“IKAW HA….KILALA KITA at KILALA MO RIN AKO”

“IKAW HA…KILALA KITA AT KILALA MO RIN NAMAN AKO” na idinudutdot pa nito ang kanyang daliri sa mukha ng officer.

At kinilabutan akong ‘di mawari na nagtitinghasan ang mga balahibo ko….at ‘di ko akalaing magsasalita siya ng ganoon na IDINAAN NA NIYA SA DAHAS NA SIYA AY MAS MAKAPANGYARIHAN SA OFFICER NA IYON .

At sumagot ang kawawang Officer na tila nanginginig-nginig pa

“O OPO SIR, KILALA KO PO KAYO…”

“ABA NAMAN! komo ba ikaw ay kilala at makapangyarihang tao sa bansa ay pagsasalitaan mo na lang ng ganito ang kawawang officer….eh tumutupad lamang naman siya sa kanyang tungkulin”.

Me exception ba iyon na kapag ang mataas na opisyal na ang lumalabag sa batas ay hahayaan mo na lang at huwag mo siyang pakikialaman ?…at alam niya ang kanyang ginagawa.

DI BA ANG NARARAPAT AY IKAW ANG PAGMUMULAN NG EHEMPLO NA SUMUSUNOD AT MAGPAPAUBAYA AT NAGPAPAKITA NG KABABAANG LOOB ?

“NAKU, MASAKIT MAN SA KALOOBAN KO at iniidolo pa naman kita….nawalang lahat ang paghanga ko sa iyo…sinayang mo ang matagal ko nang pagkakakilala sa iyo na ikaw ay magalang at mapagpasensiya . Kaya ikaw na ang pinili ko na magiging huwaran at pinaka-pangalawang ama ng ating bansa, tapos sa ISANG MALIIT NA BAGAY LAMANG AY NAKILALA AGAD ANG TUNAY NA KULAY MO….MAITIM KA PALA.”

Pareho lang naman kayong nakatapos ng pag-aaral sa kolehiyo ng officer na ito at pareho kayong iginagalang ng nakakababa sa inyo. Ang kaibhan lang ay mayaman ka at kilala ka at mataas masyado ang posisyon mo sa officer na ito.…tapos komo makapangyarihan ka ay ganoon na lang ang pangdudutdot mo sa kanya.

“NAKU NAMAN…KUNG AKO ANG MAKAPANGYARIHAN AT KILALA SA BUONG BANSA na nagsalita ng ganito at nakita ng buong mundo na ako pala’y ganito kabagsik ay pupunta na ako agad at luluhod sa lahat ng simbahan at MAGSISISI AKO AT HIHINGI AKO NG KAPATAWARAN KUNG BAKIT AKO NAKAPAGSALITA NG GANOON… eh kilala pa naman kaming mga iginagalang at mabait na talagang pamilya….at maaaring magtago muna ako o hindi muna magpakita pansamantala ng ilang buwan sa madla”.

Pero komo maitim na naman ang balat at ika niya ay di naman siya gaanong maaaninag at naihaharap pa talaga niya ang kanyang mukha at katakot-takot na kadadakdak pa.

At ngayon nga dahil inisnob siya ng anak ni Panday ay ipinamamalita naman niyang NAGTAKSIL ITO SA PAGIGING PILIPINO NIYA . Na noon nang tanggihan siyang maging running mate niya ay ipinamamalita na niyang AMPON LANG ITO at hindi naman qualified dahil iilang taon lang naninirahan sa Pilipinas.

“EH PAMBIHIRA KA NAMAN PALA…..eh alam mo naman palang hindi QUALIFIED eh bakit gusto mo siyang maka-tandem ?”

Para kang batang tatlo o apat na taon gulang na nang hindi ka mabigyan ng kendi ay sasabihin mong “AYAW NA KITANG KALARO…..SALBAHE KA”.

SAMANTALA….. BALIK TAYO sa dinudutdot mong officer…

Ganon paman ay bahagya ko lang nabalitaan na humingi ka ng paumanhin sa officer na ito… na pasensiya na officer….NABIGLA LANG AKO .

At humingi ka nga ng paumanhin ay parang hindi ko yata naramdamang bukal sa iyong kalooban.

At naging ningas kugon lamang yata ang nabalitang magdidimanda ang officer na ito .

Wala na kasi akong nadidinig na balita … at baka naman siguro ay sinabi na lang sa kanya na wag ka nang magreklamo at magdimanda eh wala rin namang mangyayari….PEACE NA TAYO.

At siguro ay lihim ding sinabi “HETO NA LANG ABUTIN MO…..at isama mo ang pamilya mo at kumain na lang kayo sa Mcdonald’s sa amerika at mamasyal-masyal kayo doon at wag mo ng sirain ang pangalan ko at itikom mo na ang bibig mo.”

“HAYY NAKU EH SINO BA NAMAN ANG BABANGGA SA KILALA AT MAKAPANGYARIHANG TAO NA ITO?…at siguro kapag bumangga ka ay para ka na ring nagtampo sa bigas.”

KAYA LANG… NAKATATAKOT YATA …PAANO NA LANG KUNG SIYA NA TALAGA ANG KILALANING PINAKA-MATAAS NA MAMUMUNO SA ATING BANSA AT I-DECLARE NIYA ANG MARTIAL LAW EH NAPAKABAGSIK NAMAN PALA NIYA……PAPAANO NA TAYO? …at ngayo’y nagkataong dinudutdot-dutdot pa niya ang officer na iyon…paano na kaya siya?

Baka makatulad mo pa ang dating namumuno noon na makita ka lang na nasa umpukan at nagsasalita ng hindi maganda ay dadamputin ka na at mawawala na lang basta-basta.

KASI NGAYON PA LANG at ‘di pa naman ay ipinakikita na niya ang kanyang bagsik at dinadaan na niya sa dahas….at ang sabi ay wag siyang pakikialaman..

Para bang ang ibig niyang ipahiwatig sa officer na iyon “WAG MO AKONG PAKIALAMAN….KILALA KITA, KILALA MO AKO….KAKANING ITEK KA LANG”.

Hindi kaya naisip ng makapangyarihang tao na ito na baka itong officer na ito ay nagpursigi at nangampanya pa na katulad ng ginawa ko at isa sa naging dahilan na maluklok siya sa kanyang kinalalagyan ngayon at nagkaroon din siya ng malaking utang na loob.

“ABA KUNG GANON…hindi ka pala marunong tumanaw ng utang na loob”

Katulad ka rin pala ng kapit-bahay kong nangangampanyang maging Mayor na sa tuwing may okasyon sa kanila ay hindi ako nakakalimutang kumbidahin at may pauwi pang maraming pagkain. At kapag nagjo-jogging at nagkataong ako rin ay nagjo-jogging noon ay pilit akong sinasabayan at pagkatapos ay pilit akong pinagkakape at dalaw-dalawin ko raw siya at laging bukas ang pinto para sa akin upang magkakuwentuhan naman daw kami . At kapag aalis siya na sakay ng kanyang luxurious na sasakyan kahit may putik ang tsinelas ko at nakatapak pa mandin ako ng dumi ng aso ay pilit pa rin akong iniaangkas at ang sabi’y okey lang daw iyon.

“HUU IKAW NAMAN…para tayong hindi magkapitbahay”

Pero nang maging Mayor na ay lagi nang sarado ang gate nila at ang nakukumbida na lang ay pulos mga may sinabing tao . At kapag dadaan at dala ang tinted na luxurious niyang sasakyan at nakikita akong nag-aabang ng sasakyan ay nilalagpasan na lang ako…. ‘ika siguro niya tinted naman at ‘di ko siya maaaninag at di makikita.

HAHAHA ANG LAKAS NG TAWA KO….ang akala niya ay katulad ako ng iba na sabik at pala-lapit at pala-dikit sa mga may sinabing tao. Hindi niya alam na malakas ang inferiority complex ko na ilag ako sa may sinabing tao at mas gusto ko pang makisalamuha sa mga kapwa ko tricycle boy lamang na katulad ko ang pamumuhay na alam kong hindi plastik.

“ABA NAKU MAHIRAP NA LANG MAGSALITA AT DAGDAGAN PA ANG SASABIHIN KO eh matanda na ako para magsalita pa ng mga mahahayap na salita at mapupulaan pa ang mga kamag-anak ko na ako’y hukluban na’y nagsasalita pa ng pangit…eh malapit-lapit na rin naman akong humarap ke San Pedro dahil me taning na ang buhay ko at dapat ay maging malinis ang konsiyensa at kaluluwa ko ”.

At samantala balik uli tayo sa unang paksang pinag-uusapan tungkol sa pandudutdot.

KAYA LANG…habang naririto pa ako sa daigdig ay nanghihinayang ako sa PAGLISTA KO SA PANGALAN NIYA NOON at siya talaga ang inilista ko noong maupo siya. Ang alam ko kasi ay mabait siya at hindi garapal kung magsalita at iniidolo ko pa naman siya at inilalaban ko pa naman siya ng away kapag pinipintasan siyang NOGNOG kasi katulad ko rin siya …. same feather kami. ..tapos makikita ko siyang nandudutdot sa isang kawawang officer.

Di ba ayon sa kawikaan…SAKIT NG KALINGKINGAN…DAMA SA BUONG KATAWAN …eh magka-kulay nga kami at baka magka-dugo pa … KAYA KAPAG IKAW AY PINUPULAAN AY AKO RIN ANG NASASAKTAN.

Siguro ay talagang ganon…..nasa huli ang pagsisisi…nailista ko na siya noon at di ko na mababawi pa….pero sa 2016 ay hindi mo na makakamit sa akin ang minimithi mong muli ko pang paglista ang iyong pangalan … una’y nawalan na ako ng amor sa iyo, pangalawa’y ‘di na ako makakapagsulat dahil nanginginig na ang mga dalire ko dahil sa PARKINSON’S DISEASE KO.

PAALAM NA SA ‘YO, IDOL…..pinagsisihan kong hinangaan kita noon…

“PERO KUNG TOTOONG NAGSISISI KA sa pandudutdot mo sa officer na iyon at kailangang makikita ng dalawa kong mga mata na medyo seryosong-seryoso na maluluha ka at aaraw-arawin mong ii-on the air mo sa publiko ay KALILIMUTAN KO NA ANG MGA SINABI KO SA ‘YO at babalik na muli ako sayo at muli kitang iidolohin” .

“AT PANGAKO….. kapag dumating ang 2016 at ako’y buhay pa at nagkataong hindi gaanong umaatake ang Parkinson’s disease ko at ako’y makapagsusulat pa ay IKAW NA MULI ANG ILILISTA KO…seryoso ako” .

AT PASENSIYA NA PO sa mga alipores na nabibiyayaan na halos magbuwis ng buhay sa kaguluhang nangyari noon at atin-atin lang ito…eh tig mamagkano ba ang naibibigay sa inyo?..kasi sa amin sa probinsiya pag inarkila ang isang tricycle ng isang kandidatong sumama lang sa rally ay tig 1,000 na at ang bawat isang tao na sasama lang ay tig 500 na..eh siguro sa inyo ay mas malaki dahil city iyan at buwis buhay pa nga na nakikipagpaluan pa kayo ng mga silya diyan . At siguro sa laki ng tuwa ng pinaka-boss ninyo dahil inilalaban talaga ninyo siya ng patayan ay baka sa darating na pasko ay ilagay kayo sa payroll na magkaroon kayo ng 13th month at sa sobrang saya talaga sa inyo ay bigyan na rin kayo ng 14th month at mga grocery items. Na kung gaano ang halagang ibinigay sa inyo ay doon ibabase ang halaga ng 13th month at 14th month na makukuha ninyo at free tax pa . EH KASI PO ay ganito ang ginawa sa amin ng ibinoto kong MILYONARYONG MAYOR na matagal nang patay.

AT NGAYO’Y baka kayo ay masaktan sa medyo napasaringan kayo at ang inyong iniidolo sa medyo banayad at medyo bastos na pagkaka-compose ko ng pagsasalita kung bakit kakaiba at ganito ang pamamaraan ng komentaryo ko ….. eh kasi po naman ay me kanya-kanya naman kami ng STYLE at GIMMICK ng pagsusulat.

ANG TOTOO PO…ang tema kasi nito ay kinakausap ko lang ang aking sarili sa salamin at nakatuwaan ko lang DUTDUTIN ANG SARILI KO…at inaalam ko lang kung ano ang magiging pakiramdam ng dutdutin ka sa mukha

“NAKU! PARANG MASAMA SA PAKIRAMDAM”

…Wakas…
binay-scuffle-net