Humay…

“Para kanino ka gumigising???”

PARA SA BAYAN.

WOW lufet…parang kapeng lumamig sa tag araw, kape sa tanghalian kape kape para nerbyusin, mga brad!

Ngayon hindi ko alam kung gugustuhin pa ba ng ibang Pilipinong bumalik sa lupang kanilang sinilangan kung halos lahat e gustong bigyan o lagyan ng buwis.

“BUWIS BUHAY, MGA TEH?!” Kung akala po ng gobyerno hinihingi ng mga OFW ‘yung mga bagaheng ipinapadala sa Pilipinas, HELLO, guys, isip isip…

Hindi po isang araw napupuno ‘yung mga bagahe na yan. May ilang buwan o ilang sahod po ‘yang pinag-iipunan, mga pagkaing tinitiis ‘wag kainin, makaipon lang ng maipapadala sa mga pamilya sa Pilipinas.

Hindi po ako writer, hindi rin po pulitiko, pero Pilipino po ako.

Maraming tao ang naaapektuhan sa mga batas na parang tila ‘di pinag-iisipan na kahit saan natin tingnan walang ibang makikinabang kung hindi ilang tao na hindi ko alam kung sino.

Hindi ko alam kung papaano, pero sana may makabasang tao na kahit kaunti eh may magagawa para sa atin.

Sa ganitong pagkakataon maraming magcocomment, maraming magrereject sa idea na hindi ito para sa bayan para lang ito masabi na may ginagawa sila. Pero sabi nga ng pabebe girls, “wala kayong pakelam”, kung gusto n’yo, magtrabaho din kayo nang patas.

Isa na lang para po sa hindi nakakaalam… mahirap pong magtrabaho sa labas ng bansa na malayo sa pamilya kaya ‘yung kagustuhan namin na makapagpadala ng mga bagay na nakikita namin dito, sana po maintindihan n’yo (kung sino man kayo) na para sa kanila kung bakit kami nagtitiis dito.

KTHANKZBYE

(Photo Credit Facebook C. Belleza)
(Photo Credit Facebook C. Belleza)

About mhiestique