Heto Ang Katawan Ko, Akin Na Ang Gadget Mo

(Photo Credit: hdw.eweb4)
(Photo Credit:  hdw.eweb4)
(Photo Credit: hdw.eweb4)

Aminin man natin o hindi gustong-gusto rin nating magkaroon ng gadget ano? Iyong latest! Sino ba ang hindi?

Ikaw? Kontento ka na sa Nokia 3210 mo? Patay sindi na ang ilaw dahil sa kalumaan? O iyong Alcatel na may antena na hugis Safeguard. O ‘ di kaya’y Nokia 1100 para naman may flashlight at may FM na. Itago lang iyon sa bulsa at magheadset ka, aakalain lang nang nakakikita na Iphone 5 ang gamit mo.

Sino ba ang hindi nangarap na magkaroon ng Samsungs phones, Apple ipads, ipods tablet, note at iba pang mga gadgets?

Sino nga ba ang ayaw? Lahat yata tayo nangangarap na magkaroon noon o makahawak man lang.

Ako? Ambisyosa ako, gusto ko ng Gadgets, gadgets na bagong labas, inaasam kong magkaroon ako.

Hmmmp! Iyong nanlilimos ngang lalaki na bulag sa tapat ng simbahan nakacelpon, tumatawag pa ng ako’y mapadaan. Sosyal siya!

Trish ang tawag nila sa akin, sosyalera kahit walang maibuga, bakit? maganda naman ako at seksi. Kano yata ang tatay ko. Sundalo daw sa Subic noon, si Nanay pokpok. ahh! Ewan! Wala akong pakialam sa istorya nang buhay ng magulang ko. Okey na ako dito sa mukha at katawang pamana nila.

Sa kapatid ni Nanay ako lumaki, lumaking pasan ang mundo dahil sa kanilang pagmamaltrato sa akin, pati mga pinsan ko ay galit sa akin nang hindi ko malaman ang dahilan. Iniisip ko na lang na siguro ay insekyur sila sa ganda ko. Hmnp!

Di ako nakatuntong sa paaralan kahit man lang elementarya; natuto akong magbasa at sumulat sa aking sariling pamamaraan at diskarte. Ayaw akong pag-aralin nina tita dahil hanggang sa banig lang daw ang aking hahantungan.

Nagdalaga akong alila ng pamilyang aking tinitirahan, nagahasa pa ako minsan ng asawa ng aking tita. Gusto daw niyang tumikim ng mestisa, kaya ako ang napagdiskitahan niya.

Mga pinsan kong lalaki ganun na lamang ang pagnanasang ako’y matikman. Alam ko yan kasi minsan akong naligo sa banyo paglabas ko sa pintuan;pinsan ko lupaypay na tila nasarapan at may butas akong nakita sa gilid ng pintuan nang palikuran.

Ewan ko, hindi ko alam kung bakit walang respeto akong natitikman sa pamamahay na ito. Mahinhin naman ako at hindi burara, sinusunod lahat ang kanilang mga utos ngunit wala pa ring silbi.

Pumasok akong tindera sa karinderya, sweldo ko pambili na ng aking pangangailangan. Walang luho akong nabibili kasi di magkasya ang sweldo ko.

Si Erning isang drayber na binata, umiibig sa akin. Panay ang palipad-hangin.
Matagal na raw niya akong mahal. Hayy! Wala akong panahon sa pagmamahal na iyan hindi ako magkakapera at hindi malalamanan ang aking sikmura.

Si Hugo, isang retired Army, matikas at sa edad na sisenta kala mo ay kwarenta lang. Sa kanya ko unang natikman ang sarap nang romansa. Siya ang bumili nang una kong gadget. Isang touch screen na celpon. Hindi ko nga alam gamitin pero tinuruan niya ako.

Siya ang nangako ng maraming gadget na ibibigay sa akin. Ibinahay niya ako, malayo sa kanilang lugar baka malaman ng kanyang asawa, patay kaming dalawa!

Dalawang celpon pa lang ang naibibigay ni Hugo sa akin, namatay na ito sa kandungan ko, inatake sa puso sa sobrang ligaya.

Para matustusan ko ang aking pangangailangan, namasukan akong waitress sa isang bar. May kasamang labas na iyon, depende sa usapan. Ayaw kong magpalabas ng parokyano kapag walang gadget na ipapangako.

Nakararami na ako ng gadgets na pinapangarap ko. Mga latest na labas ay meron na ako. Kapalit iyon nang pagsasama ko sa mga kostumer ko. Panay na ang display ko sa aking mga gadgets. Pa swipe-swipe n ako ngayon. Kung dati ay wala akong alam, hmmm! Ngayon alam ko nang lahat gamitin kahit pa anong brand.

Matiyagang naghihintay lamang si Erning sa akin upang iaalay muli ang kanyang wagas na pag-ibig; ngunit wala pa akong panahon doon.

Isang kababayan ni Tatay ang naging kustomer ko noong isang linggo. Taga Washington DC din daw siya
Taga doon din ang aking ama base sa salaysay ni tita, ngunit pakialam ko ba!

Naging maganda ang aming pag uusap, masayahin siya, galante, ipinasyal ako sa mall, pili lang daw ako ng gusto ko.
Syempre, mga gadget lahat ang kinuha ko. Mga 30 tawsan yata ang nabayad ni kano. Ang laki ng aking ngiti, abot sa likod ng tainga.

Alam nyo na ang kapalit noon, ang pagpapaligaya sa kanya. Isang linggo kaming nagbabad sa hotel nito. Isang linggong pinagsawaan ang katawan ko. Hanggang sa bumalik na ito sa lugar ni Uncle Sam. Numero lang ng telepono ang iniwan.

Makalipas ang limang buwan, seksi kong katawan ay unti-unting bumabagsak, si Erning pa nga ang nakapansin nang minsan ito bumisita sa akin.

” May sakit ka ba Trish, sasamahan kitang magpachek-up. ” suhestiyon nito.

” Anong may sakit? Malakas pa yata ito sa kalabaw,” pagdedepensa ko.

Hindi ko naman maramdamang maysakit ako, pero bumabagsak ang aking pangangatawan. Napapansin ko lang na wala akong masyadong gana sa pagkain lately.

Isang buwan pa ang lumipas, patuliy pa rin ako sa aking ginagawa. Ang makipagniig kapalit ay gadgets.

Habang papauwi ako sa aking inuupahang bahay. Nahimatay ako sa daan, doon sa may eskinita kung saan wala masyadong dumadaang tao.

Namalayan ko na lang na nasa hospital na ako. Hindi ko alam kong sinong nagdala sa akin.

” Salamat po Panginoon at nagkamalay ka na,” si Erning ang nagsalita at hinahaplos niya ang aking noo na may namumuong pawis.

“Bakit napaano ba ako?”

” Nakita na lamang kitang nakahandusay sa may gilid ng kanal papasok sa bahay mo, “

“Salamat ha,” maikli kong tugon.

Gagap lang sa palad ang tanging sagot nito sa akin.

Dumating ang Dr. may ibinulong kay Erning.

” Your wife is positive of HIV and has cervical cancer stage 2. I’m so sorry.” Iiling-iling ito.

Napatigagal si Erning bumalik sa tabi ng aking higaan, putlang-putla.

” Ano daw ang sakit ko, bakit namumutla ka,” pilit kong pinasasaya ang aking boses.

“Magpahinga ka na, bukas na lang tayo mag-usap.”

Binantayan niya ako boung magdamag. Nakayuko lang ito sa gilid ng aking kama. Kinabukasan inilipat ako sa Isolation room.

” Tapatin mo nga ako Erning, ano ba ang sakit ko? Bakit dito sa walang tao? Bakit ako lang ang pasyente dit0? ” naghehisterya na ako.

” Trish, gusto mo bang malaman ang sakit mo?”

” Naman!”

“Trish, ang sakit mo ay dahil sa pag-aambisyon mo ng mga gadgets, dahil doon, nagkaroon ka nang malubhang sakit. Malubha!” Umiiling itong naiiyak.

“Magagamit mo ba ang mga ipad, samsung at iba pang gadgets sa paggamot sa iyong sakit?”
” Maiinom mo ba ang marami mong tablet na nakahilera doon sa silid mo?” matiim nitong sabi.

” Bakit ano ba ang malubhang sakit na sinasabi mo?” Umuwi ka na nga, nakakahiya naman sayong nagbabantay ka sa akin hindi naman kita kaano-ano.” Pagtataboy ko dito.

” Hindi mo ako kaanu-ano, hindi mo ako nobyo, pero mahal kita alam mo yan, di ba? Mahal kita trish, wala man akong gadgets na iaalay sayo pero ang puso ko ay handang magsakrispisyo para sa yo.” gagap nito ang palad ko.

” Nakahihiya na Erning, hindi ako nababagay sa wagas mong pag ibig, lusak na ako, marumi kasing dumi ng putik.” Hikbi ko.

“Nangako ako noon na hindi ko kaylanman tutularan ang ginawa ni Nanay, pero kinain ko ang aking mga sinabi dahil sa aking mababaw na mga ambisyon. Mabbaw na ambisyong pinagmulan ng aking pagkakalunod sa kumunoy nang kasalanan.”

” Wala nang pag-asa pang magbago, mamamtay na yata ako,” hikbing na naging hagulgol.

“Ang pagmamahal ko sayo hindi nagbago Trish, mula noon hanggang ngayon. Ganun pa rin ang aking nararamdaman,” seryoso nitong sabi.

Napangiwi ako dahil kumikirot ang aking puson, tila may alon-alon ng dugong ibig lumabas. Tinawag ni Erning ang nars.

Panay ang alo niya sa akin. Di matatawarang sakit sa katawan ang aking nararamdaman. May mga bulutong tubig na tumutubo sa aking balat. Nagkukulay-ube ito pagkaraan nang ilang araw. Mahina raw ang aking resistensya kaya ‘di ako pwedeng pauwiin.

Isang buwan akong namalagi sa hospital na si Erning lang ang nagbabantay sa akin.

” Doc , ano ba ang aking sakit?” Nag rounds ang doktor.

” Hindi ba sinabi ng iyong asawa?”

“Hindi ko po iyon asawa, kaibigan at manliligaw po.”

” Napakabait naman niya, tunay ngang pagmamahal ang alay niya sayo.Saludo ako sa kanya.” Daming sinabi ng doktor, pero nakalimutang sagutin ang tanong ko.

Nakauwi na ako ng bahay nang mamanhikan si Erning at magulang nito sa akin.

” Mahal ka ng anak namin Trish, walang makapipigil sa pagmamahal niya kahit pa Aids at cervical cancer mo. ” papa ni Erning, tinatapik ang buto’t balat kung balikat.

Nakatayo si Erning sa gilid ng aking kama, niyakap ko ang kanyang baywang at yumuko ito upang ako’y halikan.

Umiiyak lang ako, luha ng kaligayahan at pagsisisi sa aking pagiging ambisyosa.

Eksaktong 1sang taon namin ni Erning bilang magnobyo ay nagpakasal kami sa kabila ng aking sakit.

Diyos na lang ang handang magpatawad sa akin. SIYA rin lang ang may alam kung hanggang kailan ang buhay ko. Ang asawa ko ay handang mag-alaga sa akin hanggang sa huling butil ng hininga ko.

About Mary Adelleine J.Esic

I write to please myself...out of passion.