisa mo na INANG BAYAN, PILIPINAS ANG IYONG LUPANG SINILANGAN.

NOTE: MINSAN MAY ISANG PUTA NI MAAM MIKE PORTES, ANG NAGING INSIPIRASYON KO PARA MAISULAT KO ANG ARTICLE NA ITO..MARAMING SALAMAT!

About jovelyn

Im not a good writer but i love to 🙂 Masaya din, Malungkot din (Karanasan ng OFW) this is my first book under my name as a writer and Sindi Ng Lampara OFW stories book with Raquel D. Padilla and DFBI writers, columnist in Pilipino Star Ngayon Middle East [email protected] Super kulit at kalog..proud bisdak at tamad na masipag na yaya:)