Iba’t ibang timpla ng longganisa

Public Domain Image/Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Nakatatakam na pagkaing Pinoy ang bumungad sa akin sa Facebook page na “Memories of Old Manila” na nagpapakita ng iba’t ibang uri ng anyo at timpla ng longganisa o longaniza, sa iba’t ibang lalawigan sa Pilipinas.

Ang naturang Facebook post ay ibinahagi ng netizen na si Jay Domingo Ramos. Tanong niya: “Have you tried the different types of longganisa around the Philippines?”

Makikita sa larawan ang mga longganisa mula sa Cabanatuan, Alaminos, Cebu, at Lucban.

Imahe mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Natakam naman dito ang mga netizens.

“Masarap ang longganisa sa Cebu, matamis ang timpla, good when broiled… sarap din yung sa Lucban, maraming bawang. Okay silang lahat, question lang, kaya ba ng budget mo lalo na sa big family… haha…”

“Their tastes are almost the same (garlic, salt and pepper ) except for Cebu’s which is sweet and oily. I like Cabanatuan and Lucban.”

“Isama na rin diyan yung sa Pampanga, plus may mga new players na rin na longganisa ang ibang mga lugar like Adobo Longaniza ng Tagaytay.”

Pamana sa atin ng mga Espanyol ang longaniza nang sakupin nila ang Pilipinas. Sa Ingles, tinatawag itong “Spanish sausage” katumbas ng embotido. Ito ay timpladong giniling na karne ng baboy na pinagsama-sama sa proseso.

Public Domain Image

Gustong-gusto ko ang longganisa. Madalas namin itong ulam noon, lalo na ang Vigan Longganisa. Para sa akin, mas masarap ang longganisa kapag maraming paminta, at isinawsaw sa bagoong at sukang maanghang.

Patok na patok din sa marami ang “Longsilog” o longganisa, sinangag at itlog na paboritong pagkain sa mga kainan.

Sa Vigan na kapital ng Ilocos Norte, ipinagdiriwang naman nila ang “Longganisa Festival” tuwing Enero ng taon.

Image capture via YouTube channel