Ikaw at Ako (Part 2)

(Photo Credit: befree4ever)
(Photo Credit:  befree4ever)
(Photo Credit: befree4ever)

Grabe, ngayon ko lang na-realize talaga kung gaano ka katindi. Kung gaano kakapal ang muka mo at gaano ka ka-insensitive. Alam mo ayaw kong magsalita ng masama eh. Pero after nung sagot mo sakin, di lang masamang salita ang gusto qng ibato sayo. Gusto pa kitang sapakin, pati sarili q gusto qng saktan sa inis qko kung bakit ako pumatol, nagmahal, nagpakatanga at nagpagamit sa tulad mo!

Kahit nasa opisina ko, naglaan ako ng oras na ipaliwanag sa’yo kung bakit ang tigas ko na at hirap na hirap akong patawarin ka. Buti nga ngayon lang nangyari to’ dahil sa billion times na ginawa mo yun sa’kin pinatawad kita ng agad agad. Naglaan ako ng panahon kahit oras ng trabaho, kahit tulo ng tulo yung luha ko habang nagpapaliwanag sa sulat ko. Kahit na badtrip na badtrip ako sa’yo umaasa pa rin ako na sa pamamagitan ng sulat ko marerealize mo na mali ka at liligawan mo ulit ako ng may respeto at mangangakong hinding hindi na mauulit yung ginawa mo kahit kelan. Kahit imposible yun base sa ugali mo. Ngayon tumawag ka, sinagot ko sa pag-aakalang ang sasabhin mo ng buong pagmamahal ay “baby sorry talaga, kung di mo na ko mapapatawad susuyuin kita hanggang sa lumambot ang puso mo sa’kin.” Oo hopeless romatic ako. Yan ang gusto kong maramdaman sa’yo. Yan ang pangarap kong sabihin mo sa’kin.

Pero maling mali pala ko. Anong sabi mo sakin? Patawarin mo na ko, nabasa ko yung email mo. “PARA YUN LANG NAMAN EH! BKIT NAMAN YUNG IBANG MAGKAKARELASYON DYAN?” Ang kapal ng muka mo! Gusto kong ipag-sigawan sa muka mo na ang kapal ng muka mo! LANG lang sayo yung bagay na pinaka nakakasakit sakin?! At ang sabi mo pa, jina-judge agad kita na hindi mo ko mapapatawad kapag nanlalaki ako, magagalit ka pero mapapatawad mo ko. Putang Ina mo! Ang tindi mo. Parang sinabihan mo pa kong magpagamit ako sa iba maidepensa mo lang yung sarili mo! Magpagamit ako sa iba tapos papatawarin mo ko para lang masabi mo na hindi matindi at LANG lang yung ginawa mo sakin. Nasan ang utak mo? Sadyang di ka lang ba talaga makaintindi o wala ka talagang puso?

Sabi mo pa iba sitwasyon mo ngayon at hirap na hirap ka. May problema kaya intindihin kita, pinagbigyan pa rin kita kahit galit na galit ako sa’yo. Sabi mo basang basa ka na sa ulan papunta ka sa kliyente niyo at wala ka pang tulog. Sino ang hindi nagdala ng payong? Sino ang may sabing wag ka matulog? May napala ba ko sa di mo pagtulog? May narealize ka ba kahit konti sa di mo pagtulog? Hindi ka ba talga natgulog? Kung ako ang idadahilan mo sa di mo pagtulog eh di sana pinuntahan mo na ko kagabi pa lang para magmakaawa sa’kin na bumalik ako. Oh, eh di tinuruan nanaman kita ng gagawin mo? Tingin mo ba masusuyo mo pa ko sa tawag? Di ka ba talga nag iisip o napaka cheap ng tingin mo sakin na konting pagpapawa mo lng katulad dati at ng sinasabi mo nayong ibang sitwasyon mo ngayon eh papatawarin na kita.

Galit na galit aq sa sarili ko kung bakit napaka tanga ko. Ngayon, nasobrahan na ko sa emosyon. Ayaw q man babuyin ang sarili ko eh gagawin ko. Dahil pati respeto q sa sarili ko nawala na ng dahil sa’yo! Oo, magpapagamit ako sa iba, di matatapos tong araw na to at gagawin ko yun. Pagkatapos tignan natin kung talagang papatawarin mo pa ko. At kung hindi na, aba, kasing kapal ng adobe muka mo. At since ganun ka nga at napakataas ng tingin mo sa sarili mo, mukang WORTH it naman ang gagawin kong pagbababoy ng buhay ko para sa’yo.

Di na ulit ako nagparamdam sa’yo pagkatapos ng pag uusap natin na to. Nagtext ka, sabi mo wag na wag kong gagawin yun. Syempre sinabi ko lang yun pero hindi ko talaga magagawa yun sa sarili ko at lalo na sa’yo. Umattend ako ng Christmas Party namin. Tumatawag ka nung ala’sais pero hindi ko sinagot. After nun hindi ka na nagparamdam ulit. Nakauwi ako ng past 11 wala ka pa ring pagpaparamdam na ginawa. Ang sakit. Iniisip ko kung pinabayaan mo na bat alga ko, hindi ka man lang nag alala sa’kin o sobra yung tiwala mo na hindi ko gagawin yung sinabi ko sa’yong magpapagamit ako sa iba kanina. Di ko natiis. Tinawagan kita, sabi ko ayan, baboy na baboy na ko dahil sayo kahit hindi yun totoo. Ang sabi mo bakit mob a ginagawa yan, di pa nga ko nakakauwi dahil madami pa kong tinatapos dito. Sino maniniwala sa’yo? Ayaw na ayaw mo nga hapunin dyan eh. Lumabas ka pa talga ng bahay para makadinig ako ng sasakyan at palabasin na nasa labas ka pa. Eh kalsada tapat ng bahay niyo, malamang may madidinig talga kong sasakyan pag labas mo. Hanggang ngayon  sarili mo pa rin binibida mo. Pinapalabas mo na hirap na hirap ka sa trabaho, di ka pa nakakauwi at nang aaway pa ko. Hindi mo man lang inisip kung totoong ginawa ko yun at ano ng nangyari sa’kin. Binaba ko at di ka na ulit tumawag.

Pagkagising ko wala ka pa ring tawag. Ang sakit sakit na pakiramdam ko pinabayaan mo na talga ko. Nag aantay ako ng tawag mo, nag aantay ako. Wala talga. At dahil sa napaka sakit nan g puso ko nangyari kahapon, naglaro muna ko ng Criminal Case sa fb para malibang naman ako. At ayun, naglalaro ka lang din pala at ang kapal mong mag send pa sa’kin ng energy! AAAHHHH!!!!! Gusto kong magwala. Lampas ulo ko na ang galit ko sa’yo! Kahapon nagkunwari kang hirap na hirap. Ako naman nagkunwaring pumatol sa iba para lang marealize mo yun kamalian mo. Pero ngayon, parehas tayong naglalaro ng Criminal Case?! Walanghiya naman! Talagang pinamuka mo sa’kin na balewala lang ako sayo. Ako, ako ang galit. Kaya okey lang ako maglibang. Ikaw, ikaw ang may kasalanan. Ikaw ang nanunuyo, bakit ka naglalaro? Talaga bang affected ka sa nangyayari sa atinngayon?

Hindi ko natiis at tinawagan kita, sabi ko ang kapal ng muka mo, naglalaro ka pa matapos ko magpagamit sa iba (kahit di naman totoo) ng dahil sa’yo. Imbes na makonsensya ka ang sagot mo, sino makapal muka sa’tin? MINURA LANG KITA, IKAW NAGPAGAMIT SA IBA! Ikaw pa galit? Ikaw pa?! Nasaan yung sinasabi mong mapapatawad mo din ako pag ginawa ko yun kaya patawarin kita sa pagmumura mo sa’kin? Nuknukan ka ng sinungaling! At talagang LANG lang yung ginawa mo ha? Sa pagkahaba haba pala ng sulat ko wala ka talgang naintindihan o sadyang wala kang pakialam. At ikaw pa may ganag babaan ako. Pinatay mo pa cellphone mo. Hindi ko kinaya at bumigay ako, iyak ako ng iyak. Humagulgol ako.

Sana kayang burahin ng pambura lahat ng nararamdaman ko sa’yo. Hindi ako makahinga sa sama ng loob ko sa’yo. Bakit patuloy kitang minamahal kahit ginagawa mo sakin to? Gusto ko ng saksakin yung puso ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Gusto ko ng mamatay para lang Makita mo kung gaano ako nasasaktan sa ginagawa mo. Sana mamatay na lang ako…

About amistillhuman