Huwag Isuko Agad ang Bataan

Virgin (Photo Credit: Quesarahsera.wordpress)
Virgin (Photo Credit: Quesarahsera.wordpress)

Nangarap ka ba na dapat ang una mong halik at pakikipagniig sa lalaki ay magaganap lamang sa oras na ikaw ay maikasal? Ikaw ba ay isa mga babaeng tulad ni Maria Clara habang in a relationship pa lang? Hindi ka ba

Virgin  (Photo Credit:   Quesarahsera.wordpress)
Virgin (Photo Credit: Quesarahsera.wordpress)

nahalikan, nahawakan o naakbayan ng iyong boyfriend habang kayo pa lang? Kung hindi, mapalad ka dahil ikaw ay dalisay at wala pang karanasan. Isang birhen na babae na pinapangarap maging asawa ng mga kalalakihan.

Base sa mga nakausap kong Pilipinong lalaki, mas gusto nila ang virgin na mapapangasawa. Karamihan pa nga sa  kanila ay naghahangad ng babae na may pagkainnocent type kesa sa liberated or wild. Hindi naman ako statistician para maggeneralize na isandaang porsyento ng lalaki ay ganito ang hanap, pero kung ako ang lalaki, mas gugustuhin ko talaga ang virgin dahil ako ang makakauna sa kaniya pero depende naman iyon sa sitwasyon.

Nais ko lang ibahagi ang istorya ni Nene, isang probinsyanang napadpad sa Quezon City upang maghanapbuhay. Noong hindi pa sa Kamaynilaan nagtatrabaho si Nene, masaya ang relasyon niya sa kanyang boyfriend na nasa Laguna. Si Nene at ang kanyang boyfriend ay parehong vocalist sa kanilang banda at parehong-pareho sila ng hilig. Halos mahigit isang taong nagtagal ang relasyon nila Nene ngunit nang mapapunta na siya sa Quezon City ay nawala ang tamis ng kanilang pagmamahalan. Nakipaghiwalay si Nene dahil sa isang dahilan na hindi nalaman ng kanyang kasintahan.

Ano ang nasa likod ng break-up nila? Ayaw niya na ipagpatuloy ang petting nilang magkasintahan dahil sa kanyang paniniwala ay magtutuloy ito sa sex. Isa sa kanyang prinsipyo, ay kasal muna bago sarap dahil sa oras na magniig ang dalawang katawan na hindi pa sila kasal ay isa itong malaking kasalanan sa Diyos.

Lubos akong humanga kay Nene sa kanyang desisyon. Bigla kong naalala ang bilin ng aking mga magulang na huwag bibigay sa tukso ng laman dahil maaari itong magbunga ng hindi maganda. Sa pagpapatuloy ng aking kuwento tungkol kay Nene, sa di inaasahang pangyayari sa kanyang buhay, nakatagpo siya ng isang lalaki sa kanilang opisina, labis ang pagkagusto nito sa kanya at dahil nga single at available na si Nene ay niligawan niya ito at napasagot ng isang matamis na OO. Isang maginoong lalaki si Ian, ito ang impresyon ni Nene sa kanya kaya niya ito sinagot. Napakalambing nito sa kanya at napakabait pa.

Sa kabila ng pagiging maginoo at mabait ni Ian, may isang parte sa kanyang pagkalalaki ang hindi naalis- ang pagiging malibog nito. Dinala niya si Nene sa motel, dahil sa pagiging inosente ng dalaga, sumama ito sa kanya at tila nawala ang iningat-ingatang prinsipyo ni Nene- Ang marriage before sex. Dahil sa tukso at dahil ginusto na rin, wala pang isang buwan silang magkasintahan ay naisuko niya ang Bataan. Napakabilis ng mga pangyayari sa kanyang buhay, noon kasi ay problemado ang dalaga sa kanyang pamilya, laging tuliro ang isip kaya pati sariling paninindigan ukol sa SEX ay nawalang saysay. Sising sisi si Nene dahil naibigay niya ang kanyang pagkabirhen sa isang lalaking hindi niya sukat akalaing gagamit sa kanya. Ang dating lambing ng binata ay unti-unting nawala. Ang dating pagmamahalan ay nahaluan ng pagnanasa. Parang kandila na ang kanilang relasyon, tuyo na ang damdamin ng binata dahil nakuha na nito ang kanyang gusto.

Nakakalungkot isipin na sa isang maling tao, isang maling lugar at isang maling desisyon magtatapos ang lahat. Bigla kong naisip na kung sa ex boyfriend niya ay hindi niya naisuko ang Bataan, bakit sa bagong kasintahan ay naibigay niya ito ng buong-buo? Dahil ba mahal na mahal niya ang pangalawa? Dahil ba nagtiwala siya? Dahil ba sa curiosity? o dahil tanga lang siyang magmahal?

Ang bawat sitwasyon na nangyayari sa tao ay nakaplano na sa kanya, sa mabuti o masamang pangyayari sa ating buhay ay may dahilan. Para kay Nene, nakatakdang mangyari sa kanya ang mga iyon at siguro naman ay natuto na siya sa kanyang pagkakamali. Iyon nga lang, hindi na maibabalik pa ang kadalisayan ng kanyang pagkababae. Hindi na niya mararanasan ang excitement sa first honey moon.

“Kapag naisuko mo na ang Bataan habang ‘di ka pa kasal, para mo na ring itinaya ang sarili mo sa isang unexpected event sa buhay”.

Ang premarital sex ay dati ng issue, marami sa mga kabataan ngayon-babae man o lalaki ang nagsuko agad ng kanilang virginity. Para sa iba, hindi ito issue pero dahil sa mga masamang bunga ng premarital sex lalo na kung hindi ka mag-iingat, ito’y isang malaking issue. Naririyan ang teen-age pregnancy, massive abortion, sexually transmitted disease at pagkasira ng buhay ng mga kabataan. Maraming beses na natin itong nabasa, o dili kaya ay narinig sa balita pero dahil sa TUKSO ng laman, nagpapatuloy ang ganitong senaryo hindi lamang sa Pilipinas kung hindi sa ibang bansa.

Kaya sana HUWAG MUNA NATING ISUKO ANG BATAAN, isang payo ko sa mga kabataan.

Isang paalala mula sa inyong lingkod na si Nene-isang dating Maria Clarang nagmahal ngunit nagpadala sa bugso ng damdamin.

 author:  isanggatang

p.e./mj

About isanggatang

The more you expect, the more you hurt... The more you try, the more you become stronger... The more you express, the more you feel better... The more you write, the more you become a human... Live...write..express.. SHOUT...FIGHT.. EMBRACE LIFE