Ikaw na kaya?

 

Ikaw na kaya?12335909_1213588235323522_1986645359_n

Ikaw na nga kaya? Ikaw na nga ba? Ikaw na nga ba ang tinakda sa akin? Ikaw na ba talaga? Ikaw na kaya?

Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam. Ang hirap nang sabihin. Ang hirap nang sambitin kung ikaw na nga talaga? Ang daming tanong sa aking isip kung ikaw na nga ba? Ikaw na nga ba?

Ang hirap gumawa ng desisyon, lalo na kapag nabigo ka na dati. Tinatanong ko sa sarili ko, kung magpapadala ba ako sa ‘yo o hindi?

Kung bubuksan ko ba ang sarili ko para sa ‘yo o hindi?

Kung babale-walain ko ang lahat ng nararamdaman ko para sa ‘yo o hindi?

Kung tatakasan ko na lang ito o hindi? Kung tatangapin ba kita o hindi? Kung mamahalin ba kita o hindi? Sobrang daming tanong ang bumubulabog sa isip ko. Ang hirap na kasi. Ang hirap nang sumugal ulit.

Baka isa ka sa mga taong dadaan lang sa buhay ko. Baka isa ka sa mga taong magpapasaya sa akin, at iiwan din sa huli. Baka isa ka sa mga taong magbibigay ng liwanag ulit sa akin, pero sa huli ay papatayin mo rin pala ang liwanag.

Baka isa ka sa mga taong magsasabi na “May pag-asa maging tayo”, pero sa huli ay wala pala talaga. Baka isa ka sa mga taong magsasabi sa akin ng mga salitang matamis, pero sa huli ay hindi mo ako sasaluhin. Baka isa ka sa mga taong magbibigay ng saya, pero sa huli ay lilisan rin pala. Baka isa ka sa mga taong magsasabi na maghintay ka, pero sa huli ay pinanganga mo lang ako. Baka isa ka sa mga taong sisira ulit ng mundo ko.

Siguro. Ewan. Baka. Hindi ko alam.

Pero, paano kung ikaw na nga talaga? Paano kung ikaw na nga ang taong hinahangad kong makasama hanggang sa huling paghinga ko?

Baka ikaw na rin ‘yung taong matagal ko nang hinihintay. Baka ikaw na rin yung taong matagal ko nang hinihiling sa Diyos. Baka ikaw na yung pangarap ko na matagal ko nang inaasam. Baka ikaw na ang taong magbibigay ng saya ulit sa aking malungkot na muhka. Baka ikaw na yung taong magpapasiklab ulit ng liwanag sa buhay ko. Baka nga ikaw na yung nakatakda sa akin. Baka nga ikaw na yung taong mag-aalis ng lungkot at pighati sa buhay ko. Baka nga ikaw na yung taong pangarap kong yakap-yakapin tuwing ako’y malungkot. Baka nga ikaw na yung taong nararapat sa akin. Baka nga ikaw na yung taong tatangap kung ano talaga ako. Baka nga ikaw na yung taong matagal ko nang hinahanap. Baka ikaw na nga yun. Baka nga.

Sana nga ikaw na nga yung taong hinihintay ko. Sana nga ikaw na nga yung taong hinahanap ko. Sana ng ikaw na ‘yun. Sana nga. Sana.

Siguro. Ewan. Hindi ko alam. Bahala na.

Ang hirap nang sumugal. Sobrang hirap na. Ang hirap nang magkamali. Ayoko nang matalo ulit. Ayoko nang magkamali ulit. Ayoko nang mabigo ulit. Ayoko na. Sawa na ako. Sawang-sawa na.

Ayoko nang sumugal ulit dahil sa katapusan rin ng araw, kapag nabigo ako, kapag sumugal at natalo ako, ay ako pa rin ang magmamahal sa sarili ko at wala nang iba. Ako pa rin ang magsasabi  sa sarili ko na “Mahal kita”. Ako at ako pa rin ang magmamahal sa sarili ko. Ako lang at wala nang iba.

Pero may tanong pa rin ako na tila gumagambala sa isip ko.

Ikaw na kaya?

About Ohaiyo

Secret Author