I-Ban Ang Mga Teleserye!

3/13/2014 9:14:02 PM

1111May usap-usapan. Actually, hindi, naging balita na pala siya: isang mambabatas raw ay nagpapanukala na i-ban ang mga Koreanovela sa sirkulasyon ng Philippine television.

Teka, ano kamo? I-ban ang mga teleserye na mula sa Korea? Nung una tong pumutok noong nakaraang buwan ay napa-PM sa Facebook ang isang college friend ko sa kanyang pagkainis. Hindi naman siguro sa kangang pagiging K-Pop, ano, pero ano naman ang punto para i-ban ang mga teleserye na galing sa South Korea?

Unfavorable time slot daw sabi ni Buhay representative Lito Atienza. Sa paglipana raw kasi ng mga ‘to, nawawala na raw ang mga lokal na teleserye sa Pilipinas.

Ha? Weh? Di nga?

Kaya sa panukala niyang House Bill 3839, ipinagbabawal nito ang pagsasahimpapawid ng mga Koreanovela, Mexicanovela, Chinovela at iba pang mga teleserye na gawa ng mga banyaga sa pagitan ng alas-sais hanggang ika-sampu ng gabi.

Ganun? OO, ganun nga.

Patawa naman yata ‘to masyado. Di ko alam kung nasusubaybayan niya ang istilo ng programming sa primetime TV o dahil sa matumal din sa dating ang kanyang teleserye (pero still hindi ako panig sa alinmang channel). Pero kung tutuusin kasi, kung papansinin ang progam line-up ng alinman sa tatlong higanteng TV network sa Pilipinas, mas mapapansin na tila wala naman yatang umeere na foreign-based telenovela sa mga ganung oras. Kung meron man, isa lang.

In fact, outnumbered na kaya ng mga Pinoy na teleserye  ang mga foreign counterparts nito, mula umaga hanggang gabi.

Pero… anak ng puta naman. Wala naman bang mas matinong batas na dapat pang ipanukala sa panahon ngayon?

Kasi kung ibaban lang din naman ang mga Koreanovela o kung anek-anek na teleserye na gawa ng mga banyaga, might as well na i-ban na lang din ang paggawa ng mga teleserye mula sa atin mismo!

Tama. Dagok ba sa mga talent, director at writer ‘to? Maari, pero leche. Sobrang nega na ng lipunan, at ang dapat kailangan ng tao kung gusto nila maentertain ay ang mga tinatawag na sitcom. Nase-stress ka na nga sa mga nangyari sa ‘yo sa trabaho, pati na rin sa mga pangyayari sa kaliwa’t kanang kanto, and yet papatol ka pa sa stress na hatid ng telenovela?
LECHE. Lokohin mo nga ako.
Click here to read the entire article.
Author: slickmaster | (c) 2014 september twenty-eight productions

6 Comments

  1. Nakakainis kasi daily yung mga teleserye dito. Yung Monday hanggang Friday gabi-gabi. Sa ibang bansa, weekly yung mga primetime na palabas. Ang nakakainis dito sa Pilipinas, paulit-paulit yung storyline at patuloy na tinatangkilik ng mga Pinoy.Di na ko magtataka kung bakit madaming makitid mag-isip sa lipunan na ‘to dahil araw-araw sila nanonood.

    • “Ang nakakainis dito sa Pilipinas, paulit-paulit yung storyline at patuloy na tinatangkilik ng mga Pinoy.”

      Sa totoo lang, may ‘unli’ syndrome ata tayo e hahaha! “de, pero seyosong usapan lang, tama ka e. Sa araw-araw na lang na lumilipas (o kung mahilig kang lumabag sa ikalawang utos ng Diyos… ‘sa araw-araw na ginawa ng Diyos’)… tangina, teleserye pa rin?

      Kumbaga sa pagkain, nakakaumay na talaga eh. Good observation sa sinabi mong makikitid ang utak, mahahalata ito sa thread ng post na ito sa Facebook page ng DF eh.

    • Actually, di naman sa gustong gusto ng mga Pinoy ang palabas sa TV, kundi walang choice ang mga tao kundi yun at yun lang. siguro nasanay na lang ang mga tao na halatang nilalagare lang ng mga direktor at artista ang mga pinapalabas sa gabi. Pero kung tutuusin, sukang suka na mga tao. mahal lang pa-subscribe ng cable, satellite at kung ano2 pa para meron silang mapagpipilian.

  2. haha ang i-ban yung mga tagalog na telenovela na paulit ulit story iba lang ang nagiging artista! ako never ako nanood ng tagalog na telenovela ngayon nung bata ako oo pero ngayon hindi na haha i find them redundant.Unlike Koreanovela very refreshing at hindi inaabot ng taon lol.

    • Kahit ako hindi na nanonood ng mga teleseryeng pinoy. Tsaka sa Korea, magaling talaga mga producers, directors at artista. May annual awards kasi sila para sa Best TV series, basta parang ganun. Syempre kailangan original yung kwento, maganda yung twist ng plot, diverse yung characters, maayos yung screenplay, etc. E dito sa Pilipinas, hindi man lang makapag-organize ng TV show awards event kasi walang kwenta talaga mga teleserye dito.

    • Oo. Ayaw ko sanang pautlan ang bill ni Lito Atienza (dahil anak ng pating naman, anong kinalaman sa suliranin ng bayan ang mga Koreanovela?), pero dahil mas plano pa nyang pagtuunan ng pansin ang mga lokal na telenovela, e di ba nya napapansin na sobrang apaw-apaw na tayo sa ganung programa. Kumbaga sa ekonomiks, SCARCITY na to eh!

Leave a Reply

Your email address will not be published.