Hustisya o Pamilya?

Royalty-free 3d law clipart graphic picture of brass scales of justice off balance, symbolizing injustice, over white.
Royalty-free 3d law clipart graphic picture of brass scales of justice off balance, symbolizing injustice, over white.
Royalty-free 3d law clipart graphic picture of brass scales of justice off balance, symbolizing injustice, over white.

Walang buhay, nahahapo at namimitig. Mga tamang salita upang ilarawan ang binatang katatapos lamang sa kanyang paghahanapbuhay bilang magbobote habang pauwi.

‘Naku, wala akong maibibigay na pera kay itay. Dapat ay maghanda na ako sa kirot at sakit na sasapitin ko pag-uwi ko!’ sabi niya sa sarili habang kinakabahan habang papalapit sa kanilang tahanan. Di nagtagal ay nakarinig siya ng iyak na lalo pang ikinakaba niya. Sa bawat hakbang na tinatahak niya papalapit sa kanilang bahay, lumalakas din ang mga palahaw na kanyang naririnig na parang nanggaling sa loob ng kanilang bahay. Dahil dito, sa di malamang dahilan, nilamon siya ng kaba at takot kaya’t nagmamadali siyang pumasok dito.

Ngunit sa kanyang pagpasok, isang kahindik-hindik na sitwasyon ang kanyang nakita. Tila tinatakasan siya ng katinuan at tuluyan nang nilamon ng nararamdamang pighati at pagkasuklam. Nandilim ang kanyang paningin at nahihirapang kontrolin ang sarili.

Hindi niya maipasok sa kaniyang sistema ang kahindik-hindik na pangyayari sa kanyang harapan. Ang kanyang ina, naliligo sa sariling dugo at nahihirapan nang huminga, at ang kanyang amang parang wala sa katinuan at tinatawanan ang kabiyak sa kabila ng paghihirap na nararamdaman nito.

“Yan ang napala mo matapos mong manglalaki! Hahaha!” sabi pa nito at tinuturo-turo pa ang asawang naghihingalo.

“Hindi totoo ‘yan! Alam mong hindi ko magagawa ang bagay na ‘yon sayo!” pilit na sinasabi ng ginang kahit siya’y hirap na hirap na.

Lumabas ng bahay ang binata at hinang-hina na nagtungo sa kabilang bahay kung saan may kagawad na naninirahan.

“Tulong ho.. Sa bahay namin.. Si itay.. Pinatay si inay..” halos pabulong na sabi nito sa kagawad. Gulat man, kumilos agad ang kagawad at humanap ng tulong.

Napaupo na lamang sa kalsada ang binata at walang magawa kundi umiyak na lamang upang mailabas ang sama ng loob sa kanyang dibdib at tila hinihigop ang kanyang buong lakas sa kanyang ginawa, ngunit hindi siya nagsisisi.

‘Pasensya na itay.. Mahal kita, mahal ko kayo ni inay, ngunit ito ang tama at dapat kong gawin. Dapat unahin ang hustisiya kaysa sa ibang bagay.’ Sabi nito sa isip habang pinapanood ang mga pangyayaring nagaganap sa loob at labas ng kanilang bahay.

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.