Hell No

philstar.com
09/07/2015 05:29:09 PM

Hindi siya tatakbo bilang pangulo.

Oo, matapos ang mahaba-habang panahon ng spekulasyon, hindi nga tatakbo ang gusto nating maging presidente na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. ‘Yan ay matapos ang kanyang press conference nitong nakaraang Lunes ng hapon sa lungsod ng Davao.

Lakas bang makateleserye? Heart-breaker ba? Dinaig ba ang ‘pagkikita’ ni AlDub at ang indecent proposal ng isang TV reporter kay Terrence Romeo?

Alam ko: baka naman naurat ka na rin. Dahil sa halos isa’t kalahating taon matapos ang kampanya ng mga kanyang taga-suporta, ay nauwi lang din sa isang simpelng pagtanggi ang lahat. Para lang magsyota nun na ilegal sa mata ng kanyang mga magulang—na matapos ang mahaba-habang pagkokontrapelo at pakikipaglaban para sa kanya, ay sumuko lamang siya sa’yo.

Pero ano nga ba ang magagawa mo? Desisyon niya yan e.

philstar.com
philstar.com

Wala e. Anong magagawa natin, ‘di ba? Ayaw nya. A NO is a NO. Hindi naman ito lohika ng romantisismo na kung saan pag sinabing niyan’ “I’m Okay” ay ibig sabihing “Hindi ako okay.”

Umayos nga kayo. Hindi siya ganun. Tignan mo ang nangyari sa Davao City. Dahil sa kanyang istirkto at ‘no holds barred’ na istilo, ay isa sa mga piunakasafe na lungsod sa mundo yun. E kung ikukumpara sa kalakhang Maynila na pag nahuli ka, either magmamakaawa ka, o magla-‘lagay’ ka.

Wala tayong magagawa. ‘Yan ang pasya niya. Hindi ba’t simula’t sapul pa lang ay nagsasabi na siya ng mga salitang taliwas sa gusto natin? Nagpakita na nga siya ng mga senaryo na posibleng mangyari kung sakali na tumakbo siya at manalo. Na maaaring darami lamang ang mga kaso ng pagpatay—dahil sa kanyang krusada laban sa droga.

Click here to continue reading.