Ilaw ng Tahanan

Imahe mula sa wishafriend.com

Dakila kang maituturing

Walang makatutumbas sa pagmamahal na iyong iniaalay

Sa anak na kahit pasaway, lagi ka pa ring nandiyan para umalalay.

Kailanma’y hindi ka mapapagod,  ni magsasawa man lang

Sa anak na kahit ika’y talikuran, handa ka pa rin na siya’y patawarin.

Napakasidhi ng pag-ibig na handa mong ibigay

Sa anak na kahit ikaw ay kalimutan, hinding-hindi mo pa rin magawang kamuhian.

Kahit pa dumating ang araw na ikaw naman ang mangailangan

Sa anak na tila wala nang pakialam sa ‘yo, ikaw pa rin ang laging umiintindi

Sapagkat sa ‘yong puso’t isipan, ikaw ang ILAW NG TAHANAN

Ina sa ‘yong mga anak na kailanma’y hindi magsasawang mahalin at arugain

Ang sariling dugo’t laman na nanggaling sa ‘yong sinapupunan

Kaya naman dakila kang maituturing

Isang ina na mananatiling tanglaw namin sa dilim

Ngayon, bukas at magpakailanman!

 

 

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.