“Huwag Ka Lang Manood!” (Pagtulong Sa Biktima Ni Yolanda)

Ni: cluelezz417

Sa samu’t saring pambabatikos sa pamahalaan, tanging sa ginawa ni Iska lamang ako napahanga!

Dalawang mukha ng pagpukaw hindi lamang sa mga iniluklok na mga pulitiko sa ating gobyerno kundi pati na rin sa buong sambayanang Filipino!

Huwag lang kayo manood, dahil kayo ang may kapangyarihan bakit pinapanood ninyo lamang ang iba’t-ibang bansang tumulong sa inyong kalahi?

Huwag lang kayo manood, dahil kayo na may kakayahan na siyang makaresolba kaagad ng kanilang mga pangangailangan ay sadyang puro sa salita lamang at wala sa gawa!

Huwag lang kayong manood, mahal na presidente, dahil hindi masosolusyunan ang simpleng pagpunta sa mga lugar na nasalanta at kesyo puro pagpaplano ay manatili na lamang plano at hindi naman maisasakatuparan!

Huwag lang kayong manood, sinamantala ng mga pulitikong gumawa na naman ng estratehiya dahil sa dami ng mga nagbigay ng mga donasyon ay nais pa ninyong umepal at kinakailangan pa talagang tapalan ang bawat supot ng donasyon ng mga pangalan ninyo bago ito maipamigay!

Huwag lang kayong manood, mga kababayan, na sa halip puro pambabatikos ay natanong mo na rin ba sa sarili mo na kung ano ang ginawa, magagawa o gagawin mo pa lamang?

Huwag lang kayo manood, mga kalahing Filipino, na sa mga ginagawang maliit na bagay ng inyong kapwa ay nagagawa mo pang husgahan at kutyain.

Huwag lang kayo manood, para lamang umupo, magbasa at magkomento sa kung anu-anong isyu ng nangyayari sa lipunang ginagalawan at hindi ka man lamang makapagbigay ng inspirasyon sa mga nasalanta at nabiktima.

Huwag ka lang manood, na para kaawaan sila at magreklamo nang magreklamo sa mga sinapit nila ay kadalasan nagiging sanhi ng pagkaawa lalo nila sa kanilang sinapit at mahirapang bumangon mula sa kinasadlakang kalagayan!

Filipino tayo, Filipino sila! Tiyak na kung magtutulong-tulong at magkakabuklod-buklod, hindi imposible ang pagbangon!

Magising sana tayo sa mensaheng nais ipaabot ni Iska, ang tunay na Iskolar ng Bayan!
??????

Imposibleng wala kang magagawa!
At isa itong patunay na kung gusto ay may paraan!

Source:
PUP student did something unexpected to help Yolanda (Haiyan) victims
TalkPH
14 November, 2013

What would you do to help?

While many Filipinos are expressing how sorry they are or that they would pray for their kababayans devastated by super typhoon Yolanda (Haiyan) in Tacloban City, one student from the Polytechnic University of the Philippines did something peculiar – she laid down in the middle of PUP Freedom Plaza in an effort to solicit donations for the storm victims.

PUP Facebook fan page reported the event and uploaded an image that shows a student lying on the ground. Beside the lady is a box with the message “WAG KA LANG MANOOD” (Don’t just watch) written on it, possibly referring to people who just watch and take pity on the news, but do nothing concrete to help the victims, theorized one witness.