Huwag kang Tatawa Kundi Lagot ka!

(Photo Credit: crestock)
(Photo Credit:  crestock)
(Photo Credit: crestock)

Ang pinakamagaling at pinakatapat na mga politiko ay matatagpuan walang iba kundi sa Pilipinas. Gulat ka noh? Huwag ka nang magulat dahil ito ay hindi isang biro.

Oo! Totoo iyon. Sila ang tunay breed ng mga politikong tapat na naglilingkod sa pinakamamahal nilang bayan.

As in tapat talaga! Never silang nagnakaw, nangurakot, nangulimbat sa kaban ng bayan at makikita mo naman talaga ang ebidensya, ‘di ba, sa iyong kapaligiran, isang napakaunlad na Pilipinas.

Sila ang tunay na tagapaglingkod.

Biruin mo dahil sa kagustuhan nilang maglingkod sa pinakamamahal nilang bayang Pilipinas ay takbo sila nang takbo sa termino nila kahit na de tungkod na sila kung maglakad ay tatakbo pa rin sila.

Ganyan sila ka-dedicated sa pagtulong sa mamamayang Pilipino.

At dahil sa masidhi nilang pagnanais makatulong ay isinama pa nila ang mga kamag-anak nila para buong puwersa silang maglilingkod nang buong katapatan sa ating mga Pilipino.

Sila na inalis na ang salitang pagnanakaw sa kanilang bokabularyo ay sobrang tapat na lulustayin nang tapat ang mga bugdet na binigay sa kanila kaya naman makakaasa tayo na hinding-hindi mapupunta sa wala ang dugo’t pawis nating ibinigay sa gobyerno bilang buwis dahil ito ay kailanman hinding-hindi mapupunta sa mga bulsa ng mga tapat nating politiko.

‘Yan ang Politikong Pinoy. May delicadeza, matatalino, magagaling, tapat, mapagkakatiwalaan.

Kaya para sa inyong mga tatamaang Politikong Pinoy. Saludo ang gitnang daliri ko sa inyo!

#NonLibelousPost

About invisiblepinkputo

Ang mundo ay isang malaking puto. Mundo na may iba't ibang uri ng putong tao. Puto...puto... puto... puro puto..