“IDOL KITA….Pero sinayang mo ang paghanga ko sa iyo!”

ang_panday1
Photo Credit :superheldenfantreff-luebeck.de/Ang-Panday.htm

“NGAYON KO LANG NALAMAN….WALA KA PALANG KAKWENTA-KWENTA…IDOL PA NAMAN KITA….NAGSISISI AKO KUNG BAKIT HINAHANGAAN PA KITA” .

Kasi ay bata pa lang ako ay nasusubaybayan na kita at habang napapanood kita ay nakikita ko sa maamo mong mukha na lagi kang seryosong-seryoso at wala akong makitang bangis sa iyong mukha at napagtanto kong ikaw ay mabait at nasa iyo na ang katangiang hinahanap ko .

Kaya naisip kong ikaw na ang piliing kong ilista noon upang maiupo sa puwesto sa pangalawang pinakamataas na pinuno ng ating bansa.

PERO KAHAPON ng marinig kong ikaw ay nagsasalita ng mga MAHAHAYAP AT MAAANGHANG NA SALITA na ikaw ika mo ay tinatapos mo na ang pagiging matalik ninyong pagkakaibigan sa may pinaka-mataas na tungkulin sa ating bansa ay nalungkot ako at nadismaya at NAGLAHONG LAHAT ANG PAGHANGA KO AT PAG-IIDOLO SAYO.

ITO ANG NASABI ng isang lalakeng mukhang di naman gaanong katandaan pa pero mukhang matandang hukluban na at parang maysakit kung tingnan na namamahinga sa kanyang lumang-luma ng tricycle na naka-junk na at ginagawa na lang niyang pahingahan.

TOTOO…. nang marinig niya ang balitang tinatapos na ng kasalukuyang may pangalawang mataas na katungkulan ang matagal na nilang pagkakaibigan sa isa ring may pinaka-mataas ding katungkulan ay talagang DISMAYADONG-DISMAYADO SIYA .

At di maiwasang magsalita

“NAKU EH…. WALA KA PALANG KWENTANG KAIBIGAN…..na sa matagal na ninyong pagkakaibigan ay itinuring ka na niyang kapamilya at pinagtatakpan pa niya ang iyong naging kabulukan tapos ay dahil lamang sa iyong PANIBUGHO sa iyong mga kapanalig na hindi ikaw ang napipisil ay sasabihin mo ngayong TAMA NA…. TAMA NA …SOBRA NA …..HINDI KO NA MATITIIS ANG KABULUKANG NANGYAYARI eh ayoko na talaga sa inyo”.

“O EH BAKIT , eh kung ikaw ba ay nasa matuwid na pag-iisip at tapat ka sa iyong mga kababayang pumili sayo ay bakit noon pa man ay alam mo na, na may nakikita ka at may nangyayaring kabulukan sa inyong samahan ay bakit TINO-TOLERATE MO SILA at nagsasawalang kibo ka na lamang kahit hindi mo gusto ang ginagawa ng iyong dating mga kasama noon pa man”.

Samakatuwid pala ay isa ka ring BULOK NOON na nakikinabang din sa kanya at ngayong mapansin mong hindi ka gusto at tila mas me pinapaborang mas nakakahigit ang katangian sayo ay ngayon ka lamang nagbulgar na may anomalyang ginagawa ang iyong mga kapanalig.

“EH KUNG TALAGANG TAPAT KA at nangako sa iyong kababayang mga umaasa sayong kakayahan at nakikita mong nilulustay lamang ng iyong mga kapanalig ang aming mga ibinubuwis ay bakit ka nagsasawalang kibo na lamang sa loob ng 5 taon ninyong magandang pagsasamahan”.

“EH BAKIT HINDI MO KAMI IPINAGTATANGGOL na ninanakawan na kami ay nasasawalang kibo ka pa rin…eh kawawa naman kami…at matagal na palang nangyayari na ginagawa nila iyon at nakikita mo iyon”.

Samakatuwid ay OKEY NAMAN SAYO….DAHIL DI KA KUMIKIBO.

AT NGAYON ay kumibo ka dahil inakala mong naargabyado ka.

“ABA ANG KAHALINTULAD MO ay isang barkadahang parang magkakapatid kung magturingan at handang ipagtanggol ang bawat isa pero ng mapansin mong tila argabyado ka ay tumiwalag ka na at ibinunyag mo ngayon ang baho ng bawat isa samantalang ISA KA RIN NAMAN DON”.

“ABA EH PARANG TOTOO NGA YATA ang ibinubulgar nong naging BISE sa kapanahunan mo na nagkakaroon ka ng mga porsiento at nagkamal din ng matagal , na kanyang ibinulgar”.

“EH EXCUSE ME….eh siguro ay nagkalamangan kayo at nalamangan mo siya ng husto , kaya hayun ng mainis sayo at ngayon ay ibinulgar ka sukdang madawit din siya….. makaganti lamang sayo” .

“EH BAKIT HINDI KAPANI-PANIWALA ANG IKINUKUWENTO NIYA na matagal kayong magkasama nong dati at aminado siyang ginawa nga ninyo iyon at nalalangisan din siya at tapos ay itatatwa mo at sasabihing napaka-sinungaling non at sinisiraan ka dahil galit lang sayo”.

“EH NGAYON SA KASALUKUYAN MO NAMANG KINALALAGYAN ay nagagalit ka at nagsasalita ka ng MAHAHAYAP NA SALITA na sa matagal mo ng kaibigan na pinagmamalasakitan ka naman ay ibubulgar mo nang hindi mo na matiis ang di tamang pamamalakad niya” .

“ABA NAKU IKAW PALA AY MARAMDAMIN AT MAPANIBUGHUIN at madaling mainis at nagdadakdak ng nagdadakdak…….eh SAYANG naman ang pagkakakilala ko sayo…….sinayang mo ang paghanga at pag-iidolo ko sayo…..ikaw pa naman ang pinili ko nong araw at malaki ang paniniwala ko sayong hindi ka ganoon at mapapagkatiwalaan kang tao”.

“EH BAKIT NAMAN HINDI KITA PIPILIIN ay kapwa tayo negro…same feather tayo……eh mapusyaw ka lang siguro sa akin ng bahagya kasi ang kakulay ko ay si MICHAEL JORDAN at LEBRON JAMES”

IKA KO noon ay katulad kitang maamo ang mukha , kapwa bulinggit at kapwa magkakulay ay hindi makakapagsalita ng mga MAHAHAYAP AT MAAANGHANG NA PANANALITA…..eh ngayon ay lumabas na ang talagang kulay mo….

Mabuti pa iyong gigolong binata at malumanay at hindi nagbibigay ng maanghang na pananalita at isinasaalang na dati naman kayong magkaibigan .

Pinangangalandakan mo na ngayong haharap ka sa pinaka-mataas na level sa ating bansa at walang makakahadlang sayo . At iyong mga ibinibintang sayo sa mga nakaraan mong mga naging illegal na transakyones o mga negosyo ay paninira puri lamang at upang hadlangan ka sayong ambisyon .

“EH SANA NAMAN kung hindi totoo ito o totoo man ay harapin mo muna ang kaso mo at linisin mo muna ang iyong pangalan….bago ka lumarga”.

“SAYANG……SAYANG TALAGA ANG PAGKAKAKILALA KO SAYO…AT PAGKAKA-IDOLO SAYO…..ke liwanag pa sa sikat ng araw na maitim ang kulay ng balat mo…..na katulad ko hehehe…..eh kaya lang ay nagkataong maganda ang pagka-negro mo at kilala ka sa buong bansa at ako ay sa barangay lang namin kilala sa pagka-ulikba kong kulay” .

SAMANTALA …KAYLAN LANG ay hinihikayat mo yung anak ng dati mong kabarkadang artista na sumapi sayo dahil nakikini-kinita mong kapag kasapi mo na siya ay madadala ka niya sa kanyang kasikatan at tiyak na shoot na sa balde ang kalaban .

“ABA EH ANO KA BA NAMAN eh alam mo naman palang hindi totoong Pilipino citizen at hindi qualified eh bakit mo gustong maka-tandem?”

At nang di pumayag na maging kasapi mo ay siniraan mo na siyang AMPON LAMANG at hindi Pilipino citizen at hilaw pa at hindi rin QUALIFIED para lumarga dahil iilang taon lamang nanirahan dito.

“ABA NAKU NAKAKAHIYA KA……AT HULING-HULI KA….. AT LALO PA KITANG MULING NAPINTASAN…..AT DITO TULUYANG NAWALA ANG PAGHANGA AT PAG-IIDOLO KO SAYO”

“ABA eh para kang batang tatlo o apat na taong gulang pa lamang na ng hindi nabigyan ng kendi ay sasabihing galit na kita…ayaw na kitang kalaro…SALBAHE KA” .

HAHAHA “HALA MAGPALIWANAG KA NGAYON..…maganda ang pagkatao sa madla at pinagmulan nong batang iyon kaya mo siya kinukuha….eh ng hindi mo napapayag ay siniraan mo na”.

WELL …WELL…ANYWAY , ang totoo niyan ay wala naman akong paki-alam at walang akong pinapanigan sa sinoman sa inyo .. .at ikaw idol na pinili ko ay masakit sa kalooban kong tuligsain ka nila sa mga naging illegal mong transakyones nong araw dahil IDOL nga kita noon.

BAHALA KA NA NGAYON SA BUHAY MO kung ano pa ang ipagdadakdak mo.

Eh ngayon ay hinding-hindi na ako makiki-alam sa darating na issue sa 2016 kasi lumakad lang patungo sa eskwelahan para pumili at isulat ang pangalan ninyo eh nahihirapan na ako dahil sa aking karamdaman at ako ay malapit na sigurong maging isang SENIOR CITIZEN NA. Hindi ko lang alam ang eksaktong date ng ipinanganak ako at ang sabi ng nanay ko ay ipinanganak ako nong malapit ng magtag-ulan na tumitilaok ang manok sa madaling-araw

ITSA PWERA NA SIGURO AKO DYAN SA ISSUE NA DARATING SA ISANG TAON dahil nangangatog na ang mga dalire ko at di na makapagsulat dahil me PARKINSON ‘S DISEASE na ako sa kasalukuyan..

PERO HILING KO SA PANGINOON ….sana man lang bago pumikit ang mga mata ko ay meron namang maglakas- loob na mag-suggest na may mataas ang position sa ating gobyerno na maging ESTADO NA TAYO NG AMERICA at ng maging pantay pantay na tayong mga Pilipino at wala ng GRAFT AND CORRUPTION …

At lalong higit ay makarating naman ako sa LAS VEGAS na matagal ko nang minimithi .

At ng makakita ako doon ng makakapalaran ko na hindi naganap nong kabataan ko at makapag-asawa naman ako ng TISAY bago ako mamatay.

EH HINDI PO NINYO NAITATANONG ang inyo pong abang lingkod ay BINATA PA… at siguro ay baka kung makakapag-asawa ako ng isang TISAY ay baka sakaling lumakas- lakas pa ang tuhod ko at umabot ng hanggang 100 taon pa.

..Wakas…