Heart-smashed!

Broken Heart    (Photo credit:     Slodive)
Broken Heart (Photo credit: Slodive)

April 30, 2012
6:57 pm

Dear **D,

Alam kong ayaw mo nang pag-usapan yung tungkol sa atin kasi alam ko nai-stress ka pag naiisip mo yun. Alam ko, naging selfish din ako lalo na kasi hindi ko talaga matanggap na yung inalagaan kong relasyon e mauuwi lang
sa ganito.

Long distance relationship. Ilang tao lang ba ang naniniwala na may ganito? Siguro, sa sobrang accessible ng internet at napakadaming means of communication, yes, it’s not impossible. Pero sa dinami-dami ng mga tao na
nasa malayo ang minamahal, iilan lang yung nagiging totoo.  Sadly.. isa yung sa atin sa mga naging totoo. Kaya noong nawala, halos gumuho ang mundo ko. 🙁

Nakilala kita almost two years ago.. Natatandaan ko pa noon.. Isa yun sa mga boring na araw ng buhay ko.. Typical na hapon.. Wala akong pasok.. We became friends sa Facebook.. Saglit pa lang tayo nag-uusap, pero may iba na..
Parang ang tagal na agad kitang kakilala.. Parang long lost friend kita at napakaimportante sa akin na makabalita kung kamusta ka na ba.. Hanggang sa haba ng kwentuhan.. Mga kwentuhan nating rakenrol.. Nagkapalagayan tayo ng loob.. Tinawag mo akong “baby”.. Nagsmile ako bigla. Ang saya-saya ko noong araw na yun!.. Pero di ko muna masyado kinampante yung sarili ko.. Kasi alam ko kung ano yung kalagayan mo.. Alam ko kung sino ako sa buhay mo .. Pero wapakels e… Masaya ako e..

One year and six months — Halos dalawang taon din.. Halos dalawang taon na nabuhay ako sa loob ng relasyon natin.. Alam ni Papa God kung ganu ako kasaya… Kung gaano ako sumaya simula nang dumating ka.. Dati, ayoko pa
ibigay lahat ng tiwala ko sa ‘yo.. Ayoko kasi maraming dahilan.. Pero eventually, you got me to believe na iba ka kaysa  sa ibang lalake.. na hindi mo ako pababayaan.. naniwala ako sa ‘yo..

Ang dami natin pinagdaanan.. hindi man tayo magkasama.. Pero ang dami ng dumaan sa atin.. Kilalang kilala mo ako..you knew all my deepest darkest secrets.. Pero sa kabila ng lahat, tanggap na tanggap mo ako.. .at swear to God, ramdam na ramdam ko yung pagmamahal mo.  Never ko pa yun naramdaman na ganoon ako minahal ng isang lalake.. Ikaw lang.. Pinaikot ko sa ‘yo buhay ko.. .Lahat ng pangarap ko kasama ka.. Si Jred, si Heather, si Cifer. Namimiss ko sila.. Namimiss kita..

Pero bigla ka na lang nagbago… ‘Di pa nga paunti unti eh.. Biglaan.. naiintindihan ko na marami kang problema at marami kang iniisip. Sobrang naiintindhan ko yun. Tinulungan pa nga kita, diba? Nalulungkot ako. Gusto kong humiling kay Papa God na ibalik ka Niya sa akin. Na ibigay ka na lang Niya sa akin. Pero binawi ka din Niya.

Noong nawala ka, literal na wala akong makapitan. Alam mong hindi kami okay ng family ko. Friends ko? Alam ko maiintindihan nila ako, pero nakasasawa yung mga comments nila, “naniwala ka kasi e”. Which is fault ko din naman. Dapat talaga nagtira din ako para sa sarili ko. Kahit konti.

Ilang beses ako nakipagbalikan sa ‘yo. Nangako ako na hindi na kita kukulitin masyado at hindi na ako magdedemand na maging katulad ka ng dati. Na lagi kang andiyan at lagi tayong nag-uusap. Okay na sa akin basta alam kong tayo pa din kaysa sa wala na talaga. Pero ayaw mo. Ayaw mo na muna kasi sabi mo, gusto mo maayos muna lahat ng problemang pinagdadaanan mo. Again, naintindihan ko lahat yun. Kahit ang sakit sakit. Kasi akala ko, partners tayo e. Pero nung nakaramdam ka na ng sakit, nilaglag mo ko, tsong.

Huli na nang malaman ko na may iba ka na. Nakita ka ng kaibigan ko na may kasama ka nang iba. Maganda yung babae. Pero yung mas nakadurog ng puso ko yung nalaman kong masaya ka na. Alam ko napakaselfish ko kung
iisipin na naiinis ako kasi may iba nang nagpapasaya sa ‘yo. Pero sir, saglit pa lang tayo naghihiwalay. Bakit mo ko pinalitan agad?

Hanggang ngayon, sobrang nalilito ako. Bakit nauwi sa ganito yung pagmamahalan natin. Totoo naman yun e. Naniniwala ako na naging totoo tayo. Di naman kita sinukuan e. Pinilit ko namang ipinaglaban ka kaso ayaw mo na.

Sana, pinaglaban mo din ako. Sana hindi mo ako pinabayaang tuluyang mawala at magalit sa ‘yo. Hanggang ngayon mahal na mahal kita at hindi ko alam kung hanggang  kailan ko to dadalhin. Sa totoo lang, wala akong pupuntahan.

Umaasa pa din ako na balang araw maalala mo ako. Na maalala mo din kung gaano tayo kasaya dati.   Hindiko alam kung magmamahal pa ako ng katulad ng binigay ko sa ‘yong pagmamahal. ‘Di ko alam kung kailan mawawala yung sakit. O kung hindi man mawala, e hindi ko alam kung kailan ako masasanay sa ganitong pakiramdam. Araw-araw akong gumigising na ikaw yung una kong naaalala tapos bigla na lang ako maiiyak. Pinagpepray ko kay Papa God na sana.. na sana tanggalin na Niya yung sakit.. kasi ang sakit sakit na e :((

Pero siguro, soulmate nga kita. Kasi sabi nila pag soulmate daw, ‘di mo talaga nakakatuluyuan e. Andiyan lang siya somewhere, at pag nakita mo siya.. masaya ka kahit hindi naman naging kayo..

Sana pag nagkita tayo, ‘wag na bumalik yung sakit. Sana wala na yung feelings ko para sa ‘yo para di ganoon kasakit ulit. Mahal na mahal kasi kita e. Pakiramdam ko napabayaan ko ang sarili ko. Medyo napabayaan ko nga. Kung kani-kanino na ako sumasama, pero hindi ko maramdaman yung saya na hinahanap ko. Umaattend pa din ako ng mga gig na ma-isa. Hindi man kita makasama, nakikita ko yung presensya mo sa mga tao sa gig. Umaasa ako na kahit sa ganoong paraan, makasama kita sa isip ko.

Hindi ko alam kung kailan ako titigil.. sana marinig na ako ni papa God.. sana hindi na kita maisip…

author:  akinamanikacu

p.e./mj

Enhanced by Zemanta

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.