Huling Sulat ni Pikon para kay Ate V 2.0

Dear Ate,

Ewan ko ba kung bakit sa tuwing susulat ako sa ‘yo, naba-blangko ako. Hindi ko na naman alam kung paano sisimulan ang ka-eklatang ito. Nyahahah. 😛

Dun sa unang “Huling Sulat ni Pikon para kay Ate”, marami akong hindi nasabi. Marahil dahil blanko nga ang utak ko. Hindi ko nga alam kung bakit ko na-submit yun ng hindi binabasa. Basta bigla nalang. Nyahahaha.

Alam mo Ate, sa loob halos apat na buwan nating magkakilala, feeling ko buong buhay na kitang kilala. Mas kilalala mo pa nga ako kesa sa sarili ko eh. Ikaw kasi nakaka-puna lahat ng hindi ko inaasahang ako.

Hindi ba, ikaw yung kauna-unahang “Stranger” na kinausap ko. Nyahaha. Ikaw kasi. Sobra ka kung magpa-cute! Nyahahaha. 😛

Nakaka-miss yung pag-gising ko, may “Sweet morning po!”. Yung pagiging makulit mo rin. Naalala mo, nung isang linggo ako dun sa isang Post ko, 8am-5pm ang shift ko. Syempre baliktad ang oras natin, so kelangan ko makibagay sa oras mo. Kahit 30 mins lang tulog ko, keri pa rin maka-skype ka lang. Ikaw pa nga alarm clock ko. Biglang ka nalang sisigaw, “Honeeeeeeeeey! Gising!”. Neks nemen! Hang-sweeeeet ni Ate. “dati”. Nyaahahaha

Siguro, sa isang linggo na yun, nasa isang daang 3-in-1 na kape na naubos ko. Nyahaha. Pero juk juk lang. Nasa mga singkwenta lang naman. Nyahaha! 😛

Ayuko kasi isipin mo na sobrang busy ko, wala na akong panahon sayo kaya kahit ganun, laban lang! Hindi ba, parati ko pang sabi sayo, “Ikaw/Kayo” ang happy/energy pills ko? Yung marinig ko lang boses mo ayos na! Ayeeee! Syeeet! Ang #MaisConKorny ko na naman. Nyahahah!

Tapos kapag nasa jeep na ako bigla kang magte-text, “Hon. Yang mga mata mo baka kung saan-saan na naman nakatingin. Dudukutin ko yan!” Oh diba? Yan ang parati mong litanya? Takot ko kaya madukutan ng mata kaya nga hanggang ngayon, sa sahig ako ng jeep nakatingin o di kaya dun ako sasakay sa harapan. Minsan pang-dalawang tao pa binabayaran ko para lang wala akong makatabi sa harapan. Baka kasi pitikin mo throat ko. Nyahahaha! Masakit pa naman yun. 😛

Sa tuwing nakakarinig ako ng tunog ng viber, naalala kita. Eh kasi naman po, hindi talaga ako viber user. Hindi ba nga, ako pa nag-introduce sayo ng Line App kasi mas sanay ako dun?

Yung matutulog kana, naka-ON pa ang viber hanggang sa magising ka. Aksaya tayo sa Battery. Buti nalang hindi uso ang brownout nung mga panahong yun. Kasi pag nagkaganun, naku po lagot! Nagagalit ka pa naman kapag hindi ko agad nasasagot ang mga tawag mo. Tapos bigla kang magbibilang sa Line, “1..2..3” may english version, tagalog, bisaya tapos French pa! Tas biglang, “BTW, I’m calling you sa viber!” tapos biglang boooom! World war III. Nyahahaha.

Yung mga bloopers mo rin pala. Nyahahaha! Yung patulog na tayo (kasi nga di ba, nakikibagay ako sa oras mo lalo na kapag wala akong duty). Yung mga hirit mong wala dito, wala dun. Kagaya nung, “Kapag minumum of 2, edi dalawa lang yan?” Malamang! Kelan pa naging tatlo ang dalawa? Nyahahaha. Dko na sabihin ang iba kasi hindi rin naman nila mage-gets. Nyahahaha.

Yung kahit nasa duty ako, magkausap pa rin tayo tas naiinis ka na minsan kapag may pasyenteng papasok naiinis ka pero no choice eh. Steady ka lang on line. Nyahaha.

Tapos kapag hindi ka busy tapos feel mo mag-videoke, nakikisabay rin ako. Yung nasa bahay ka lang, kanta ka ng kanta parang tanga kasi hindi tinatapos ang kanta.

Yung dati na hindi ko masagot calls and messages mo sa viber, Line and skype, tatawagan mo ko sa mobile. Tapos biglang magtatampo ka kasi naka-silent or do not disturb ang phone ko. 🙁

Ate, tanong ko lang. Anong nangyari? Anong nangyari dun sa mga sinabi mo? Yung mga salitang nabitawan mo? Yung sabi mo na, “Kapit lang. Timezone, kaya naman dba?”?

Hindi ko kasi alam anong nangyari at bigla kang nanlamig. Sobrang nagseselos na ba ako sa nakaraan mo? Sobrang kinukuha ko na ba ang oras mo? Nawalan ka na ba ng privacy kasi kahit sobrang busy ka, naka-viber pa rin tayo kahit hindi naman tayo nag-uusap?

Tama nga siguro ang sabi nila, may hangganan ang lahat. Kung dati sobrang masaya tayo, ngayon, heto tayo at nag-iiwasan.

Tadhana nga naman. Ang galing noh? Didnt saw it coming. Para bang ginawa lang akong “buffer”.

Alam mo Ate, gusto ko na mag-move on. Halos isang buwan na tayong nasa ganitong sitwasyon. Nakaka-pagod. Parang dinudurog ang puso ko. Lalo na kapag nagigising akong wala na yung mga sweet messages mo. ;(

Yung sinasabi mong ako ang “safe haven” mo. Totoo ba yun o jam lang? 🙁

Parang gusto ko na sumuko pero hindi ko kasi kaya. Hindi ko yata kaya. Alam mo kung bakit? Kasi tanga ako. Tanga ako na umasa na babalik kapa. 😛

Kailangan ko lang siguro ng konteng panahon para tuluyan kang kalimutan. Hindi ko nga alam kung makakalimutan ba kita kasi sobra kang naging isang magandang bahagi ng chapter ng buhay ko.

Pero katulad ng isang libro na may maraming chapter, may katapusan rin. Kailangan na yatang isarado ang yugto natin. Move on sa next chapter o sa magiging bagong libro ng buhay ko. Yung buhay na wala ka. Yung kumbaga isa ka nalang magandang alaala na pwede ko ikwento sa iba. Kung ganu tayo naging masaya sa sandaling naglambingan tayo.

Sige na pala Ate. Alam ko kasing wala ka ng panahon para basahin pa tong mga ka-eklatan ko. Nakakapagod rin kaya magbasa ng isang sulat na walang sense. 😀 Nyahahaha.

About ihatelovestorys

Hindi po ako makata. Nagpapasalamat po ako sa mga bumasa ng gawa ko. Nakakataba po ng puso. Unang beses ko po gumawa ng blog serye. 🙂 wattpad: follow read my stories: