HELLO? CONSULADO NG PILIPINAS? DO YOU SPEAK TAGALOG?

May mga bagay na dapat di na lang pinapansin kahit nakakainis. Meron din naman na di mo mapigilang mapansin kasi talagang nakakainis. Perfect example iyong nangyari sa akin noong minsang tumawag ako sa Consulado. Dahil sa isang importanteng rason, kinailangan kong ipa-renew ang passport ko. So, bago ako pumunta sa Consulado ng Pilipinas dito sa Barcelona kung saan ako naka-base, tinawagan ko muna ang kanilang opisina. After three rings, recorded message ang narinig ko, informing na sarado ang kanilang office due to the celebration of a National Holiday. But, in fairness naman sa kanila, may sinabi silang number kung saan maaring kumontak in case of emergency or for inquiries.

 

So, tinawagan ko nga ang phone number na iyon. At isang representative ng Consulate ang nakausap ko. And the conversation went like this…..

 

JOY : Magandang umaga po….Consulado ng Pilipinas?

 

CONSULATE : Yes…this is the Philippine Consulate (avah! trying hard ang accent)

 

JOY : (trying to be polite) Ahhh….kasi po, gusto ko sanang mag-inquire tungkol sa expired passport.

 

CONSULATE : The office is closed today but you can drop by tomorrow. Bring with you…blah…blah…blah…(all in english)

 

JOY : (medyo nakataas na kilay pero polite pa rin) Kasi po, gusto ko paong malaman kung posible na makuha ko kaagad ang passport kasi po kailangan kong magbiyahe next month…..

 

CONSULATE : You have to wait for at least one month, but still we cannot assure you….blah…blah…blah….(putak pa rin ng putak in english na parang loro)

 

(Actually, nahihilo na ako kakapakinig sa kanya kasi wrong naman grammar nya…)

 

JOY : ( naniningkit na rin ang mata sa asar) Ganun po ba? Ay, may itatanong po pala ako….

 

CONSULATE : Yes…..

 

JOY : Sigurado po kayong Consulado ng Pilipinas po ito?

 

CONSULATE : Yes, This is the Philippine Consulate…..

 

JOY : (imbiyerna na talaga) Akala ko kasi…US Embassy ang natawagan ko. Ingles kayo ng ingles eh!

 

As in, natuyo ang dugo ko sa kausap ko. Naalaala ko pa, nung kumuha ako ng Summer Course sa SPEECHPOWER (Public Speaking), sabi nung professor sa amin, kapag kinausap ka ng tagalog, tagalugin mo rin. Kung saang salita ka kinausap, doon mo sya kausapin. Pagpapakita iyon ng paggalang sa iyong kausap. Pwede ko naman sya kausapin in Spanish or also in English but I opted not to, thinking na kapwa Pinoy ko naman ang kakausapin ko sa Consulado. Maybe that person was trying to impress me…I´m sorry, nakaka-depress sya. Kasi naisip ko, kung isang kababayan pala natin na hindi masyadong mahilig sa English subject ang mag-inquire sa kanya, at nagkataon kaunti ang baong ingles, malamang dumugo na ang ilong nito kaka-salita ng ingles magkaintindihan lang sila ng maarteng taga-Consulado na iyon!

It is really a shame for those who work for the Philippine Gov´t abroad na di marunong o ayaw magsalita ng sarili niyang wika kapag kausap ang kapwa niya Pinoy. Minsan, paraan na lang nila ito na pagsasabi na mas magaling sila. Pagyayabang in other words. Typical pinoy. Nakakalungkot pero totoo.

The Philippine Embassies or Consulates all over the world, if I am not mistaken, aside from being the representatives of our country, are agencies where the Filipino migrants can contact or reach out. Kaya lang, madalas, unreachable sila….kaya ang mga Pinoy, imbes na lumapit sa kanila, are thinking otherwise. I am calling all Phil. Embassies or Consulates, please be proud of your own language and communicate to us in Tagalog, sa paraang iyan, parang muli ninyo kaming inilapit sa Pilipinas. Baka sakali, mas magkaintindihan tayo at bumalik ang tiwala ng Pinoy sa kapwa niya Pinoy.

 

About Joy Rebanal-Laygo

Residente ng ibang bansa, Pilipino pa rin sa puso at diwa. Isang anak, kapatid, asawa at ina. Walang pakialam sa sasabihin ng iba.