Ideal Partner ba ang Hanap Mo?

Feeling “Love Guru” ako ngayon dahil sa isinulat kong ito. Pero maraming makakarelate dito.

Nakita mo na ba si Mr. Right?

Eh iyong babaeng pinapangarap mo, nakita mo na ba?

So naghahanap ka ng ideal partner mo?

Itigil mo na muna iyang paghahanap mo. Basahin mo muna ito.

Naniniwala akong ang pag-ibig hindi mo kailangang hanapin, hagilapin o habulin. Ang pag-ibig kusang dumarating sa hindi mo inaasahang sandali, oras o panahon ng iyong buhay. Narinig ko nga sa isang kakilala; sabi niya “kung saan saan ka naman nakatingin, sa malayo ka pa tumitingin malay mo nasa tabi tabi lang iyung magmamahal sa iyo nang totoo, malay mo ako iyon.” May maibanat lang eh.

Masasabi ko ring ito’y isang sugal. Oo, sugal… lahat itataya mo para dito. Hindi ito tulad ng pag-aapply mo sa trabaho na may interview bago ka pumasok. Walang tell me about yourself dito. Wala ring background check at declaration ng SALN dito bago mo pasukin.  Pumasok ka muna bago mo malalaman. Maaari ka magtanong ngunit 101% hindi ka makasisiguro kung totoo mga sinasabi niyan. Hindi mo alam kung anong klase ng tao iyang nasa harapan mo ngayon. Hindi mo alam kung anong ugali o kung anong pag-iisip meron siya. Puwede mo namang pag-aralan pero palagi iyan late.

couple photo
Photo by aliceabc0 (Pixabay)

Late mo na mare-realize na “ahh ganito pala siya”. “Ganyan pala siya”. Kung naging positive? Hala ka! (Joke!)  Congrats, hindi ka nagkamali. Baka nanalo ka sa sugal. Pero madalas may mga talunan. Umiiyak at nagsisisi. At wala nang bago sa pagsisisi sa huli; common na nating naririnig ‘yan sa kahit na kanino. At lahat  naman yata ng umpisa matamis, masaya, parang walang bukas at ayaw mo nang matapos.

Bago ka pa pumasok sa isang relasyon sana mabasa mo ito. O kung nasa isang relasyon ka na sigurado akong ganito rin nakikita o nakita mo kaya basahin mo na rin.

Umpisahan natin sa pagiging..

Magkaibigan – madalas diyan naman nag-uumpisa.  ngunit nakasisiguro ka ba na makikilala mo na siya? Na siya na iyon? Unahan na kita. Hindi. Dahil makikilala mo lang siya kung paano at ano siya bilang kaibigan. Kung magkasundo kayo? Good! Masaya iyan. Pero kung hindi mo gusto madali namang umiwas.  Sa stage na ito may mga tampuhan pero maliit na bagay iyan sa magkaibigan; mamaya lang wala na yan.

Amazing, ‘di ba? Sa pagkalawak lawak ng mundo posibleng makatagpo mo ‘yung taong pinapangarap mo. Sa iisang lugar, sa tamang panahon, sa tamang oras, sa tamang pagkakataon. (pero ‘wag mo ipilit na baka si boss mo iyan!)

At sa paglipas ng panahon.

Mahuhulog ka dahil mabuting kaibigan puwede ka mafriend zone at iwanan sa ere. Pero madalas sasaluhin ka niyan… at magiging kayo.

couple photo
Photo by aliceabc0 (Pixabay)

Bf/gf –  ibang stage at ibang level na iyan. Makikita mong iba namang mga ugali at kung paano siya mag-isip sa stage na ito. Akala mo kilala mo na siya? Ako na ulit sasagot. Hindi pa rin. Kasi ngayon mo pa lang malalaman kung ano siya bilang bf/gf mo.

Puwedeng santo-santohan iyan sa bait. At puwede rin namang parang si Incredible Hulk kapag na beast mode. Late ka na, ‘di’ba? kasi nakapasok ka na. Pero puwede ka pa namang kumalas kung hindi mo kaya ugali niyan.  Sa stage na ito mas bumigat dahil may mga limitasyon na. At mas marami na ring tampuhan, awayan, hindi puro tawanan at kasiyahan kumpara nung magkaibigan pa lang kayo. Sa paglipas ng panahon, ito iyung stage na nagkakaalaman na. Kumbaga sa trabaho nakita na kung paano ka magtrabaho kaya oras na para sa evaluation mo kung ireregular ka o end of contract na. Ano, kasalan na?

At lumipas muli ang panahon.. (oops! hindi daw lahat pinapalipas ang mahabang panahon meron 3 to 6 months, ok na.)

Ang haba na ng pinagsamahan n’yo mula pagiging magkaibigan hanggang ngayon, kilalang kilala n’yo na siguro ang bawat isa.

Akalain mo natiis ninyo ang isa’t isa? Eto ikakasal ka na, sigurado ka na ba?

Kilala mo na ba? Iyan na ba iyung hinihintay mo noon na ideal partner? Nakita mo na ba?

Kung oo sagot mo sa lahat ng tanong…(ok lang yan alam ko babalikan mo kung ano ‘yung mga tanong). Prangkahan tayo nagkakamali ka. Hindi ka pa rin nakasisiguro. Mag-uumpisa pa lang kayo para magkakilala.

Simula sa araw ng pag-iisang-dibdib.

At matapos ninyong sumagot nang makailang ulit na “opo, father!” dito mag-uumpisa na makikilala ninyo ang isa’t isa. Dito maraming kasiyahan, lambingan, katuwaan mayroon ding awayan, iyakan, tampuhan, umbagan? (bad iyan). Ganyan ang buhay mag-asawa. masaya? Sobra. Masalimuot? Hay sobra. Normal iyan. Pero ang maliwanag dito, hindi mo siya kasama dahil siya iyong ideal partner na pinangarap mo, at lalong hindi ito ‘yung perfect relationship na inaasam asam mo na napapanood mo sa tv o pelikula. Maraming pagsubok at maraming malalaking desisyon ang haharapin ninyo na magkasama. Hindi man siya ‘yung ideal partner na pinangarap mo mahalin mo siya kung ano siya at kung sino siya.

Kaya si Mr. Right at iyong babaeng pinapangarap mo? Guni guni mo lang yan. Walang ganun.

Ideal partner? Walang ganun. Hindi mo mapipili iyan, hindi mo makikita iyan. May darating na para sa iyo at tatanggapin mo kung anong meron siya at kung ano siya. Mamahalin mo ang lahat pati kakulangan  niya,  ia-appreciate mo kung anong maganda sa kanya at irespeto mo kung anong meron sa kanya.

At ‘yan ang tunay na pag ibig.

couple photo
Photo by StockSnap (Pixabay)

#SaluteToAllLoyalHusband

#SaluteToAllFaithfulWife

?MNNSBT?

About LumangTao

writer/blogger/investor/stocktrader. kung gusto nyo matuto how to invest sa stock market. visit nyo po ako. https://lumangtao.blogspot.com Salamat! #LumangTao