I Hate My X

“Break na tayo, Numerohildo, you deserve someone better than me.”

 Ito ang salitang nagpaguho sa masayang mundo ni Number. Heto ang salitang paulit ulit na ume-echo sa kaloob looban ng utak niya. Isang linggo na halos pero heto parang minumulto pa rin siya na kahit nasa skuwelahan ay ginugulo siya ng tagpo ng pakikipagbreak sa kanya ng gf niya o mas angkop ng tawaging “EX”.

 “Aahh! You, you Numerohildo, find  X?”findx

 Ang tanong kay Number ng titser niya sa math pero tulala, at lumilipad sa kawalan itong si Number. Ang pag iisip ay nakatuon pa rin sa nakakagimbal na huling salitang binitawan ng ex niya sa kanya.

 “Ang sabi ko find  X, Numerohildo?” ang naiiritang sigaw ng titser ni Number.

 Nagulantang ata sa narinig at bigla itong napatayo sa pagkakaupo. Find X daw, find x.

 “Sh*t naman! Bakit n’yo pa ba hinahanap ang ex ko? Wala na kami, mag iisang linggo na ok! Kung nasaan man ung buwakang*nang ex ko na ‘yon pwede ba mam ‘wag ninyo ng hanapin sa akin.”

 ang dire-diretso at walang putol na makapatid litid at ugat na sagot ni Number sa kanyang titser.

 Sumabog ang tawanan ng mga kaklase ni Numerohildo sa classroom nila. Ang titser naman ay saglit na natulala sa narinig sa estudyante niyang best in math na si Number.

 “Go out Number! Go out in my class! Mag-uusap tayo mamaya ok!”

Napamura na lang sa utak si Number. Habang nakatambay sa tapat ng pinto ng kanila room, naglumikot ang kanyang isipan.

 T*ng*na pag ako naging politiko gagawa ako ng batas. Papatanggal ko ang letter x sa alphabet sa Pilipinas o kaya pagbabawal ko ang math problem na naghahanap sa sh*t na x na yan. Sabihin man ako ng mga bobotante na walang kuwenta ang batas na iyon, wala akong paki. Para rin naman ito sa mga iniwanan ng ex nila e. Lecheng ex yan. Tsee!

 Pero may narealize siya e. Bakit siya magiging bitter? Bakit niya aalisin ang pobreng x? Bakit sa x siya nagagalit? Wala itong kinalaman sa ex niya. Kaya naisip niya kung wala ng x paano na mabubuo ang salitang next na nagsasabing hoy! may next pa ‘wag kang hindot, ‘wag kang bitter, may next pang relasyong darating sa buhay mo (pero sa kabilang bandang ng kukote niya inaalala niya rin  pag wala ng x paano na salitang sex).

 Kaya simula ng oras na iyon tumigil na siya sa pag iisip tungkol sa x at sa ex niya. Bukas kakalimutan na niya ng tuluyan ang kanyang ex-gf. Ngumiti si Numerohildo na puno ng pagasa sabay pasok sa kanilang classroom at humingi ng sorry sa kanyang titser.

About x