Hindi Ko Gusto; Ang Gusto Ko Lang ay Kumita ng Pera!

Photo Credit: pedrozsa.deviantart.com
Photo Credit: pedrozsa.deviantart.com

“Sinabi ko naman sa ‘yong lumayo ka na sa mga barkada mo na yan, walang magandang maidudulot yan sa yo”, ang bukang bibig sa akin ni ina habang naglalakad sa maliit at makipot na iskinita, dala-dala ang mga paninda, na kanina pang umaga ay kanya nang nilalako sa bangketa para kumita ng pera.

Ako si Marco, laki ako sa mahirap na pamilya. May mga maliliit pa na kapatid at isa lang ang bumubuhay sa amin, ang aming ina. Hindi ko alam kung paano kami nabubuhay ni inay sa simpleng pagtitinda. Hindi na ako nakisabay pa sa mga kapatid ko para mag-iskuwela. Ang alam ko lang ay baon na baon na si nanay sa utang makapagtinda lang at mairaos kami araw-araw. Hindi na nga niya alam ang sasabihin sa halos araw-araw na naniningil sa kanya, nauubusan na ang nanay ng paliwanag.

May mga barkada akong laging nakakasama araw-araw. Kapag may problema, sila ang nilalapitan ko. Halos alam ko lahat ng mga gawain nila. May nag-tutulak ng droga, bagsakan ng snatcher ng gamit, may kumakapit sa bading para mairaos ang pamilya, kumakabit sa may asawa at higit sa lahat humarap sa camera para kumita ng pera. Hindi yung may director ah, siguro naman alam mo na, diba?

“Sumosobra ka na, Marco, tinakasan mo na naman ako kagabi, at baka akala mo hindi ko alam na umiinom ka na. Anong susunod, magdodroga ka na?”

Akin lamang inilabas sa kabilang tainga ang mga sinabi ng aking ina, nasanay na lang ako sa kanya.

Habang kumakain kami sa papag na kahoy ng aming maliit na sala at walang ilaw kung hindi ay gasera, hindi ko magawang maawa sa mga kapatid kong may kanya-kanyang dapat bilhin oh ibigay sa iskuwela. Mga personal na gamit na tulad ng mga damit at sapatos. Naiisip ko rin ang mga pangangailangan nila. Alam kong hindi kaya ng aming ina ang tugunan lahat ng aming pangangailangan. Wala na akong ibang maisip.

Lumapit ako kay Jake, isa sa barkada kong cybersex ang tanging trabaho. Humingi ako ng tulong sa kanya, dahil alam ko na maiblis ang pera dito. Pumayag ako sa gusto niya. May offer kasi na threesome ang eksena. Babayaran daw kami nang malaki kapag nagawa namin ito sa harap ng camera. Gusto ko lang naman kumita ng pera, kaya gagawin ko ito.

Sinimulan ni Jake at Maricar. Nagtanggal na rin ako ng aking saplot at tanging brief  lang ang itinira. Umiinit ang laban, nang biglang hinalikan ako ni Jake sa aking labi. Tumigil ang eksena, at dali-dali akong umalis sa harapan nila at nagtungo sa shower room.

“Hoy! Anong akala mo sa ’kin, bakla? Huh?” – Jake

“P.A., tol, ang labo mo eh!” – Marco

“Tsk, trabaho lang toh, pera lang ang habol natin dito”

“Trabaho lang? Eh hindi kasama sa usapan natin toh!”

“Anong hindi kasama? Pumayag ka sa pag-oorgy, yun ang gusto ng kano!”

“T.I.  Oo, pumayag akong tatlo tqyo, pero kung tayong dalawa, ang labo nun!”

“Ano bang problema mo? Pare-parehas naman tayong pok-pok ah, baka hindi mo alam na alam kong nagpapagalaw ka sa mga bakla! Lahat yan nagawa ko na, para lang kumita, yun lang ang gusto ko, gusto ko lang kumita, trabaho lang tol!”

Nilapitan kami ng kano, puwede naman daw naming ipagpaliban sa susunod na araw. Pumayag naman kami, hindi lang siguro ako handa sa pinasok ko. Para saan pa, dito lang din naman din ang bagsak ko. Humingi ako ng tawad kay Jake, at pinatawad naman kaagad niya ako, alam niya kasing first time kong maisasalang sa ganung trabaho; ang may kaharap na camera.

“Sorry, ah, napilitan ka tuloy gawin toh” – Maricar

“Hindi ko lang siguro kayang gawin yung pinapagawa ni Jake.”

“Sana matapos na toh, nandito na toh ee, uurungan pa ba natin toh? Malaking pera ang nakataya dito. Pagkatapos na pagkatapos nito, aalis na ko sa lugar natin. Gusto ko rin naman magbagong-buhay, ayokong manatiling nagpuputa sa harap ng camera para lang may mailaman sa kumukulo kong tiyan” – Maricar

“Gusto mo ba tong ginagawa mo?”

“Hindi! Pero gusto kong kumita ng pera. Wala naman akong alam na ibang gawin.” – Maricar

“Hangang kailan mo toh gagawin?”

“Hindi ko alam, pero sana dumating na yung panahon na yun para hindi ko na kailangang magputa!” – Maricar

Habang ikinukuwento sa akin ni inay ang kanyang pagkakautang na kailangang bayaran, lalo itong nagpapatulak sa akin para ituloy ang pagharap sa camera at makipag-ulayaw sa ngalan ng pera.

“Babayaran ko naman kayo ee, hindi ko naman kayo tatakbuhan e.”

“Anong ibabayad mo?”

“Mahina lang talaga ang benta ngayon, kapag nakaluwag, babayaran ko din naman kayo”

“Ano? Eh pinatutulog mo ang pera ko sa ’yo, halos interest pa lang ang nababayaran mo, pagkatapos, ako pa ngayon ang walang konsiderasyon!”

“Alam mo, kahit lumuha ka ng dugo, wala akong ibabayad sa inyo! Kaya’t maghintay kang magkapera ako”

“Ipababarangay kita!”

“Abay kahit sa senado pa, wala akong pakialam!”

Akmang sasampalin ng maniningil ang inay, “Ang kapal ng mukha mo!”

“Tama na po, tama na po, Ako na lang po ang gagawa ng paraan” – Marco

“Dalawang linggong palugit lang ang ibinibigay ko sa inyo, kung hindi ay ipakukulong ko ang nanay mo.”

Pagkatapos naming gawin ang nais ng kano ay nabayaran kami nito. Nilisan na rin ni Maricar ang aming bayan. Hindi ko alam kung bakit, pero malaki ang natanggap ko sa kano. Sa wakas, may ilaw na rin kami, nabayaran na rin ni inay ang kanyang utang. Nakabili ng ng gamit ang mga kapatid ko.

Hindi ko alam kung paano ko matatakbuhan ang buhay na ito. Pero sana nga dumating ang panahon na mas maging matimbang ang aking dignidad at pakikipaglaban sa buhay.

Hindi ako nawawalan ng pag-asa. At hindi ako titigil na mangarap na magkaroon ng maayos at magandang buhay.

About kelvinjonas

I’m just trying to make a story/blog to explore my imagination in different kind of story that will surely strike the readers heart, lungs, oesophagus, kidney, large intestine into small intestine, reproductive system...HUWAAAATTT, just be kidding, but sort of romance and what so ever. And not even the readers but also to hit the author’s feelings which he will include his own experience in this story. I’m just writing whatever is on my mind and whatever emotions will it take, convey, fetch, pass on, put across and get across and so whatever etcetera, etcetera, blah, blah, blah.