Huwag Mo Na Lang Kaya Siyang Mahalin (Part 7)

df-300x245Nabigla ako sa mga kilos ni Leo, nang sa halip na ako ay kanyang sagutin ay mabilis niya akong niyakap at hinalikan.

Hindi ako nakaiwas man lang nang kanyang idampi ang mga labi niya sa aking labi.

Halos hindi ako makahinga sa kanyang mga yakap at halik. Natakot ako bigla dahil iniisip ko baka ako ay kanyang gahasain.

Alam ko ang magiging sirkumstansya ng pagsama ko sa kanya, na maari ngang may mangyari sa amin, dahil motel yun, walang maniniwala na sumama ako sa motel tapos walang mangyayari.

“Teka, teka Leo sandali.” pag-aawat ko sa kanya. Naisip kong daanin sa diplomasya kung sakali mang mangyari nga ang lahat na dapat asahan.

Umupo ako, samantalang bumalik siya pahiga sa side ng kanyang higaan.

“Sigurado ka ba sa gusto mong mangyari?” tanong ko sa kanya.

“Nang sumama ako sayo rito wala naman akong inisip na ganito, ang inisip ko lang kaya ko rin namang may makatabing lalaki, ngunit walang nangyayari, ang may makausap lang ako tama na, ngunit kung gusto mo talaga, sige pagbibigyan kita, ngunit hayaan mong pagkatapos ay kalimutan natin ang lahat.” ang pagpapatuloy ko.

“Oo, gusto lang talaga kitang makasama.” sagot naman ni Leo.

Humiga ako at matagal na nakatingin sa kisame, wala ring imik si Leo. Hinihintay ko ang kanyang paggalaw ngunit wala naman siyang ginawa.

Mayamaya pa ay gumalaw ang kamay niya, hinawakan niya ang aking kamay. Parang kay tagal ng panahon na walang humahawak sa aking kamay.

Ni hindi ko na yata naramdaman ang pakiramdam ng may ka holding hands. Marami nang lumilipas sa buhay ko.

Muli nilagay niya ito sa kanyang dibdib. Wala kaming imikan. Matagal kami sa ganoong ayos.

Tumagilid siya paharap sa akin, binaybay ng isa niyang kamay ang linya ng aking mukha, hinaplos ang aking buhok na tila sinusuklay.

Dahan dahan niyang nilapit ang kanyang ulo sa aking ulo, pagkuwa’y hinalikan niya ako.

Hindi na ako nanlaban pa, hinayaan ko na lang siya sa kanyang ginawa, pikit mata kong pinakikiramdaman ang aming ginagawa.

Kay tagal ng panahong walang lalaking nakahahalik sa akin. Ang mga dantay ng kanyang kamay sa aking katawan ay nagbigay ng parang mga maliit na kuryenteng kay tagal ko nang hindi nararamdaman.

Ang kanyang halik ay nagbigay ng panibagong init sa aking pakiramdam.

Hindi na ako tumanggi, alam ko ang aming ginagawa, pareho na kaming nasa legal na edad, at kung ano man ang mangyari, ito’y aking haharapin nang matatag.

Hindi ko na namalayan na pareho na pala kami nakahubad. Ang yakap at halik namin sa isa’t isa ang nagsilbing kumot sa malamig na silid na iyon.

Walang hesistasyong ginagantihan ko ang bawat galaw niya, ginusto ko ito, walang sisihan.

Ninamnam namin ang makamundong pagnanasang lumukob sa aming dalawa. Kinalimutan namin ang ibang tao maliban sa aming dalawa.

Hanggang sa humupa ang init at kami ay nakatulog.

Ako ang unang nagising, tiningnan ko si Leo, tahimik na natutulog. Niyugyog ko ang kanyang katawan para gisingin. Kailangan na naming umuwi.

Inayos namin ang aming mga sarili ng walang imikan. Tumawag siya sa telepono para ang bayad sa pag-ukopa namin sa kwarto ay bayaran. At nang umakyat na ang boy para kunin ang bayad, inayos ko na rin ang aking gamit para maghanda sa aming paglabas.

Tiningnan ko siya, nilapitan niya ako at hinalikan.

“Walang dapat makaalam.” ang paalala ko sa kanya.

“Pangako, walang makakaalam,” ang sagot niya sa akin.

itutuloy…..

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.