Igalang ang opinyon ng iba

teacher photoLagi lang tandaan na tayo ay mga guro. Mahirap at maraming magsasabi sa iyo na sumabay ka na lang sa agos kasi ikaw lng din ang maapektuhan pag dinibdib mo at kung di mo kaya ang sistema ay umalis ka na lang.

Pero naniniwala ako na maraming guro ngayon ang hindi basta sumusunod sa agos dahil alam nila ang tama at mali.

Mas marami na ngayon ang kayang magsalita ng kanilang mga opinyon.

Ito ay patunay na marami ring naniniwala sa pangangailangan ng pagbabago. Mga taong hindi basta nagrereklamo kundi mga taong kumikilos rin para matupad ang ninanais na pagbabagong makakabuti ng ating edukasyon.

Hindi naman kailangan mag-aklas ng mga guro. Mapakinggan lang sana at mabigyang pansin ang mga katotohanan na nangyayari sa bawat paaralan.

Sa kabila ng mga negatibo sa ating sistema sana ay hindi magpadala ang mga guro na nagreresulta sa kawalan ng gana sa pagtuturo. Kaya ka nga guro, ‘di ba?

Ano ba ang dapat na ginagawa ng guro? Hindi ba nagtuturo at naghuhubog ng mga estudyante?

Kung magpapatalo tayo sa mga ganitong bagay, paano na lamang ang kinabukasan ng mga kabataan?

Hindi ba dapat na tayong mga guro ang pinakamatatag sa lahat? Na kahit na nga mga magulang na hindi kaya ang anak nila ay sa atin humihingi ng tulong at nagtitiwala na mapapabuti ang kanilang mga anak.

At sa aking palagay ay napakaraming ‘di pagkakaintindhan sa mga utos galing sa nakatataas.

Magbasa po tayo ng mga deped memo at order.

Hindi po sa pagmamayabang pero ang aming paaralan po ay masunurin sa mga order at memo. At dahil na rin po sa aking pagpasok sa masters ay mas nalinawan ako tungkol diyan sa pagbabawal na magbagsak.

Iba-iba kasi ang kuwento, tama ba?

Sa ibang paaralan lagot ka sa principal mo pag nagbagsak ka ng bata.

Sa amin po hindi ganoon dahil ayon din naman po sa deped memo at order ay maaari kang magbigay ng bagsak na marka lalo’t higit kung nagawa mo na lahat ang iyong makakaya.

Sa amin po kasi, hindi po ba at uso ang intervention, ay sinisikap naming matulungan ang mga bata na di nakapasa. pero kung sa kabila ng aming pagsisikap ay hindi ito nagbunga ng maganda dahil sa napakaraming kadahilanan na hindi na kaya ng aming kapangyarihan at kakayahan ay may karapatan kami na hindi ipasa ang bata.

Huwag po tayo matakot magbagsak kung talaga naman po na hindi handa ang bata sa susunod na baitang kasi po siya rin ang kawawa.

Hindi ko na po itatanong kung kayo ay maniniwala dahil alam kong may mga bata din sa paaralan n’yo na high school na hirap pa rin o di marunong magbasa at mag-solve ng simple arithmetic.

Ito ay sa kadahilang sa elementarya pa lang ay uso na ang “bawal magbagsak” tradition. Kasi nga naman daw po guro pa rin ang laging mali pag bagsak o di natuto ang bata.

Pagagalitan na nga sasabihin pa na hindi ginagawa ang trabaho.

Hindi po lahat ng guro ay ‘ di ginagawa ang trabaho nila. Marami lang din po talagang bata ang hindi handa ang kakayahan para sa baitang kung nasaan sila na kaya naman nga po nakaabot dun ay dahil sa tradisyon.

Maraming bata ang kailangan ng ibang programa at hindi po dapat ipagsiksikan sa regular public school. Ang pangangailangan sa programang ito ay hindi pa naman napagiisipan ng ating gobyerno.

Marahil dahil budget na naman yan… Hindi po sapat ang open high, als, at sped. May mga estudyante po sa modernong panahon ngayon na iba ang pangngailangan.

Isa pa ay ang laki ng epekto ng teknolohiya at barkada sa mga bata ngayon. Baka nga po mas malaki na ang impluwensiya kesa sa pamilya.

Kung may super powers lang sana ang mga guro,  di ba? Pero tao lang din po kasi kami. tsaka di ba po pag bagsak ang bata nasasaktan din ang guro? Kasi hindi niya napagtagumpayan na madala sa tamang landas ang bata. Isa po itong “failed mission” at alam po natin ang sakit pag tayo ay hindi nagtatagumpay sa ating adhikain.

Ang bawat principal po kasi daw ay gusto na very good ang school nila (sino ba ang may ayaw? gusto rin ito ng mga guro nu..) to the point na parang naglolokohan na lang (pero hindi yung part na naglolokohan na lang).

Sabi rin ng iba ay dahil may nakukuha daw na pera pag very good ang school. Ewan ko lang din huh…pero baka yung pbb ang tinutukoy nila. Masama pa pala naging epekto ng pbb? At ang dami pang isyu diyan sa pbb na yan.

Basta “do your work not because of the money, but because you’re a good teacher”. Hindi ka man makakuha ng 35k bibiyayaan ka naman ni God ng higit dun. Let us not work because of the money. Let us do our job because we know that it is the right thing.

Tungkol po ulit sa isyu ng grade, basta po kaya mo depensahan, go for it. At pag ginipit ka sabihin mo na lang sa gumigipit sa iyo “sige ikaw na magturo ikaw ang magaling ih, ikaw na rin magcompute para yung 60 maging 75 (magic) at ikaw na rin magbigay ng intervention (kahit dahilan ay hindi sakit o mahina ulo kundi tamad at masama ang ugali) at maghomevisit (lugar na hindi mo alam kung makakauwi ka nang buhay…)

Tutal madali lang naman sayo ih” Joke lang po…tska para po sa nagpost ng isyu na iyan…ang masasabi ko lang ay malas ka lang din po kasi ganan ang principal mo, baka may pinagdaraanan siya.

Ang principal namin hindi ganyan. Nagagalit nga yun sa mga batang liban nang liban tapos ipapasa ng guro nang ganon lang? (hello???) hindi perfect ang school namin at madami din sigurong flaws, pero I still feel blessed.

Palagay ko din hindi maganda yung ginawa niya na ina-aanounce pa nang ganun. Kasi kung ganon man ang patakaran niya sa school, hindi ba dapat sa mga guro na lang sabihin hindi landakan kasi tulad niyan, talagang taken for granted na ng bata ang pag-aaral kasi pasado din naman pala whatever happens.

So, pag naging principal kaya siya ng paaralan na puro tamad ang bata na tipong tapunan na magiging masaya pa kaya siya?

Well, kung wala siyang pakialman sa kinabukasan baka hindi siya maapektuhan nito. Pero kung ganoon ang attitude niya, karapatdapat ba siyang maging principal?

Same with the teachers, kung ang attitude mo sa pagtuturo ay wala ka naman talaga pakialam sa mga bata o sa lipunan… you don’t deserve to be in the teaching profession.

At higit sa lahat huwag mong gagayahin ang nakikita mong mali o hindi maganda. maraming salamat at wala pong personalan…God bless!

 

 

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.