HI! Ang Daming Sana…

(Photo Credit: cauldronsandcupcakes.com)
(Photo Credit:  cauldronsandcupcakes.com)
(Photo Credit: cauldronsandcupcakes.com)

I really don’t know what I am going to say, not because wala lang ako magawa sa buhay. Well, ang totoo there’s a lot, just really don’t know where I am going to start. Okayyyy… Let me introduce na lang pala myself.

I am Melanie, but my friends here in Cavite used to call me Melai. Sa province kasi “Ine” ang tawag nila sa akin, ewan! I think little girl yata yung descripton nun eh! Basta!…. I am thirty three years of age (Tanda na! wala pang asawa.. hahaha) . I graduated BSBA Major in Marketing somewhere here in Cavite. (Secret lang kung saan. hehehe)

So, sa ganito ko na lang pala sisimulan ‘yung kuwento ko.

Mali kasi ang pattern ng buhay ko. (Kung puwede lang ulitin). I graduated my Elementary Education year 1996 and highschool year 2000 (Millenium Graduate kuno!) After graduation wala ako magawa noong ‘di pala ako makakapag-enroll sa college kasi ang hirap hirap namin, ang hirap hirap ng buhay.

Sinubukan naman kung kaya. Year 2003 sa pagkakaalala ko. I took up Bachelor of Science in Information Technology, Ist sem lang. Wala nang pang enroll ng 2nd sem. (kawawa naman ako. Haha) To make it short, nag -work na lang muna ng isang beses (Oo, isang beses lang! Kasi tambay at ayaw pagtrabahuhin ng parents).  Months lang yun, as in 5 months lang ako nag work! Then, na realize ko ang hirap ng walang natapos. Ang pasok ko sa gabi (meron din naming pang araw, shifting naman kami e) habang ang iba matutulog na. Ako naman bibyahe pa lang papuntang work. (Feeling ko aswang ako kasi sa gabi ako gising! Haha). Thumbs up talaga ang mga kamay ko pati paa sa mga nakakatagal sa ganung schedule. Pero ako di talaga para sa akin ang ganung work time. (Sarap matulog sa gabi e!)

year 2010 I finished my college educ. Actually, ‘di pa din ganun  katibay ang foundation ko, parang ang bilis lang kasi. Graduate na pala ako?! Puwede din nating sabihing baka kinulang lang ako sa confidence. Ewan!

Ilang taon ang nasayang sa akin. Six years! From year 2000 naka-graduate ako ng college 2010, I’m so weak pakiramdam ko pag naalala ko. Wala akong kakayanan noon, kung pinilit ko lang sana ‘yung gusto ko, ‘yung sarili ko.(pwede naman mag working student e!,) Sana nakatapos ako ng mas maaga. Sana nakapag hanap ng magandang trabaho ng mas maaga.Sana nakapag ipon ng pera (para sa future) ng mas maaga.Sana nakatulong sa parents ng mas maaga. Ang daming SANA pero kahit gaano ka dami ang sana wala ng magagawa e! Di na natin mababalik ang panahon! Sa buhay kasi walang rewind, di tulad sa pelikula at mga teleserye dI ba?.

Ayun! Bakit ko ba ito sinusulat? Bakit ko ba sinasabi ang mga ito. Ewan ko hinde ko naman talaga alam ang dahilan kung bakit.Basta pag gising ko kanina at pagkatapos mag kape dito na ako dinala. Pero habang patapos na ako sa walang kwentang bagay na sinasabi ko parang nag kakaroon na ng kwenta. (sa palagay ko lang! hahahaha)

Ang totoo….

Sa buhay madaming pagkakataon, madaming pwedeng gawin. Nasa atin lang kung paano natin ihahandle ang mga bagay bagay. Oo, marami akong nasayang na pag kakataon. Six years mahabang panahon talaga yun. Madaming nasayang na SANA (Paulit-ulit ako?).

What I am trying to say is we should give our best sa lahat ng mga bagay na gagawin natin sa buhay. Kung makabubuti, ipaglaban. Iwasan natin ang ang salitang SANA, kasi wala ng take two e, walang rewind ang buhay.

Sa makakabasa nito,’ di ko alam if may aral kang makukuha. Pero kung nag-aaral ka pa ngayon, pagbutihan mo na, Pagsikapan mong matapos, (PAKIUSAP!!! )

(Bakit ba kasi, Melai? ngengealam ka…)

Kasi po para sa iyo din po yan. Isipin mong napakasuwerte mo dahil may kakayanan ang mga MAGULANG mo na ipadala ka sa eskwelahan. Kung nahihirapan ka sa pag-aaral, isipin mo palagi na wala namang madali sa buhay. Masarap anihin ang mga bagay na sadyang pinaghirapan mo talaga at mas mahirap naman ang maging mahirap ka pagdating ng panahon, ‘di ba?. (Syang tunay!)

Kaya iwasan mo at wag mong bigyan ng pagkakataon na maging ganun ang kasapitan mo.

Kung ikaw ay nagtatrabaho naman, pag butihan mo. H’wag masyado sa luho. Simulan mo ng mag ipon para sa future mo. (Ako kasi wala pang ipon, totoo noh!? Maniwala ka man o hinde). Be honest sa trabaho, mag paka sipag ka. Kasi napaka hirap ng walang trabaho. (Walang pangkain, tas walang budget kapag nag kakayayaan ang tropa twing summer outing!haha)

Kung ikaw naman ay nag hahanap ng trabaho, aba! Tyaga lang friend, makikita mo din ‘yan at pag natanggap ka na, ibigay mo ang best mo at matutunan mo sana kung paano makipagkapwa tao. Mahirap ang may kaaway e. (Alam ko ‘yan, kasi meron ako!) (-_-)

Oh siya, ang dami ko nang sinabi. Kanina ‘di ko talaga alam kung saan ito patungo eh!.

Ah Basta!

 

MASARAP MABUHAY, IISA LANG ANG BUHAY.

 WALANG REWIND, WALANG TAKE TWO

PERO PALAGING MAY PAG ASA SA BAWAT BAGYO SA BUHAY.

HUWAG KA LANG SUSUKO

KAKAYANIN NATIN YAN!!!…

About melai

Weird! Still searching for my Worth...