Ikaw! Ikaw! Ikaw! (Ang pangarap kong babae)

tumblr_myuqrsh0iM1sg3upro1_500

‘Di mo kailangang maging maganda..

‘di mo kailangang maging seksi..

‘di mo kailangang maging mabait..

‘di mo kailangang maging talented..

‘di mo kailangang maging perfect..

‘DI MO NA KAILANGAN!

Pebrero na naman, maraming naghahanap ng makakadate sa 14.

Ikaw? nakapaghanap na ba?

‘Di ko alam ang takbo ng utak ng mga tao. Iba-iba  ang perspektibo pagdating sa Valentine’s Day. Gusto kitang makausap tungkol sa mga gusto mo, hindi sa araw ng puso kundi sa mismong oras na ito.

Gusto kong tanungin kung anong mga ayaw at gusto mo. Gusto kong malaman kung anong mga bagay ang gusto mo sa isang lalaki. Kasi ako.. kung alam mo lang ay nangangarap sa isang katulad mo. ‘Yung tipong kahit alam kong hindi ka tulad ng karamihan na pinapangarap ng isang lalaki ay napaibig ako.

Wala sa mukha o pisikal na katangian ang hinahanap ko isang babae.. hindi rin sa pag-uugali.. lahat ng bagay ay nababago eh.. pisikal, ugali, paniniwala, katangaian at iba pa.

Alam mo ba yung feeling na you are my hate dati. yung inis na inis ako sayo dati tas biglang eto na.. matagal maprocess eh pero alam kong sa tamang panahon ay mabubuksan din ito ng lubusan, ang puso kong medyo nasasarahan pa sa ngayon ng mga paalala ng mga magulang na dapat daw ay magtapos na muna sa pag-aaral bago makipagrelasyon. Sabagay, tama naman sila, mas mabuting sa pag-aaral na muna ituon ang panahon para sa kinabukasan. Hindi naman kasi tayo yung tao na puro pag-ibig ang iniisip. Di na tayo bata, di na tayo tulad ng dati na madali lang dalhin ang buhay kasi sa magulang pa inaasa ang mga bagay-bagay.

Dumaan tayo sa parte ng buhay na magkakakilala tayo ng lubusan. Totoo ka lang pala sa sarili mo.

Alam mo bang hindi ka yung tipo ng babae na pinapangarap ng karamihan but you have this charismatic appeal na hindi ko maresist.. napakapositibo mo.. malakas ang loob mo na lumaban sa kung ano ang buhay.. Minamahal kita ng dahil dun. Hindi mo kelangang maging maganda, seksi o ano pa mang katangiang dapat (sa mundong ito ay kelangang meron ka) maging ikaw. Tanggap kita! alam mo yan. 🙂 Napapangiti nga ako minsan kasi unti-unti kang nagbabago makalipas ang ilang lantaran o kwentuhan natin at hindi gusto. Hindi naman masama di ba? Hindi naman masamang magbago para sa pagiging mabuti. Minamahal kita ng dahil dun.

Alam mo bang ikaw ang pangarap kong babae. Mahal mo ang Panginoon, mahal mo ang pamilya mo. Alam kong iba-iba ang mga babae. Sa dami ba naman ng mga kaibigan ko na malapit sa akin ay maitatangggi ko bang halos ikumpara ko na sila sa isa’t isa. Maganda, mabait, at halos nasa kanila na ang lahat pero may bagay lang na hinahanap talaga ako sa isang babae. Yung alam kong pagmamahal ko ay kaya nyang tumbasan.. yung hindi ako mahihirapang makibagay sa kanya kasi alam ko gaya ng pagiging tangggap ko sya ay tanggap nya rin ako.

Hindi ka itong perpektong babae pero ikaw itong pinapangarap ko, minamahal ko. 🙂

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.