I Hate My Mom

Photo credit: hellogiggles.tumblr.com
Photo credit: hellogiggles.tumblr.com

Masisisi niyo ba ako kung nagagalit ako sa sarili kong mommy? Masyado kong mahal ang daddy ko kaya  hindi ko na kayang makita siyang umiiyak ng dahil lang sa babaeng sinasabi nilang nanay ko. Siya yung babaeng hindi karapat dapat tawaging isang ina. Oo nasasabi ko ang mga bagay na ito dahil nagagalit at naiinis ako sa kanya pero kahit papaano hindi maiitangging mahal ko pa rin siya dahil siya ang nagbigay ng buhay sa akin at sa aming magkakapatid. Masyadong naging komplikado ang lahat sa amin simula at bago pa magkasakit ang daddy ko. Akala ko nung bata ako basta sabihan niyo ng “I Love You” ang isa’t isa ay okay na, yun pala kulang pa.

Mommy ang sakit naman ng ginawa mo sa amin. Bakit kailangan mo pa ng ibang lalaki? Hindi ba sapat si daddy sayo? Alam mo bang natatakot ako na baka isang araw asarin ako ng mga kaklase ko pag nalaman nila ang tungkol sayo? Ang tungkol sa pamilya natin? Mommy bakit kailangan mo pang magsinungaling? Bakit kailangan mo kaming lokohin? Nung bata ako nagagalit ako sa mga nakakatanda kong kapatid pag inaaway nila ang mommy ko, Nasasaktan ako kapag umiiyak siya, tapos yung feeling na kapag tinatanong ko kung ano yung problema sasabihin lang nilang “Bata ka pa hindi mo rin lang naman maiintindihan” Pero eto na lumalaki ako at nagkakamuwang sa mundong ginagalawan ko. Ang sakit pala, lalo na nung nalaman ko na ang pamilyang iniingatan ko ay matagal ng sira. Minsan nga gusto kong umiyak kapag nakekwento ko ang mga bagay na yon sa mga kaibigan ko dahil ang sasabihin nila “Wala naman sa muka ng mommy mong gagawa ng ganong kalokohan” Totoo naman eh wala talaga kasi ang bait bait niya pero mali pala kaming lahat, dahil ang mommy kong anghel sa paningin ko ay isang sibuyas pala na papaiyakin kaming lahat.

Mommy, di ko inakalang masakit palang marinig ang “I Love You” noh? Bakit kay daddy hindi ka makapag I Love You pero sa ibang lalaki kayang kaya mo? Mommy never pa kitang minura sa sobrang galit na nararamdaman ko pwede pa siguro ang pagkasuklam dahil sa mga bagay na hindi ko maisip na ginagawa mo. Mommy, hindi mo na ba kami mahal? Bakit kailangan mo pa ng ibang pamilya? Mommy ano ka dalaga para mag party ng hanggang 4-6am? Kailangan may call-sign pa kayo? Naglalampungan ba kayo? Maisip ko palang gusto ko ng sumabog sa inis kasi sa daddy ko sweet ka pag hihingi ka ng money. Pera na lang ba nagpapatakbo sa family natin? Kung papapiliin ako ng mommy hindi ko alam kung ikaw pa rin ang pipiliin ko.

Inggitera ako, kasi naiinggit ako sa mga kaibigan kong may mommy na mahal na mahal nila at mahal na mahal sila. Sweet nga eh may bonding pa sila, pero bakit ikaw may bonding kasama ang ibang lalaki mo? Kailangan pa naming masaktan ng dahil sa isang kagaya mong walang pakialam sa amin? Sa kagaya mong nanay sa paningin ng mga tao pero stranger sa amin?

Mommy sorry for hating you pero wala akong magawa kasi natatakot lang rin ako sa mga posibilidad na mawala ka pero unti unti natatanggap kong wala ka na samin. Tinanggap ko yun kahit hindi pa naman talaga dumadating yung oras na kinatatakutan ko dahil lamang sa dahilang ayoko ng masaktan pa kung sakaling matuloy ang kinatatakutan kong mawala ka sa amin.

Enhanced by Zemanta

5 Comments

  1. hayyy kahit gaano ka naman inis o kahit gaano mo sya kaayaw nanay mo parin sya at kahit balibaliktarin natin ang mundo hindi na magbabago yun kaya be nie nalang kahit ano pa ang mangyari.. pagpray nalang kita HAHAHA

  2. Meron tlagang mga nanay na ganyan, ung iba nga limang anak sa iba ibang lalake kaya ayun puro bastardo anak. Ung asawa na nga humiwalay dahil sa kahihiyan dahil sa sobrang kalandian nung babae. Ewan ko ba bat me mga taong ganyan ang kapal ng apog walang kahihiyan. Di na naisip ung magiging damdamin ng mga anak nya ksi masyado cyang selfish. Sarili lng nya iniisip nya plagi at di ang mga anak. Oo ngat naibibigay ang mga materyal na bagay pero ung tatay na tatawagin ng mga anak nya asan na? Kawawang mga bata di mramdaman ang pagmamahal ng isang ama. Sino ba naman ang magtototoo sa ganung babae. Buti sana kung nagpapaanak sa binata, dun pa sa me pamilya nagpapaanak at pilit na sumisira ng ibang pamilya para maging katulad nya ring sira na. Hay nakakaawa ang mga ganitong babae lalo ang mga anak nila.

  3. It is hard not to feel any negativity in this matter but take time to know your parents more and don’t just rely in one source of information. She may not be a good wife to your father nor the best mother that you can have but ask yourself this, “Are you a good daughter?”

  4. hirap mag advice sa gnitong sitwasyon…but as for my opinyon, hindi ko siya tatanggapin hanggat hindi niya nalalaman ang halaga ng pagiging ina.( depend sa sitwasyon). Sana you may find the peace and good decision.

  5. I’m sorry that you feel that way towards your mother. Relationships, especially marriages can be complicated. People oftentimes marry for the wrong reason. And so before you take sides and judge your own parents, try to find it in your heart to understand where both of them are coming from. You mom is also a person of her own, beyond her role as a wife and a mother. I pray for you and your family to find peace and forgiveness along the way.

Leave a Reply

Your email address will not be published.