Iba ka, Leyte!

March 5, 2017 l 5:00am flight NAIA T3 l Leyte l Tacloban l Palompom

3:00am kami umalis sa Novaliches, bandang 4:00am nasa NAIA T3 na kami at nagalmusal sa Jollibee

image

pasadong 5:00 am kami lumipad. 1st time ko sa plane with my Boyfriend. Iba padin pala talaga ang 1st time. Kakaiba!

image

Bandang 7am ng bumaba kami ng plane. Hello, Daniel Romualdez Airport!

image

Nagjeep lang kami papunta sa sakayan ng Van na papunta sa Palompon. 50pesos each compare sa special trip na taxi na 250pesos.

image

At nasa Palompom na nga kami, isang oras nalang, Kalanggaman Island na! 250pesos each ang Tourism fee ng over night stay then sa bangka, 300 each roundtrip na. Bago sumakay ng bangka, namili kami ng groceries at ulam. Kanin, inihaw na manok, lechon, 4 na litrong tubig, chips at syempre and hindi mawawala, Emperador.

image
image

Hello Kalanggaman Island!

image

May dala kaming tent, so no need na magrent ng tutuluyan. Cheaper at exciting. By the way, 1st time ko matulog sa tent. Ang saya saya!

image

Then kumain kami ng lunch, around 2 pm na yun. magkasama na am snacks, lunch at pm snacks.

Nagpalit ng damit, tumambay at si Boyfriend nakatulog. At ako, nagbantay.

image

Nakabawi na kami sa pagod, oras na para maggala sa isla! Ready!

image
image
image
image
image
image
image

At eto na po ang sandbar. Napakaganda mo, Kalanggaman!

image
image
image
image
image
image
image
image
image

at pababa na ang araw. Iba ka talaga, Kalanggaman!

image
image
image
image

At tuluyan na gumabi. bago mag 6:30pm kumain na kami ng dinner. syempre yun tirang ulam kanina at sinamahan lang ng tuna. Basta gutom, lahat masarap!

image
image
image
image

Syempre, walang pailaw sa isla. Hindi namin naisip magdala ng pang-ilaw, so flashlight ng cellphone ang naging tanglaw namin. At dahil sa Engineering skills ni Boyfriend, maliwanag kami. Binuksan na ang Emperador at nanuod ng Suits (series) Season 6 Episode 11-16. Tagay po kayo!

image
image

MARCH 06,2017- PALOMPOM l ORMOC l BILIRAN

Magandang umaga Kalanggaman! Nagalmusal ng tasty at may nabiling kape sa isla, 25pesos  at naligo na kami.Panalo ang tubig ng Kalanggaman, malinaw na linaw, kitang kita sa ilalim ng dagat ang aking katabaan!

After maligo, nood uli. This time movie naman, La La Land! Thanks, Boyfie, sa mga movies/series natin! muah!

image
image
image
image

11:00am and sundo namin pabalik sa Palompom. Pack up na ang tent, bangka ulit isang oras. tarana!

image
image

At pagbaba namin ng bangka, next destination papuntang Biliran.

Yun isang grupo na nakasabay namin sa bangka, hindi naman expected na hanggang sa huli, makakasama namin sila.

Nagpakilala, nagkatanungan saan ang punta at nagpasya na makikisabay kami sa kanila papunta sa Biliran.

Hello, Arvie! (siya lang nakuhanan ko nang ‘di sinasadya.)

image

Mula Palompom, naligo muna ang grupo nila sa Tourism Office at kami ni Boyfriend, kumain. Grabe sa hirap makahanap ng kakainan, nakatatlo kaming carinderia, punong puno. Sa pangapat kami nakahanap, parang tagline ng Uling Roasters, “hindi masarap pero pwede na”

Nagikotikot sa bayan ng Palompom, foodtrip at tambay habang naghihintay sa grupo nila Arvie.

image
image
image

Mga bandang 3pm na kami bumyahe mula Palompom patungo sa Ormoc, suwerte namin at nakisabay kami sa kanila dahil may sidetrip sila sa Lake Danao.

Pagdating namin ng Ormoc, naghanap kami ng Van na papunta sa Biliran na may sidetrip ng Danao Lake. Habang nakipagnegotiate si Boyfriend at si Michael sa mga drivers, nakita nila yun tatlong girls (na nakita din namin sa Kalanggaman Island)

Tinanong nila yun tatlo kung gusto sumabay sa amin(para cheaper ang fare sa van) at yey. Pumayag sila. Pero hindi lang sila tatlo, may isa pang humabol din na solo traveler, papunta din sa Biliran.

Hello, Cheanne, Rhea at Jocelyn. Plus hello, Toni!

From ako at si Boyfriend, na naki-join kami kina Arvie, Michael, Hazel, Aicah at Sherick, at dumagdag si Cheanne, Rhea, Jocelyn at Toni, naging 11 pax na kami! G!

image

Hello Danao Lake!

150pesos isang floating cottage. Ang mura diba!

image
image
image

Then deretso na papuntang Biliran. 7:00pm na nakarating sa Naval. Nagcheck in kami sa .TJ Hotel! Ang mura lang po. Pwede na!

naligo at nagdinner sa may port. Inihaw at kanin. at syempre hindi mawawala ang pangpatulog, nagtakeout ng beer. alright! Tagay!

MARCH 7- SAMBAWAN ISLAND AT TINAGO FALLS

Nagvan kami papunta sa Kawayan, 30pesos each, tapos bangka papunta sa Sambawan, 2000pesos,

Umaaraw, umuulan, tara G!

image
image

Isang oras mula sa Kawayan, Hello Sambawan!

image

100pesos per head ang Entrance fee (kasama na ang Tourism fee) May tindahan sila, order agad ng pancit canton at cup noodles. Alright solved din! Nagrent kami ng Cottage (500pesos)

image
image
image
image

At namasyal na kami after kumain. Ang ganda ganda mo, Sambawan!

image
image
image
image

At mga panalong shots ni Boyfriend at ng Team Leyte!

image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image
image

After ng pasyal, naligo na kami! Panalo din ang tubig tulad sa Kalanggaman.

Kitang-kita sa ilalim ng dagat ang katabaan ko!

After naming maligo, balik uli sa lupa. Naghanap kami ng service papunta sa Tinago falls. Naglunch muna sa Naval sabay byahe na patungo Falls. Nasa 30minutes ang byahe, kahit hindi masyado tirik ang araw, tuloy padin kami. Wala makakapigil sa amin!

image
image
image

At naglaro na kami! Iba ang saya!

image
image
image
image
image

After magtampisaw, pabalik na kami sa Hotel. Pero pag sineswerte, may BananaQ na tinda. Ang sarap ng BananaQ!!! (Basta gutom, masarap lahat)

image
image

Pagbalik sa Hotel, naligo at nagpahinga ng konti. Labas uli para sa dinner. Masasabi kong ito ang pinakamasarap na dinner sa pagstay ko sa Leyte! (in terms of food)

Kain po tayo!

image
image
image

At siyempre hinding-hindi mawawala ang Beer. Lipat sa ibang place. Flavored San Mig beer para kay Jocelyn, Rhea at Cheanne, San Mig light para kay Toni at 7 litro na Redhorse para kay Sherick, Michael, Hazel, sa akin at kay Boyfriend. (Nauna na sa Tacloban sila Arvee at Aica dahil papasok pa sila sa work sa Manila kinabukasan)

Gabi ng pagkagulat!  Iba ang saya!

image

Balik sa Hotel para matulog at magpahinga.

MARCH 08- M/V EVA JOCELYN, SAN JUANICO BRIDGE, DANIEL ROMUALDEZ AIRPORT

6:00am kami nagcheck out sa hotel, byahe uli papuntang Tacloban. Pagdating sa Tacloban, nagtricycle kami papunta sa M/V Eva Jocelyn ship

image
image
image
image
image

Then after, naghanap kami ng tricycle para makapunta sa San Juanico Bridge. 500pesos ang tricycle, pwede na, lima kaming naghati, yun iba kasi nakapunta na. Tara po!

image
image
image
image
image

At ang mga delikadong shots. Thanks guys! (ingat po sa pagpose, mabibilis ang mga sasakyan, tiyempuhan mo na wala. Pose sabay click sabay tabi agad!)

image
image
image

Pagkatapos namin dito, naharang kami ng pulis sa baba ng bridge dahil bawal pala magparking sa mismong bridge (sa mga pupunta, sa baba lang pwede ang service nyo, maglakad kayo paakyat ng bridge hehe!)

Then papunta na sa Airport.

Hello Daniel Romualdez Airport!

Lunch muna bago ang flight. At habang naghihintay ng flight pabalik ng Manila, kulitan muna with Team Leyte!

Sabi nila, magingat lagi sa biyahe at sa makikilala pero iba sila, hindi sila iba. Ang saya nilang kasama!

image

Babalik na kami ng Manila.

Paalam, Leyte! Ang ganda mo at pinasaya mo po kami!

image
image

Salamat Boyfriend sa trip na ito. nai-book niya ng March 2016, sobra pa sa sulit ang paghihintay. My 1st trip with you, first flight, first tent, first DIY.

At kahit ayaw ko nun una ng neck pillow na binigay mo, para ‘di ka magalit sa ‘kin, tinanggap ko, pero sobrang laki ng tulong sa mga biyahe natin.

image

Hanggang sa muling biyahe, Boyfriend! at muling paggamit ng neck pillow na ‘yan!

image

Shebangsandsherocks now signing off!

image

About shebangsandsherocks

Taong may paninindigan, masawi o magtagumpay tuloy pa din ang laban sa buhay.