Hiwalayang Ai-Ai Delas Alas at Jed Salang, Agad-agad??

(Photo credit: pep.ph)
(Photo credit: pep.ph)
(Photo credit: pep.ph)

Matapos ang pag-amin kamakailan lang ng komedyanteng si Ai-Ai na siya ay nagpakasal na nga sa boyfriend na Si Jed Salang sa Amerika noong April 3 taong kasalukuyan, isang ka-gulatgulat na balita na naman ang kumakalat ngayon sa mundo ng showbiz.

Kahapon lamang mula sa (PEP) na “allegedly” hiwalay na nga raw ang komedyante sa kaniyang kabiyak. Bagamat ayaw munang magsalita ni Ai-Ai tungkol sa isyu, dalawang beses daw umano niyang binanggit sa concert ni Vice na siya ay may pinagdaraanan ngayon. Nang tanungin naman siya ni Vice kung nais niyang ibahagi kung anuman ang kaniyang pinagdaraan, ang tanging sagot na lamang ni Ai-Ai ay, “Ayaw, huwag naman dito.”

Bukas naman sa ating publiko ang personal na buhay ni Ai-Ai Delas Alas, at hindi lingid sa kaalaman ng nakararami sa atin na hindi siya masuwerte sa larangan ng pag-ibig. Ilang beses din siyang lumuha at naloko, kaya naman marami rin sa atin ang natuwa nang ipakilala niya sa publiko ang kaniyang bagong pag-ibig sa katauhan nga ni Jed Salang. Isang binatang ama, businessman at nakilala niya sa bar. Kung iisipin natin, ang ganda ng kwento; simple lang at may kilig din. Hindi rin naman itinago ni Ai-Ai sa atin noong sila ay “magkahiwalay” ni Jed,  at bigyan ng space ang bawat isa. Sa paghihiwalay nilang ito ay may na realized sila pareho; hindi nila kayang mabuhay na hindi sila magkasama at mahal nila ang bawat isa. Hanggang sa napagpasiyahan na lamang nila na sila ay ikasal na. Infairness naman kay Jed Salang, hindi niya hangad ang yaman ni Ai-Ai kaya naman ang ama pa nga raw nito ang nagprisinta para sa prenuptial agreement. Nakita natin sa mata ni Ai-Ai ang kakaibang saya, iba rin ang kaniyang aura, mahahalata mong siya ay nagmamahal talaga. Nagpainterview pa nga sila kay Boy Abunda at dito sinabi nilang magpapakasal sila sa simbahan at ito ay magaganap sa darating na Desyembre.

Ngunit ano nga ba itong bagong tsika na kumakalat? Gaano ito katotoo? Hindi man ako isa sa avid fan ni Ai-Ai, o hindi ko man sila kilala ni Jed Salang, pero sana anuman ang pinagdaraanan nila ngayon ito man ay tungkol sa kanilang buhay pag-ibig, sana ay malagpasan nila ito at muling balikan ang araw kung saan nagpalitan sila ng pangako sa isa’t isa, sa harapan ng kanilang mga mahal sa buhay at higit sa lahat sa mata ng Lumikha.

Wala namang perpektong pagsasama, lahat ay susubukin ng pagkakataon, panahon aat mga problema. Maging matatag lang sa pagharap nito, at ang pinakaimportante sa lahat ay huwag makalimot na sa bawat relasyon andiyan lang si God na nakaagapay.”

About kambal

Simple lang ako. At naniniwala sa kasabihang " Ang pagiging masaya ay hindi ang pagkakaroon ng mga bagay na gusto mo, kundi pagiging kuntento sa kung anong pinag kaloob sa iyo."