“I Wanna Grow Old with You”

I wanna grow old with you
I wanna die lying in your arms
I wanna grow old with you.

I wanna be looking in your eyes
I wanna be there for you
Sharing everything you do
I wanna grow old with you.”

Sana pagdating ng araw na tayo’y matanda na, kahit puti na ang buhok natin, Sana’y ‘di tayo magbago, At kailan ma’y, nasaan ma’y, Ito ang pangarap ko.

Kahit tumanda man tayo gusto ko ako pa rin ang mag-aalaga sa ‘yo, habang ikaw naman ang mag-aalaga sa ‘kin.  Kung bibigyan pa ako ni God ng mahabang buhay, isa lang ang hiling ko “I want to spend the rest of my life loving you”.

Alam ko, ang corny na noh? Pero okay lang basta maiparating ko lang sa ‘yo itung nilalaman ng puso ko.

“There’s nothing I would rather do, than to grow old in love with you. The fun that we have, the talks we share. The jokes that we have, the hugs, the kisses we share. Our sweet memories and love will stay forever. I wanna grow old with you through the wrinkles of time, and through the mask of years.”

Alam ko darating din tayo diyan sa araw na yan, na ang buhok natin ay puputi na.  Kahit kalbo o panot ka na, ikaw pa rin ang aking sinisinta.  Magbabago man ang ating balat o mangungulubot pa! Kahit ipin ay wala na, kahit bungal ka na, hindi pa rin ako magsasawang ika’y aking hahalikan. Edad lang natin ang tumanda, buhok na puti at balat na kulubot, wala nang ngipin at halos hindi na makatayo’t uugod-ugod, lumipas man ang panahon, pero pag-ibig natin ay hindi magbabago kailan man.

 Pagdating ng araw na yan, hindi na ako puwedeng sumakay sa ‘yong motorsiklo, dahil hindi mo na rin kayang magmaneho at baka sa kanal pa ang ating diretso. Hindi na rin tayo puwedeng tumakbo o magjogging niyan; baka pareho na tayong hikain pagdating ng araw na yan. Hindi na rin bagay sa ‘tin ang manood ng sine, baka biglang magkagulo, maipit at maiwanan lang nila tayo. Puwede pa naman kitang subuan kapag ika’y kumakain, basta kamay ko ay ‘wag lang rayumahin, mahirap nang magkamali, baka  pagkain mo’y sa ilong mo pa maisubo. (hehe)…

Pagdating ng araw na yan, ang daming bagay na hindi na natin puwedeng balikan. Pero okay lang sa ‘kin yun, ang importante magkasama pa rin tayo. Sabay na lang nating balikan ang magagandang alaala nung ating kabataan. Uupo na lang tayo sa tabing dagat at sabay nating hintayin ang paglubog ng araw; sa gabi sabay din nating tingalain mga nangingislap na bituin sa kalangitan.

Pagdating ng araw na yan, siguro pareho na tayong may tungkod niyan. Kaunting lakad na lang dahil paa natin halos hindi na maihakbang, habang himas-himas nana likuran.

Pagdating ng araw na yan, sabay na lang nating pagtawanan mga sakit na iniinda ng ating katawan. Dahil tayo ay matanda na, pagdating ng araw na yan lolo at lola na ang tawag sa ‘tin niyan.

Sa ngayon habang bata pa tayo,  gusto ko lang ipaalam sa ‘yo na ikaw lang ang nag-iisa dito sa puso ko. Malayo man tayo, we’re thousand miles apart, pero ikaw lang ang laman nitong puso ko. Kahit hindi man tayo magkasama, kahit wala ka man sa tabi ko, gusto ko lang iparating sa ‘yo ang puso ko’y hindi kayang tumbasan ng kahit anong bagay dito sa mundo,  (kahit maghubad pa sila sa’king harapan, pipikit na lang ako..hehe)..dahil pag-ibig ko’y nakalaan lamang sa ‘yo.

 Thank you for loving me, thank you for caring for me, sa lahat-lahat ng magagandang alaala nung nandiyan ako sa tabi mo. Pero pagbalik ko magkakasama na ulit tayo, sana sa pagkakataong yan ay hindi na tayo magkakalayo pa. Para tuwing umaga bago paman salubungin ng sikat ng araw ang umaga ay mukha mo agad ang aking makikita.

Huwag kang mag-alaala, mahal ko, malayo man ako sa ‘yo iingatan ko ang pag-ibig mo, at ito namang puso ko kahit sino ay walang makapag-bubukas nito. Dahil ang susi ng puso ko, ikaw lang ang may hawak nito.  Kahit marami pa ang guwapo na nagkalat sa mundo, para sa ‘kin ikaw lang ang nag-iisang guwapo sa buhay ko.

“Ikaw ang gwapings ko, ikaw ang hero ko at ikaw ang Prince Charming ng buhay ko at hanggang sa pagtanda natin ikaw pa rin ang mamahalin ko”

 Basta lagi mong tandaan, nandito lang ako para sa ‘yo, dahil alam ko nandiyan ka rin para sa ‘kin sa lahat ng oras hindi mo ako iniwan.

“If I had to run, if I had to crawl, if I had to swim a hundred rivers, just to climb a thousand walls, I always know that I would find a way. To get to where you are, there’s no place that far.”

Dahil dagat at bundok lang ang ating pagitan, pero isang mundo lang naman ang ating ginagalawan.”

Nandito nga ako, at nariyan ka! Hindi ko man maipararating ang halik at yakap ko, but I always ask God to guide and protect you coz I know God is better than me, His hands are bigger than mine. God will protect you anytime. Kahit malayo man ako sa ‘yo, kay God ko na lang dinadaan ang lahat at siya na ang bahala sa lahat.

 “As we grow older together, as we continue to change with age, theres is one thing that will never change I will always keep falling in love with you.”

__( “aj” )__

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.