“Hubas” (Walampera)

(Photo credit: fr.pngtree)

“Ang kawawang Cowboy
May baril walang bala
May bulsa wala namang pera.”

….Refrain ng lumang kantang pinasikat ni Mr. Fred Panopio, “Ang Kawawang Cowboy.” Pamilyar ba sa inyo? Sa aming mga batang ’90s, pamilyar na pamilyar.

Dati, kapag pinapakinggan ko ang kantang ‘to, hindi ko masyadong iniintindi. Wala siyang dating sa akin. Walang ibig sabihin.  K’se okay lang naman walang laman ang bulsa ko noon, dahil sa pagkaka-alala ko, Komiks lang inaatupag ko noon! Hehe!

Lolo ko k’se mahilig sa Komiks.  Isa siyang Pintor.  Buong araw siyang magta-trabaho, at pagsapit ng gabi, pagkatapos naming kumain, pupunta na si Lolo sa kanyang paboritong puwesto, uupo at doon mag-uumpisa ng magbasa ng Komiks. Ako naman ay hihingi ng piso at bibili ng kendi sa Sari-Sari.

Ganun kasimple.

Komiks lang ang libangan  dati. Walang “Social Media” na pinagkaka-abalahan ng ating mga mata at pinagkakagastusan ng ating mga bulsa.

Bakit butas ang bulsa mo? Bakit walang walang laman ang wallet mo? Saan nga ba napupunta ang pera mo?

Naitanong mo na ba minsan sa sarili mo?

Ano-ano ba ang mga pinagkakagastahan mo? Nasaan ka ba ngayon? Nasa ‘Hulog-Piso Net” diyan sa may kanto? Pang ilang piso na ba ang naihulog mo? Sa isang araw magkano ang budget mo kakalaro ng Dota? Ni hindi ka pa nga kumakain. ‘Yan ang mahirap: “Wala na ngang laman ang bulsa mo, wala ring laman ang tiyan mo.” Kapag minalas ka pa, “Ulcer” ang aabutin mo. Tapos magpapa-chekup ka sa Doktor, bibili ng gamot, sandamakmak na gastusin na naman.

“Iinit na naman ang ulo mo.”

Ni hindi pa kasama diyan ang budget mo para sa mga pangunahing pangangailangan, pamilyado ka man o hindi, kagaya ng: pagkain, pagkain ng alaga mong hayop (para sa mga pet owners kagaya ko) at “non-food expenses” tulad ng: bayad sa tubig at koryente, telepono, renta ng bahay (kung nangungupahan), tuition fee (kung may pinapaaral), damit, transportasyon, etc.

At take note, hindi pa kasama diyan ang mga bisyo ng Pinoy gaya ng: Pagtaya araw-araw sa PCSO LOTTO: SWERTRES, EZ2, 6/58 Ultra Lotto (na kasalukuyang pinipilahan ngayon dahil wala pang nakakakuha sa 478 M+ na tumataginting!), 6/55 Grand Lotto, 6/49 Super Lotto, 6/45 Mega Lotto, 6/42 Lotto, 4-Digit Lotto, 6-Digit Lotto. 

(photo credit: bloomberg)

“May budget pang-Lotto, pero walang budget para sa masustansiyang pagkain para mailuto. Saklap maging mahirap.”

Hindi lang ‘yan ang bisyo nating mga Pinoy. Makakalimutan ba naman ang Sabong? Sa pagkakaalam ko, mas maraming lulong dito- lulong sa sabong! (Kesa sa lulong sa shabu!) May mga kasamahan ako dati sa trabaho, wala pang a-kinse, ibinenta na ang sahod para lang makapag-Sabong (o “buwang” in Bisaya – nabuang sa buwang!) Kaya pagdating ng a-kinse, wala ng sahod. “Looy ang Pamilya, nganga!”

(photo credit: Pagsasaka.com)

Ano-ano pa ba? Video karera, pustahan sa Basketball, Billiards, Mahjong, Tong-its. At ang pinakamalala nga pala sa lahat; ang PAMBABABAE ni Mister. Unli-gastos talaga diyan, dahil dalawang Pamilya na ang kanyang sinusuportahan.

Kaya nagtataka ka pa ba kung sa pagbukas mo ng wallet mo, hangin na lang ang laman nito? In English: “It’s a pocketful of empty.” Yes, emptycontaining nothing; not filled or occupied. In short, walampera!

“Sana pwedeng i-charge ang wallet kapag empty na.”

Sana nga, pero di rin eh. Hindi ka pa k’se nakapagbayad ng koryente. Hindi rin puwedeng isaksak sa ilong mo k’se may sipon ka. Tingnan mo, ni gamot para sa sakit mo ay hindi ka na makabili.

Kawawa naman, ang bulsa at wallet mo,

Hubas.”

Pera ay nawaldas.

(Photo credit: tripsavvy)

“Buti pa ang pera, nagbabago…Eh ang tao, kelan kaya?”

About Nomatterwhat143

Analyst ang aking propesyon. Pag bagot, walang magawa, nagsusulat. Dati nung maliit pa ako, pinapalo. Ngayon pina-follow (hehe!) Kung hindi ako nagsusulat, nakikinig ng musik. Minsan naman wala lang imik. Tahimik. Mata'y ipipikit. Matutulog. Pag gising, magkakape. Pag walang kape, okay lang basta tayo'y mug-KAPEling hehe! Corny? Yun ako. 🙂 Page owner/Admin din ako ng https://www.facebook.com/iloveannemurray/; https://www.facebook.com/nomatterwhat143/. https://www.facebook.com/indayluwag/. IG:indayluwag420