Ikaw Lang Ang Mayroon Ako

Love tacks (Photo credit: blogspot)
Love tacks (Photo credit: blogspot)
Love tacks (Photo credit: blogspot)
Love tacks (Photo credit: blogspot)

Bakit mag-isa lang ako ngayon? Ngayon ko lang napansin, pag nagpo-post ako ng status ko sa Facebook, walang nagko-coment, wala din nag la-like, nasaan na ang mga kaibigan ko?

For almost eight years, sayo lang umikot ang mundo ko, ikaw ang naging buhay ko.

Lunch time na, nagugutom na rin ako, lumabas na ako ng office at habang naglalakad patungo sa fastfood chain na kakainan ko, bigla na naman kitang naisip. Nalulungkot ako,vna mukhang hindi ka apektado sa pinagdadaanan ko. Bakit nga ba ganito?

Naalala ko, minsan ay nai-post ko sa FB status ko na “ikaw lang ang meron ako“, pero bakit ikaw ok lang kahit walang ako?

Bakit nga ba ganito na lang ako ka-attached sayo? Samantalang hindi ka naman ganooln sa akin. Nararamdaman ko na parang mas masaya ka pa sa mga kaibigan mo samantalang ako, walang kaibigan. Teka… asan na nga ba sila? Ang mga kaibigan ko? Ay, oo nga pala. Wala na sila. Iniwan ko silang lahat para mai-focus ko ang atensyon ko sa iyo, Seloso ka kasi at ayoko din naman na nag-aaway tayo palagi. Sobra akong naging dependent sayo, gumagawa ako ng mga bagay para mapasaya ka, nagsusuot ng magagandang damit para mapansin mo, nagme-make up kasi yun ang gusto mo. Parang lahat ng bagay na meron ako o ginagawa ko ay inaayon ko sa mga gusto mo. Kaya eto ang resulta ng mawala ka sa akin, palaging tulala… Nang dahil sa pangarap ko na magkaroon ng isang prinsipe sa katauhan mo, kinalimutan ko ang lahat, nawala sa isip ko ang ibang mga bagay o tao na puwede din pala makagbigay sa akin ng kasiyahan, tulad ng mga kaibigan ko. Bakit ko ba hinayaang malubog ako ng sobra sa pag- ibig kong ito? Ngayon tuloy, ang hirap bumangon, ang hirap magsimula lalo na’t wala man lamang akong makakapitan o masasandalan, walang kaibigan.

Ngayon, wala ka na. Dito na din ba matatapos ang buhay ko, titigil na din ba ang ikot ng mundo ko? Pakiramdam ko nang mawala ka, lahat ng mayroon ako ay nawala na din, kasi nga ikaw lang ang meron ako.

Oopps andito na pala ako, muntik pang lumampas.

Sana yung sakit na nararamdaman ko ngayon ay lumipas katulad ng gutom ko, na kapag nakakain na ako ay mawawala na din… 🙁

author: chin08

p.e./kf

3 Comments

  1. malungkot talaga pag ganyan pareho tayo iniwan ko mga kaibigan ko dahil nagmahal din ako.sa huli iniwan din ako after long 7 years sa kanya umikot mundo ko.sya na naging buhay ko.iniwan din ako.tinanong ko dahilan pero wala syang masabi basta nawala na lang.sana mako move on tayo pareho.matanggap na wala na sila satin.mahal na mahal ko padin sya.

  2. totoo.. sobrang nakakalungkot.. sana lahat ng nakakaranas ng ganito magkaroon na din ng kaligayahan.. God Bless us all..

Leave a Reply

Your email address will not be published.