Imposible

Imposible nga ba na maging isang “Giant super industrial country” ang Pilipinas???

1000241_514795035263547_1794154284_n

May kasabihan– kung mangangarap tayo, lakihan na natin, mangangarap na rin lang, maging matayug na dapat ang ating mga hangarin; libre ang mangarap kagaya ng pinaka-importante sa balat ng lupa–ang hangin o hininga!!! (na siyang dinadaluyan ng internet)

Marami sa atin ang naniniwala na ang Pinoy ay mahusay sa maraming bagay–magaling, matiyaga, masipag,  matalino at lahat na marahil ng ma’ na katangian mayroon tayo! Ngunit,nananatili tayong dehado sa kalakalan kalakaran sa mundo, lubhang napakalayo na ng agwat sa atin ng mga ibang lahi’t ibang bansa sa larangan lalo na sa teknolohiyat karunungan.

Halos ang mga ipinagmamalaki at napapakinabangan lamang na mga talento ng Pinoy ay sa larangan ng “Entertainment Industry”–pag-awit, pagsayaw atpb. na mga pang-aliw lamang na mga talento at sa larangan ng “Sports’– sa boksing, basketball atpb., atpb.. NGUNIT sa larangan ng kahusayan at kakayahan ng ating mga manggagawa lalo sa larangan ng panteknolohiyang industriya o sa mas maliwanag na pananalita — sa larangan ng INDUSTRIAL-REALIZATION sadyang walang nagagawa at ginagawa tayong mga Pinoy maski ang ating mga dalubhasa, mga manunulat,  mga lider politiko at mga ekonomista ng bansa ay sadyang naghahanap palagi ng dahilan na sinasabi palagi na hindi kaya, hindi kaya , walang magagawa tayo , na tayo ay agrikultural lamang na bansa at kung ano-ano pa na mga dahilan.

Madalas malimit na problema ng bansa ay ang mga infrastracture projects at ito lang din halos ang mga naiisip o ideyang hinahangad gawin (samantalang kapag industriyalisadong bansa napakasimpleng proyekto lang ang mga infrastractures’ na ito) ng ating mga politiko kung mapag-obserba lang tayo lalo ngayon at malapit na namn ang eleksiyon, nag-aagawan sa puwesto na parang mga gutom na BUWITRE na kung tutuusin halos parepareho lang naman ang mga balat–BALAT BUWAYA na naglalaway din sa kapangyarihan na walang ibang plano kundi mangurakot lang din sa kaban ng bayan, obserbahan natin kung may mga ideya ang mga lintek. Paumanhin at nadadala lamang ako sa kakulangan ng Pinoylandia ng matuwid na kaisipan o pilosopiya.

Kung napag-aaralan lamang natin ng husto ang  kasaysayan ng mga makapangyarihang bansa gaya ng Inglatera( U.K.–isang napakaliit lamang na isla na pinamumugaran ng mga “iliterates” noong kapanahunan ng mga Griyego), U.S. of A.  atpb atpb. ay dati lang din ito mga gusgusin na bansa. Ang nais nating ipaabot ipaalala ipaunawa’t hangarin ng karamihan sa atin na maski sino ang umupo sa pinakamataas na puwesto sa liderato ng ating bansa ay mananatili ang kahinaan at pagiging ‘third-world country’ na siya talagang ugat ng mga suliraning pang-ekonomiyat politikal ng bayan kung mananatili ang patuloy na kalakaran kaisipan at pilosopiya ng mga Pinoy. Sadyang napapanahon na na hangarin ang maging ‘First World country’ ng ating mahal na Pilipinas. Sadyang napapanahon na na hangarin  ang imposibleng HANGARIN.

Ang misyon ng Hakaco ay ang magkaroon ang bawat Pilipino ng masidhing hangarin, ng masidhing paghahangad, ng imposibleng hangarin — na higitan pa ang kaunlaran na tinatamasa ng ibang lahi’t ibang bansa.

Uulitin natin ang ating malimit na bukambibig, walang imposible sa ating imposibleng hangarin! BAKIT? nagawa ginagawa at patuloy na ginagawa na ito ng mga mauunlad na bansa!!!

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.