If you want to fly, all you need is friendship

 

Idol na idol ko talaga si Spongebob.

In fact, isa sa mga paboritong motto ko sa buhay ay ‘yung isa sa mga quotes niya: “If you want to fly, all you need is friendship.” Nakakainspire ito dahil, unang una, mahirap lumipad sa tubig. Two, naisip ng sponge ang napakalupit na idea na iyon. Sabi ko sa sarili ko, kung kaya ng sponge lumipad, kaya ko rin.

Akala ko dati, keso si Spongebob, pero wala nga palang keso sa dagat. So tinanong ko ang nanay ko na nag-enlighten sa akin na Scotchbrite siya. Foam. And while you think about that, think about this: foam is absorbent. So paano kaya siya nakakagalaw sa tubig, or nakakapagluto ng Krabby Patty, or nakakapagpakain kay Gary or nakakapanghuli ng jellyfish to make jam out of it, weighed down by all the water weight his frail body could ever hold?

That doesn’t seem to deter him. Translate that to a human circumstance, it’s like living all the days of your life towing a wrecking ball and still be good at it. Dude, he’s living in a hostile place, and he proved that, despite being just a sponge, he still can adapt and carry on with his life. Can you beat that? On the other hand, scientists are telling us that we, highly advance human beings, can’t live in Mars. Ang galing galing talaga ni Spongebob. You tell me.

Nang tinanong kami ng titser namin sa elementary kung sinong superhero ang gusto naming maging, sabi ko gusto ko maging, well, sino pa ba? Eh ‘di si Spongebob. Pinagtawanan ako sa klase. Hindi naman daw kasi superhero si Spongebob. Wala siyang amazing tools gaya ni Batman. Wala siyang laser heat vision gaya ni Superman. At higit sa lahat, hindi siya nakakalipad.

“That’s not true,” sabi ko. “If you really want to fly, all you need is friendship.”

Natahimik ang buong klase nang ilang sandali, iyong tipong maririnig ang pagpatak ng karayom sa sahig, saka sila nagtawanan ulit, this time mas malakas.

“Friendship, huh?” sabi ng isa.

Sana, gaya ni Spongebob, kaya ring iabsorb ng katawan ko ang hiya dahil sa sagot ko. Ni-let down ako ng idol ko, especially when I needed him most.

Kaya sabi ko na lang eh nagjo-joke lang ako. Mula sa kinatatayuan ko, humakbang ako sa isang imaginary platform at nagrecite: “If you really want to fly, all you need is friendship. Makes sense,” sabi ko. “Pero sa totoong buhay, wala naman talagang ganoon, maliban na lang kung may kaibigan kang ibon.”

“Kilala n’yo ba si Hawkgirl?”

About Vernon Velasco

The reason I carry a handkerchief is that I am meant to save a lady's day.