He who broke my Heart (Part 24)

(Photo credit: Wallcoo)
(Photo credit: Wallcoo)

ABALA ako sa pakikipag-usap kay Darla sa cellphone nang matanaw ko ang paparating na bulto ni Dwight. Malayo pa lang ito ay tila gusto nang lumundag sa tuwa ang puso ko. Lalo na nang makumpirmang papunta ito sa dakong kinaroroonan ko. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Wala pang gaanong tao ng mga oras na iyon sa beach. Samantalang abala naman si Tyrone at mga trabahador sa beach house na pinapagawa ko.

Bakit nandito na naman ‘to? Wala pa ba ang bruhildang girlfriend nito? Anang isip ko.

Ilang saglit pa ay mabilis ko nang pinutol ang conversation namin ni Darla. At nang makalapit si Dwight ay nagkunwari akong busy sa pagdotdot sa cellphone. He’s still irrisistibly good-looking with his attire. Naka-tshirt lang ito ng kulay berde at maong pants. Yet, nagnanaknak parin ito sa kaguwapuhan.

“Hi. Good-morning. Where’s Tyrone?” bungad nito.

Kunwa’y nagulat ako pagkakita rito. “He’s busy right now. May kailangan ka?” sinadya kong iyon ang sabihin para tumagal pa ang pag-uusap naming dalawa. Ayaw kong aksayahin ni segundo man lang na nandito ito ngayon sa harap ko. Para akong uhaw na uhaw sa presence nito.

“Can I talk to him for a while?” giit nito.

“I don’t think he can accomodate you right now. He’s too busy. Pero kung makakapaghintay ka—“

“I can wait,” mabilis na putol nito.

Doon ko ito pasimpleng pinasadahan ulit ng tingin. At hindi nakaligtas sa paningin ko ang naglalakihan nitong eyebags at nanlalalim na mga mata. Halatang puyat ito at may ideya na ako kung bakit. Siguradong hindi pa umuuwi o nagpaparamdam ang magaling nitong girlfriend. Nakaramdam ako ng habag para rito.

“If you want, doon na lang natin sa may cottage hintayin si Tyrone. Mainit kasi rito, e,” suhestiyon ko. “If it’s okay with you?”

Ngumiti ito nang pahapyaw, saka tumango. At nang maglakad na ako papunta sa may cottage ay sumunod na rin ito. Kapwa parin kami tahimik pareho kahit nang makarating kami sa loob ng cottage. At ewan kung bakit biglang nagkaroon ng tila mga dagang naghahabulan sa dibdib ko.

Kalma, Ehra. Umayos ka sa harap ni Dwight! sita ko sa sarili.

“H-Hindi pa ba umuuwi si Felicity o kaya’y nagtext man lang o tumawag?” di nagtagal ay lakas-loob kong tanong.

“Ni anino niya wala pa. And we’re all worried now. Hindi ko na nga rin alam kung saan ko siya hahanapin,” he answered helplessly.

Gusto ko siyang yakapin para i-comfort. Oh God! Ayokong nakikita ito sa ganoong sitwasyon. “Don’t worry, for sure uuwi din si Felicity. Baka nagkataon lang na walang signal sa pinuntahan niya o kaya mahirap ang sasakyan. Kaya medyo natagalan siya roon. Alam mo na dito sa probinsiya. There are certain part parin na hindi pa abot ng modern technology,” pakunsuwelo ko. Ewan kung may sense ba ang mga sinabi ko. But how I wish this would help para kahit paano ay ma-lessen ang pag-aalala nito sa nobya.

I looked at Dwight’s face at nagsalubong ang mga mata namin. His two deep-set brown eyes reminds me something about our past.

Ako ang unang umiwas ng tingin. At lalong lumakas ang dagundong ng dibdib ko sa paraan ng mga titig nito. God! This man is undeniably gorgeous and hot!

“A-Anyway, I’ll call Tyrone to inform that you’re here,” pag-iiba ko. Trying to compose myself. Feeling ko kasi ay para akong nahulog sa kung saan. And I had to admit that Dwight’s glance made me felt a bit erotic.

“Ok. Thanks,” narinig kong sagot nito.

At pagkuwa’y tinawagan ko si Tyrone. Nakailang tawag din ako pero hindi nito sinasagot ang tawag ko. Malamang ay busy pa rin ito.

“He’s not answering my calls. He’s still busy, I guess,” kako.

“I can wait. No worries. Thanks,” tugon nito.

Saglit na katahimikan ang namayani sa pagitan namin ni Dwight. Pero sinamantala ko ang pagkakataong iyon para pasimpleng titigan ulit ito. Bahagyang nakayuko ang ulo nito habang nakasandal sa dingding ng cottage na iyon na gawa sa pawid.

Una kong pinasadahan ng tingin ang katawan nitong namumutok sa mga naglalakihang muscles. A greek body every woman is dying to touch. Biglang nag-init ang pakiramdam ko sa imaheng biglang rumehistro sa utak ko.

Sunod kong tinignan ang lower part nito at tila may magnetong humihila sa akin para pag interesan na pakatitigan iyon. At lalong tila ako kakapusin ng hininga nang mapadako ang pilya kong mga mata sa pagkalalake nito na bakat na bakat sa fitted maong pants na suot nito. Oh God! Ano na kaya ang hitsura ngayon ng junior nito?

“May balak ka bang hubaran ako sa mga titig mo?” Para akong sinampal sa magkabilang pisngi nang marinig ko ang baritonong tinig na iyon ni Dwight. Nahuli pala ng mokong ang makahulugan kong mga tingin dito.

Naramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko sa pagkapahiya.

“Lalabas lang ako saglit. Baka kasi magahasa pa ako rito ng wala sa oras,” dagdag nito at akmang tatayo na nang sagutin ko.

“Wow! Hiyang-hiya naman daw ako sa’yo. At hanep din ang taas ng confidence mo sa sarili, no? Katol pa kuya!” pagtataray ko sabay ingos. “At alalahanin mong ikaw ang may kailangan kaya ka pumunta rito. Kaya umayos-ayos ka, puwede?”

“Hey, are we going to argue again?”

“Aba hindi! Pinapaalala ko lang naman po sa inyo na umayos kayo sa pananalita.”

“E, bakit masyado kang defensive?”

“Defensive? Ako? Bakit?”

“Look, hindi ito ang tamang oras para sa ganitong nonsense na argumento okay? And pls, stop acting like a child! Matanda ka na para umakto ng ganyan!”

Lalong umarko ang kilay ko sa sinabing iyon ni Dwight. “Alam mo, mas mabuti nga sigurong lumabas ka na lang dahil baka hindi kita matantiya. At p’wede ba huwag ako ang pag-initan mo? Kung may problema man kayo ng misteryosa mong girlfriend, ‘wag mo akong madamay-damay p’wede? Nananahimik ako rito—“

Naputol ang pagbubunganga ko nang biglang sakupin ni Dwight ng mga labi nito ang labi ko. Hindi ko iyon napaghandaan at lalong hindi ko inexpect na gagawin nito ang ganoong kapangahasan. Juice colored!

The moment he trapped my lips using his own sensual and soft lips, I couldn’t protest anymore. Bagkus, nagpaubaya ako habang marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Ninanamnam ang bawat pagkibot ng mga labi nito sa labi kong matagal na panahon nang hindi nakakatikim ng ganoong klaseng halik.

Gosh! Napakagaling at expert pa rin itong humalik!

“‘Ayan, may free taste kiss ka na sa’kin. Pinamigay ko na sa’yo ng libre. Kaya siguro naman, titigil ka na. Masarap diba?”

Para akong dinagukan nang magsalita ito pagkatapos nitong ilayo ang mga labi sa labi ko. Naghahabol pa rin ako ng hininga.

“W-Wala kang karapatang halikan ako, you bastard!” kunwa’y naggalit-galitan ako.

“Oh come on? Gusto mo ‘yun, diba? At hindi na ako magtataka kung higit pa roon ang gusto mong gawin ko. But sorry to say, only my girlfriend Felicity has the right to see me in flesh!”

Ibig kong matawa sa huli nitong binanggit, pero nanaig ang pagkasuplada ko. The nerve!

“Hoy hari ng yabang! Ni minsan hindi ko pag-iinteresan ‘yang katawan mo kung ‘yan ang inaakala mo. ‘Tong unggoy na ‘to, masyadong bilib sa sarili.”

“‘Wag ka nang mag-deny. Dahil ang unggoy na ‘to, alam kong mahal mo pa rin hanggang ngayon. Tama ako, diba?”

Doon ako natameme. Halatang tinamaan ako sa sinabi nito. At kahit hindi ako sumagot ng yes or no, walang dudang tama ito. I’m still inlove with this handsome monkey. Pero siyempre, hindi ko puwedeng sabihin ang bagay na iyon sa harap nito. Nunca.

“Even how many times you deny it, still, your action shows that you can’t get over with me, yet. Kaso, may Felicity na ako at siya lang ang bukod-tanging babaeng nais kong iharap sa altar balang-araw!”

Parang punyal na tumarak sa dibdib ko ang mga katagang binitawan ni Dwight. Bakit kailangan pa nitong ipamukha sa akin ang bagay na iyon ng harap-harapan? Nasaan ang hustisya?

Magsasalita sana ako nang biglang dumating si Tyrone sa wakas. Save by the bell. Ang totoo ay kanina ko pa gustong tapusin ang engkuwentro naming iyon ni Dwight. Lalo’t kanina ko pa gustong lumubog sa kinatatayuan ko. Feeling ko ay masyado na akong natorture.

“Kumusta, ‘pre? Kanina ka pa rito?” mayamaya’y si Tyrone ang unang nagsalita.

Nakipagkamay dito si Dwight. “Medyo matagal-tagal na rin, ‘pre,” sagot nito.

Sinamantala ko ang pagkakataon na iyon para makapagsolo ang dalawa. Magalang akong nagpaalam sa kanila.

“Maiwan ko muna kayong dalawa rito. May aasikasuhin lang ako sandali,” palusot ko.
Kay Tyrone ako nakatingin. Tumango lang ito at saka ako nagmamadaling lumabas ng cottage. Ni hindi ko na pinag-aksayahan na tignan si Dwight nang palabas na ako. At saka lang ako nakahinga ng maluwag nang mawala sa paningin ko ang dating nobyo.

SAMANTALA……….

Walang kamuwang-muwang si Dwight na nasa ibang kandungan pala ang nobya.

Kasama ngayon ni Felicity si Chad Castro. Isang guwapo at mayamang doktor na tubong Ilocos Sur din na ngayon ay nakabase sa Amerika at kasalukuyang nagbabakasyon sa Pinas.

Si Chad ay dating nobyo ni Felicity for seven years. Naghiwalay sila bago pa man makilala ng dalaga si Dwight. Dahil ayaw noon ni Felicity ng set up nila ni Chad na long distance relationship. Medyo immature pa siya that time and she doesn’t know what she would prioritize first. Natakot siya at naguluhan. Kaya nagdesisyon siya noon na makipaghiwalay na lang dito.

Pero ngayong nagkita ulit sila pagkatapos ng ilang taon, muling nanumbalik ang pagtingin rito ni Felicity. She realized that she’s still more inlove with Chad compare to Dwight.

At hindi ngayon alam ng dalaga kung paano magtatapat kay Dwight na hindi nito iisipin na niloloko lang niya ito. Totoong minahal niya ang nobyo. Pero isa lang ang dapat niyang piliin at mahalin sa dalawa. At ngayon ay may napili na siya.

Si Chad Castro na ex niya!

(Itutuloy….)

About Orlie Jacob

Isang simpleng "Tea Boy" sa Gitnang Silangan na nagbabakasakali na sa bansang Arabo matagpuan ang suwerte. Tatlong taon nang OFW at tanging pagsusulat ang libangan at talentong p'wedeng ipagmalaki. Sa pagsusulat, nagkakaroon ako ng sarili kong mundo kasama ang aking mga "IMAGINARY FRIENDS". Dati na rin akong nakapagsulat sa "LIWAYWAY MAGAZINE" at bukod sa pagba-blog, nagsusulat din ako ng Nobela sa Wattpad. Kung bibigyan ng pagkakataon, nais kong buhayin ang LITERATURANG PILIPINO sa pamamagitan ng aking mga akda na maiikling kuwento. Idolo ko sina Ginoong Efren Abueg, Ginang Lualhati Bautista, Bob Ong, at iba pang batikang manunulat sa ating bansa. Nawa'y maibigan n'yo rin ang bawat akda ko rito sa Definitely Filipino!