Iiyak… Magdadasal… Tapos Ok na…

Crying Woman (Photo Credit S32.photobucket)
Crying Woman (Photo Credit S32.photobucket)
Crying  Woman    (Photo Credit      S32.photobucket)
Crying Woman (Photo Credit S32.photobucket)

Sometimes, I get tired of explaining myself to other people. Yung hindi nila makuha kung bakit ako ganito ngayon… Tired of trying to please them… so tired of being pushed around.

Yung simula pagkabata pa lang naranasan mo nang maliitin, alipustahin dahil sa lumaki ka sa isang hindi ordinaryong pamilya. Yung pakiramdam mo, hindi ka matanggap ng ibang tao dahil sa ganoong sitwasyon mo sa buhay. Pangalawang pamilya kami, oo, pero natanggap naman kami ng iba naming kapatid at ng asawa ng tatay ko.

Pero nakadikit na sa amin yung titulong “anak sa labas”. Hmp… dati kapag nadidinig ko lang ang ibang tao na pinag-uusapan kaming mag-iina, nasasaktan ako, pero pinagkikibit-balikat ko na lang. Why should I be bothered, ei hindi naman sila ang bumubuhay sa amin. Kailangan bang magpaapekto ako? Sa loob-loob ko hindi nila mababago ang takbo ng buhay ko. Lahat ng sakit, naiipon, pag napuno, iiyak sa isang tabi… magdadasal, pagkatapos ok na.

Ganoon ang gawain ko hanggang sa lumaki ako. Malaking pagbabago na nagkaroon ng kaunting kinikita ang tatay ko na natustusan nang maayos ang aming pag-aaral. Pasalamat ako dahil kahit ganoon ang sitwasyon, hindi naman niya kami iniwan at bagkus ay tinaguyod niya kaming mag-iina. Proud ang tatay ko dahil sa lahat ng anak niya ako lang ang nagtapos. Pinilit kong gawin yun para sa paraan na iyon maihango ko naman ang dignidad ng aking ina. At least sinasabi ng ibang tao,

Mabuti pa yung anak sa kanya nakatapos sa una hindi. My mom has never been so proud until I graduated college. Yun ang pinakamalaking bagay na so far ay naihandog ko sa kanya that time. Ang sarap ng feeling na sa kabila ng panlalait nila nagawa kong makatapos , proud sa akin ang parents ko… Achievement sa akin yun.

Pero ang tao nagbabago kapag umaangat sa buhay. Kasabay ng paglago ng negosyo ng tatay ko ay siya namang pagbabago ng ugali ng mga kapatid ko. Naulit na naman ang pagmamaliit nila sa aking ina at sa amin. Maraming pagkakataon na pinalampas ko lang ang mga masasakit na komento nila sa nanay ko. Bakit? Dahil sa respeto ko sa tatay ko. Yun na lang… Katulad ng dati… pag napuno, iiyak sa isang tabi, magdadasal at pagkatapos ok na.

I decided to go abroad to help my mom and make her more proud of me. But months after I left, she passed away. Ang kawawa kong nanay, hindi na ako nahintay umuwi man lang ng Pinas upang makasama siya sa huling sandali niya. To me it is something that until now I couldn’t get over with. My plans and dreams for her all went with her into the grave. I felt lost, that I have no reason to pursue whatever plans I have before. Not being able to be there para ihatid man lang siya sa huling hantungan was a big blow sa pagkatao ko. Wasak na wasak, durog na durog ang puso ko.

All the efforts and reasons for me to pursue our dream is lost. Ang pinakamasakit, sa huling misa ng araw ng kanyang libing, nakuha pa siyang bastusin. Thank you, father, sa homily mo, napakaganda na ang topic mo ay tungkol sa pangagalunya. Nasaan ang respeto sa namatay at sa pamilyang nandoon. Galit at halos isumpa ko ang mga gumawa nun sa nanay ko pero as usual… kapag napuno, iiyak sa isang sulok, magdadasal at pagkatapos ok na.

Nandito man ako sa ibang bansa, hindi naman sapat ang maliit na kita ko upang pagkasyahin sa araw-araw na gastos. Ayoko lang umuwi dahil wala na akong uuwian. May asawa at pamilya na ang kapatid ko at may hinanakit ako sa pamilya ng ama ko dahil sa ginawa nila sa nanay ko. Tama lang na magtiis ako dito para huwag lang nilang sabihin na umaasa pa din ako hanggang ngayon sa tatay ko katulad ng ginagawa nila. Sa liit ng sahod ko, nandoong manghiram ako ng pera, minsan kapag sagad na, isang beses na lang ang kain, uuwing naglalakad kahit gaano man kalayo at pilit pagkakasyahin kung ano ang natira. Ewan ko ba dahil wala akong suwerte sa paghahanap ng trabaho. Ang trabaho ko sa opisina, all around… I have once asked for a raise, but they’ve taken me for granted. So I decided to quit.

Nakakuha man ng bagong trabaho naloko naman at na-inlove sa maling tao. At those times na nangungulila ako at down na down ako, dumating si Don. He made me feel so special, he made me feel so likeable and so loved. Hindi siya tumigil sa pagkuha ng loob ko. Hindi siya tumigil sa pag-uuplift ng spirit ko. Naging kami, huli na nang malaman ko na may sabit na pala siya. I tried to end it, but I guess the way that he made me feel wanted and the way that he took really good care of me made me want to stay. Sa maliit na kita naming dalawa, we never argued about anything, especially we never argued about money.

Kapag walang-wala ako nandiyan siya nagproprovide and vice versa. Pero mas madalas ako ang nagbibigay lalo at nagkukulang siya ng padala. Pangalawa ako sa buhay niya, pero never akong nagdemand na iwan niya ang pamilya niya. Alam ko naman na temporary lang itong sa amin. Until sa naalis siya sa trabaho at napilitang umuwi. Wala pa siyang isang Linggo sa Pinas, ayun nakipaghiwalay at sabi hindi na daw makakabalik. And since madami siyang naiwang utang particular sa mga kakilala naming tao, naobliga akong magbayad… Ang sakit na ikaw na yung naiwanan, ikaw pa ang magbabayad ng inutang… pero ganun ulit, iiyak, magdadasal at pagkatapos ok na.

Pinilit kong bumangon, may ilang kaibigan akong lumayo at may ilan na nagstay. Some has proven that they are true friends that they are willing to spend time with me just for me to be able to get by. Again para akong mababaliw noong mga araw na iyon. Pero sa tulong nila nakaraos naman ako. Pero sadyang hindi sapat ang kinikita ko. Nakakainis na napakailap ng suwerte sa akin sa paghahanap ng mas maganda-ganda sanang trabaho na may malaking suweldo para tuluyan nang makapag-umpisa ulit. Pero simula nang iwan ako ni Don, kailangan kong bayaran ang mga dapat bayaran. Nakailang ulit na din akong nagpalipatlipat ng tirahan mapagkasya lang ang aking kinikita. Damang dama ko ang hirap ng buhay pero pilit kong kinakaya.

Natuto akong magmahal ulit. This time sinigurado kong single. Sa umpisa masaya pero nung lumaon parang away na lang kami nang away. Akala ko nakahanap na ako ng isang taong makakasama ko sa ups and downs ko. Yung kahit sinabi ko sa kanya ang nakaraan ko at magiging totoo ako sa kanya ay matatanggap niya ako nang buong-buo. Yung kahit walang wala ako ei nandyan lang siya para sumuporta. Suporta hindi man financial pero spiritual at yung taong magbibigay sa akin ng lakas ng loob na lumaban. Hindi yung sa bawat pag-aaway namin ay ipamumukha sa akin ang kahinaan ko, ang kamalian ko at ang mga pera na hiniram ko sa kanya at sa ibang tao.

Sa mga panahon ngayon, hindi ko alam kung ito ay isa nanamang pagsubok sa aking katauhan. Oo alam ko financially wala akong maipagmamalaki dahil hanggang ngayon ay wala pa din akong ipon. Pero sa ganang akin lang, magkulang man ako sa aspetong yun, mayroon naman akong ibang katangian na alam kong angat sa iba. Pero hindi ko man narinig kahit minsan na icompliment niya ako. All that he has to say is negative things about me.

I felt I was being taken for granted, I was belittled and that I was not wanted anymore. Minsan na din naman niya akong niloko at minsan na din naman niyang inattempt na ipagpalit ako sa iba. Sa huli, tinanggap ko pa din siya nang buong-buo. Pero ang hamakin ang pagkatao ko ng taong pinakamamahal ko, ibang usapan at ibang pakiramdam. Mas masakit. Dahil yung pang-unawang inaasahan mo hindi niya kayang ibigay. Yung pag-iintindi na hinihingi mo hindi niya kayang intindihin. Dumarating pa sa punto na parang gusto mo nang sumuko, pero dahil sa mahal mo, pilit kang nakakapit. Pero hanggang kailan? Hanggang ngayon katulad pa din ng dati… Pilit pa din akong lumalaban… at kapag napupuno at sobrang nasasaktan… umiiyak na lang ako… nagdadasal apra sa dagdag na lakas at pagkatapos, ok na…

author:   iloveme

p.e./mj