I’m Not a Good Writer, But I Love to Write!

PSNHindi ako magaling sa English, hindi ako magaling sa spelling, hindi ako magaling sa grammar nakatuntong man ako ng kalahating taon sa kolehiyo, wala ring nangyari. Writing is not my passion dati at  hindi ko akalain na ito ako ngayon, nagsusulat ng mga kuwento.  Mismong ang sarili ko dati hindi makapaniwala.

Nagsimula sa pang-kalyeng tula hanggang sa may Mommy Joyce na tagapalo sa akda ko!  Ayun! Natuto at ang 75 na grade ko sa kanya ay tumaas ng 85 yata ‘yun. hahaha. Ngayon, may dalawang mentor na ako; ang mabait at mahaba ang pasensya sa kahaba-haba kong inbox na laging nagbibigay ng paalala na magbasa ako nang magbasa sa mga akda ng batikang manunulat para madagdagan ang aking munting kaalaman.  Thank you, sir Ramon.

Marami pa man akong bigas na kakainin para matutunan ang tamang baybay at balarila.  Patuloy kong palalawakin ang bawat kaalaman na nais kong matutunan. Simpleng libangan sa social media na naging daan para mapasaya ko ang mga kapwa ko OFW sa simpleng akda na likha ng malikot kong imahinasyon.

Kaya sa lahat na may tinatagong talino sa larangan ng pagsusulat, ilabas na ninyo, mga INDAY, hawak man natin ang pamunas at mop, subukan mong pagalawin ang pluma at tinta, tiyak na mapaluha at mapatawa ka sa iyong mga akda.

Buhayin mo ulit ang nais mong marating dati.  May isang pinto na bubukas na hindi mo aakalaing may katuparan pala ang isang pangarap!

Inday JoPSN 2

About jovelyn

Im not a good writer but i love to 🙂 Masaya din, Malungkot din (Karanasan ng OFW) this is my first book under my name as a writer and Sindi Ng Lampara OFW stories book with Raquel D. Padilla and DFBI writers, columnist in Pilipino Star Ngayon Middle East [email protected] Super kulit at kalog..proud bisdak at tamad na masipag na yaya:)