“Hirit” Pa!

11/6/2013 7:04:31 PM
attracttour.com

Maikling pasada muna tayo sa isa sa mga matutunog na birada sa nakalipas na mga araw.

Ang interview na ito ay naging matunog na balita kahapon. Sobrang matunog lang ay nagtrending pa siya sa Twitter sa loob ng dalawang araw (tama, kahit sa panahon na sinusulat ko ito ay laman din s’iya ng mga trnending topics sa naturang social networking site).

“Oo nga, bakit trending pa rin si Arnold Clavio? Ano bang meron sa kanya?” Yan ang napapala ng mga taong panay teleserye at showbiz chismax lang ang alam na kalikutin. Gising din kasi minsan ng maaga at manood ng balita. O ‘di ka kumbinsido, tigilan mo ang katamaran mo na laging nagreresulta sa pagiging pala-tanong at I-Google Mo, [email protected]**! (IGMG, ika nga ni Stanely Chi.)

Sagot? Misconduct sa kanyang panayam. (O ano, kuntento ka na? Sipain kita d’yan eh.)

Aniya, lumabas na mayabang at namimilosopo siya sa panayam niya sa abugado ni Janet Lim-Napoles na si Atty. Alfredo Villamayor. Pero ano bang ikinaalibadbaran ni Clavio? Ang kanyang hindi pagkakuntento sa mga sagot ng abugado? Baka nakalimutan niya yata na mag-kape? O baka naman, di niya napansin na rolling pala ang camera at lights sa kanya?

O baka naman nalito siya sa pag-uusapan (sa totoo lang, baka noong nanunood kayo nito nun, nalito rin kayo, dahil kahit ang inyong lingkod, na parang kahit ilang beses ko pang –iplayback ang panayam na ito… nakakalito pa rin e. Confusing ba.). Parang “ano ba talaga, kuya? PDAF ba o Serious illegal detention ang pinag-uusapan?” One at a time kasi. At hindi lang si Igan ang may-sala sa puntong yun. Baka yung mga writer ng UH, o ang teleprompter? Ang dami kasi isinisingit na tanong eh.

Baka sa malamang, dismayado siya sa mga nakakalap na detalye. O teka… ‘di kaya baka naman stressed siya? Malamang din, ikaw ba naman ang mag-anchor ng mga balitang mabibigat – as in masyadong di akma para sa oras ng araw eh. At ikaw din ang maga-anchor ng Saksi twing alas-onse ng gabi? At maghohost ka pa sa DZBB ng alas-diyes ng umaga? Nakaka-stress din ang maraming gig, no! Baka ito na nga ang isa sa mga produkto nun.

Pero hindi excuse yan para maging unbecoming ang outcome ng mga ginagawa mo sa ere.

Click here to read the entire article.
 
Sources:
http://www.cmfr-phil.org/2013/11/06/unethical-and-unprofessional/
http://www.medianewser.com/2013/11/netizens-slam-arnold-clavio-for.html#.UnoZktKBkps
Author: slickmaster | (c) 2013 september twenty-eight productions

 

Enhanced by Zemanta

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.