Iba’t Ibang Klase Ng Mga Artista sa ‘Pinas

Photo credit: http://www.whitegadget.com
Photo credit: http://www.whitegadget.com

As a film major, I would like to share my opinions on actors. May mga klase lang ng artista sa Pilipinas. Note: artista refers to actors and actresses, na pwede ring dagdagan ng hyphen (-singer, -dancer, -celebrity endorser, etc.) dahil kadalasan ginagawa silang jack and jill of all trades kahit minsan hindi naman nila kaya yung pressure. So without further ado, may I present, the kinds of actors and actresses in the Philippines:

1. Classically or Technically-trained actors.

Eto yung mga dumaan talaga sa theater classes, theater workshops, at may alam sa technical terms pagdating sa theater, TV or film. Buhay na nila yung ginagawa nila. Examples include Cesar Montano and Eugene Domingo. Napupunta din sila sa lead roles, pero mahaba-habang panahon din ang inilalagay nila bilang supporting player, dahil na rin sa minsan mas gusto ng director o producer ng maganda kesa marunong umarte. Pag naging sikat naman sila, sila naman yung uri ng actor or actress na rerespetuhin mo dahil alam mong marunong silang umarte. nananalo ng acting awards, lifetime achievement awards, at nagiging head ng mga organizations ng mga artista. Ang masama nga lang, minsan, dahil sa respetong binibigay natin sa kanila, feeling nila may karapatan na silang tumakbo for public office. uUm, magkaiba po yun. As in real life, reel life kind of difference. Mas kailangan din natin ng mga marunong umarte.

2. Ordinary people who have (acting) talent.

Dito na pumapasok yung mga taong may God-given gift. Buhay na rin nila ang umarte. Minsan sila yung #1, minsan natural lang talaga sila and nadidiscover na lang ng agent/manager/director/producer/kamag-anak na nasa industriya din. Napapagkamalan minsan yung mga anak ng artista na merong ganito, pero that’s not always true. Wala akong maibigay na example maliban kay Nora Aunor, Christopher de Leon, Sharon Cuneta, Maricel Soriano at Vilma Santos. Kagaya ng mga number one, rerespetuhin mo rin sila dahil sa talent. Award-winning din sila, minsan din tumatakbo for public office (subukin lang kung kaya, please.), at sila yung mga tinatawag na ‘Tita’, ‘Tito’, ‘Ate’, at ‘Kuya’ sa Philippine Showbiz. May titles din sila, pero hindi ko na ilalagay lahat (Megastar! Star for All Seasons! Superstar!) dahil mauubos lang ang oras ko, hindi sila pinapakialaman at iniintriga dahil respetado nga sila. Malaking gulo kapag sila yung naintriga. Madalas nasa indie film na sila ngayon. sigh.

3. Singer-actors, Dancer-actors.

Magkaiba ang species na ito sa isa pang uri ng specie na ididiscuss ko rin dito. Examples include Ogie Alcasid, Ariel Rivera, Vhong Navarro, Sarah Geronimo, and Regine Velasquez. Kung singer ka, logical rin na subukan mong umarte. Hugely successful naman ang mga gumawa ng career move na yun nung 80s and 90s. Ngayon, sigh, pag ginawa mo yun, medyo mahihirapan ka, not unless you have real acting chops like #s 1 and 2. ‘Pag wala, kumanta or sumayaw ka na lang.

4. Offspring/Relatives of Actors/Actresses.

I’m sure may naisip na kayong example. Usually tricky kung anak ka ng artista sa Pilipinas, kasi malamang sa hindi, bago ka pa makatapak ng grade 1, either may commerical ka na, sikat na sikat na yung mga magulang mo, or may pelikula ka na. Siyempre, in our country, expected na kung ano ang puno, siya rin ang bunga. Minsan, kagaya ni Luis Manzano, mas okay na magkaroon sila ng ibang gig, kagaya ng hosting. At least hindi sila naprepressure na mag-artista. May time to explore. Time na lang din ang makakapagsabi if magiging kasing-galing sila ng parents nila.

I just realized kasama pa pala dito yung mga kamag-anak ng artista. Sa Pilipinas, expected rin na kapag may kamag-anak kang artista, isa sa inyong magpipinsan or magkakapatid ang susunod sa yapak nila. minsan sapilitan, madalas hindi, minsan nagtatagal, minsan hindi. Unstable territory ang pagaartista sa kamag-anak ng artista, lalo na kung legendary sila.

5. Offspring of Famous Personalities.

Medyo tricky ‘tong area na ‘to. Siguro naman may example na rin kayo. Kung aarte ka, at ang parents mo ay hindi actors or actresses kundi mga  high-society people or politicians or businessmen, masuwerte ka kasi you can live on your name. Kilala ka kaagad. Successful naman ang iba sa kanila, ang iba nag-pursue ng ibang interests, which only proves na kahit saan talaga, pwede kang umunlad.

6. Models/Beauty Queens turned Actors.

Specialized din ang area na ito dahil konti lang naman sila at madalas ay bumabalik din naman sila sa pagmomodel or naghohost na lang ng show. Minsan, guest sila sa talk shows, lalo na kapag may important holiday or what not. Examples include Ruffa Guitierrez, Melanie Marquez, Precious Lara Quigamann, Bianca Manalo and Venus Raj. Wala pa ring nakakaalam kung sure thing ba ang career move na ito. Pero dahil may isa ka pang trabaho, nobody cares that much kung umunlad ka ba bilang actor or actress o hindi, dahil for sure, may iba kang gig dyan, and we have the billboards to prove it.

7. Mga actors and actresses na ‘actors and actresses’ dahil sa isang pangyayari.

Si Keana Reeves na siguro ang isa sa pinakamagandang example nito. Ewan ko kung paano siya naging artista, pero I woke up one morning at may pelikula na siya. Si Alyssa Alano din, yung sumikat dahil sa YouTube at misguided song lyrics. Madalas naman nagiging komedyante sila at nagkakaroon ng maraming gig. Good for them pero ang downside, madalas silang naiintriga, minsan para lang sumikat sila lalo, madalas para itanong natin sa sarili natin, ‘sino nga ba ‘to ulit?’

8. Mga actors and actresses na maganda at gwapo.

Eto na yung mga baguhang mga artista na na talagang tinitilian at mga nagiging crush ng bayan. Pero kung papansinin niyo wala naman talaga silang mga role sa pelikula or show na nilalabasan nila kasi pampaganda lang sila dun dahil sa pagiging gwapo at magaganada nila. Oo magaganda at gwapo nga sila pero kung swertehin mabibigyan sila ng big break ng mga networks na kinabibilangan nila. Meron namang iba ay napabayaan at nasayang ang mga careers.

9. Mga Jacks and Jills of all trades.

Sila ang pinakamayaman sa lahat. (ahem, Sharon Cuneta. ahem, Vilma Santos.) Bakit? kasi marami silang gig, ergo, maraming pagkukunan ng salapi. Halos hindi na sila nawawalan ng trabaho. Shuttles from comedy to drama to horror, depende kung kailangan nila ng lipo, or singing and dancing lessons. pwedeng isa sila sa first 8 na uri ng artista sa list na ito, pero usually either #1-4 and 8 sila. Minsan, nakakasawa na rin silang panoorin, lalo na pag nagpipilit silang kumanta o sumayaw. Dun kasi nakikita ang limitation ng bawat human being ng Planet Earth. (Ayaw niyong maniwala? Try niyong magpakanta or magpasayaw sa mga friends niyo. Yung ayaw, either nahihiya or nagtatago ng talent. Yung gusto, either may talent at game, or enthusiastic lang talaga. 50/50 kaya accurate na rin.) Mas masaklap pa yung pag alam mong ginagawa lang nila yun kasi kailangan nilang tustusan yung families nila (at least, yun yung sabi ng mga showbiz-oriented talk shows), which, while not a bad thing at all, ay medyo humiliating din para sa mga artistang hindi naman talaga Jack or Jill of all trades.

10. Actors and Actresses who were products of reality shows.

(Except for reality shows like Starstruck and Star Circle Quest, dahil okay naman yung galing dun) Seriously, they should take up acting lessons, a workshop for a whole semester or a year or years of theater while doing ads on the side. I don’t care kung marami kayong fans, may album kayo, or nasa remake kayo ng isang old Filipino film or Korean telenovela. I’m sure, ahem, marami sa inyo ay may pera na naman eh. If the only facial expressions that you make are the ones that you make when you’re really happy, or crying like a river, and your poker/angry face resembles a constipated person’s facial expressions, forget it. Explore your other talents. Save film and TV time for those who belong to #s 1-2, and the more talented members of the rest of the list, except for the attention-hungry members of number 7. If you came from a talent search, sing or dance. If you came from a house where you were locked up with about 10 other people, don’t even think about it. Not unless you acted your way into the house, I won’t care much about you anyway, even if I might be interested with what’s going on inside your big, big house.

11. Successful Athletes

Sila naman ay yung mga katulad nila Manny Pacquiao, Benji Paras, Onyok Velasco, Joey Marquez, Jimmy Santos, Chris Tiu at Efren “Bata” Reyes at marami pang iba. Sila yung mga atleta na nagtagumpay sa mga sports na nilalaruan nila. Sobrang sikat, malakas ang charisma, at kilala kahit saan man sila pumunta at yun ang dahilan kaya pati pag-aartista ay pinasok nila. Sa una, nagsisimula sila sa mga guesting sa mga sitcoms at gameshows tapos tatadtarin sila ng napakaraming mga endorsements at commercials tapos kapag nagtagal sila ay sisikat na at gagawan ng pelikula. Pero usually, ang mga atleta na pumapasok sa showbiz ay nagiging komedyante o kaya ay TV host ng mga reality based or kung anu-ano pang mga sports programs. Yung mga writers naman na ginagawan ng pelikula ang mga successful athletes na ito ay pinipilit na babagay istorya o role sa mga atletang ito. Ang mga athletes na pumapasok sa showbiz ay usually mga retired athletes na pero meron naman iba na active rosters pa din sa mga sports na nilalaruan nila pero hindi ko alam kung paano nila nababalance ang schedule nila bilang athletes at artista, ang hirap nun.

12. Mga YouTube Celebrities turned Actors

Sila yung mga random people na sadyang kinaaliwan lang ng mga tao dahil sa mga kakaiba nilang mga concept ng videos na pinopost sa YouTube. Examples nito ay sina Moymoy Palaboy, Beckymon at si Kuya Jobert. Magaganda nga ang mga pinakita nila sa YouTube, naaliw ang mga tao pero kung tutuusin kaya sila sumikat ay dahil nakakatawa ang mga ipinakita nila sa YouTube. Ngunit hanggang dun na lang sila sa pagiging komedyante or minsan nilalagay na lang sila bilang mga hosts ng variety show para magbigay ng kasiyahan sa mga tao. Kung mapapansin niyo, wala pa namang YouTube celebrity na sumabak sa matinding dramahan katulad ng mga teleserye kasi ang mga taong ito ay kailangan pang magmukhang tanga sa video para lang maging artista.

Talent doesn’t mean popularity, and it’s also not equates with looks. Sometimes, talent and looks (and personality, let’s not forget) go together, but if you only have the latter, go and try something else. Like modelling or if you’re underage, go to school. If you have a talent OTHER than acting, pursue that. Not this, because people from this particular category have been handing some of the biggest blows to the entertainment industry. Some of them can’t act to save their lives, and yet they force their way through every new gig as if some magical force would instantly turn them into Christopher de Leon or Sharon Cuneta. COME ON. I watch your movies, but I cringe when it gets too awkward. I cringe when I feel awkward for you and your fans. You know who you are. I cringe because you reinforce stereotypes because you can’t act your way out of a paper bag. I cringe because you overdo the cute, teenybopper thing and make it practically diabetes-inducing and nauseating. I cringe because I know I’m in the minority here. I cringe because I want stereotype-free, witty, intelligent and creative media, but it never gets made because you guys are so popular, they need you to get it made, but then your skills are so deplorable, and it brings down the whole thing, driving me away from you and your movies and your shows, and bringing me closer to Hollywood and cable TV.

Do me (and the rest of the Philippines) a favor. If you really want to act, take lessons, loads of them. Waste your hard-earned cash on acting lessons. Ask someone really good at it to be your mentor. Watch good movies. Learn actual acting skills. Earn your chops. I want the glory days of Philippine TV and film, and I want to see the day when plotlines aren’t implausible cop-outs of other shows, when movies and TV shows aren’t rehashed.

Written by:

Gabriel Alvin P. Batallones a.k.a. The FilmDoctor

Enhanced by Zemanta

1 Comment

  1. agree! hope magising na ang industriya at ibahin nmn ang timpla.. more on quality talent/acting than popularity.. and also depth ng story… I always try to watch and want to finish until the end ang isang teleserye but cringe in the end kase it always same all brand new story.. from being mahirap yumaman then vengeful at the end.. magkapatid na hindi pla..at marami pnng same old story..at cant help it to watch korean drama w/eng subs at I hate it kc I compare lage saten..pero will still not lose hope sa pinoy cinema and tv.. hope lng someone will try to make a move and change it..

Leave a Reply

Your email address will not be published.