“Huwag Mong Sayangin”

Huwag mong isugal ang buhay ng magsasaka Binhi ang itinanim para makakain ka Sa katiting na bigas na hiningi nila dugo ang dumilig sa lupa, sa pagsalag ng bala!
Huwag mong isugal ang buhay ng magsasaka Binhi ang itinanim para makakain ka Sa katiting na bigas na hiningi nila dugo ang dumilig sa lupa, sa pagsalag ng bala!
Huwag mong isugal ang buhay ng magsasaka
Binhi ang itinanim para makakain ka
Sa katiting na bigas na hiningi nila
dugo ang dumilig sa lupa, sa pagsalag ng bala!


“Huwag mong Sayangin”

eleksyon 2016 Pilipinas

Huwag mong sayangin ang mga nakaraan
ng mga bayaning isinugal ang buhay
ng mga gerilyang nasa kabundukan
tiniis ang hirap hanggang sa kamatayan

Huwag mong sayangin ang bilin ni Rizal
na ang “kabataan ang pag-asa ng Bayan”
Ang paglayang dinukot ng mga hangal
na binawi ng dugo sa himagsikan

Huwag mong sayangin ang lahing kayumanggi
dahil sa ikaw ay hikahos, kaya’t hindi ka namili
sa limang daang pisong iyong ikinubli
Isinangla ang prinsipyo sa gawaing mali.

Huwag mong sayangin ang iyong pawis
na mangampanya sa kandidatong mapagmalabis
Dekadang taon na ang ating ibinuwis
Henerasyon ng lider na walang kasing bangis

Huwag mong sayangin ang iyong tapang
na hindi tumayo’t ipagsigawan
ang kakulangan sa sistema sa ating lipunan
ay ‘di mawawakasan kung mananahimik ka lang!

Huwag mong sayangin ang awit ni Julian Felipe
Sa paghalal mo sa ganid na politiko at Presidente
Buwayang nakanganga, sa pagkain ay kampante
Sa panahon ng kampanya, saka ka lang importante

Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting
Sa manlulupig di ka pasisiil
Huwag mong hayaang umupo ay sila sila ring
mga Lulupig sa kapwa, sayo’y mangingikil

Huwag mong sayangin ang pagkakataong manilbihan
ng may takot sa Diyos,sa batas, at sa pamahalaan
kung ang layunin mo ay sadyang dalisay
Tiyak ipuputong sayo ang kapangyarihan

Huwag mong sayangin ang iyong desisyong
Pumili sa tamang daan, sa pantas o sa baguhan
sa kamay na bakal o sa kasapi ng oposisyon
Kung hindi ang bukas mo’y walang kasiguraduhan

Huwag mong sayangin ang araw na ito
kung saan ikaw ang magdidikta ng pagbabago
sandata mo’y panulat at ang tinta sa kuko
ikaw ang huhusga kung sino ang dapat manalo

Huwag kang magpadala sa mga sabi-sabi
ang konkretong ebidensya ng plataporma’y ang iyong sarili
kung gutom at maralita ay higit na dumadami
Ang lider mo’y kurap, bulaan at walang silbi

Huwag mong hayaang maglakad at tumawid sa ilog
ang mga batang uhaw sa pangarap para lang makapasok
Kwaderno ay basa, kulang man ang tulog
Para lang mag-aral sa karanasan ay bugbog

Huwag mong isugal ang buhay ng magsasaka
Binhi ang itinanim para makakain ka
Sa katiting na bigas na hinihingi nila
dugo ang dumilig sa lupa, sa pagsalag ng bala!

Huwag mong ibigay ang yaman natin
sa banyagang halimaw sa sandata’t baril
Mangingisdang maliliit ay pinipigil
Bangka sa sariling tubig ay sinisiil

Kaya kung ayaw mong dungisan ang buhay nila
Huwag mong sayangin ang boto sa kaniya
sa mga pangakong paulit ulit na pinaasa
Sa pag-unlad, ng bayang kinukutya ng iba

Lupa ng araw ng luwalhati’t pagsinta
Huwag mong sayangin ang pagdampi ng iyong tinta
Dahil ang Pilipinas ang kapalit nito
Malulugod akong “mamatay ng dahil sa’yo”

About emstarr14

A Nurse OFW, formally school journalist whose passion is to create piece of art through writing. "Ang paghalik ng pluma sa manipis na anyo ng kahoy ay isang pag-ibig na wagas" ang pagbabalik loob sa pagsulat