He Said..Filipina is Shit!

Prostitution (Photo credit: Samuiphanganinfo)
Prostitution (Photo credit: Samuiphanganinfo)

Busy ako sa paglilinis ng buong bahay nang isang tawag mula sa kapatid ng amo ko ang gumimbal sa akin.  Alam ko na may ipag-uutos na naman ito kahit ‘di pa

Prostitution    (Photo credit:   Samuiphanganinfo)
Prostitution (Photo credit: Samuiphanganinfo)

ako tapos sa isa kong trabaho. Walang magawa, nanilbihan kasi bilang katulong kaya kahit pagod YES pa rin.

Akala ko kung ano ang sadya at ipag-uutos; yun pala gusto lang makipag-tsismisan sa akin.  Daming tanong sa kulturang Pilipino at kung gaano ba kaganda ang Pinas. Sinagot ko naman siya nang maayos dahil maayos naman ang tanong niya pero nabigla ako nang magtanong siya.

HOW MUCH YOU WANT? I WANT TO HAVE SEX WITH YOU!”

Nabigla ako sa narinig ko! Sarap sampalin sa pambabastos na tanong niya sa akin at sa galit ko ay sinagot ko siya:

“HINDI AKO BABAENG BAYARAN KUNG IYAN ANG AKALA MO SIR! KATULONG LANG AKO PERO MAY RESPETO AKO SA SARILI KO AT DIGNIDAD SA PAGKATAO KO!

Bakit nga ba daw tigas ko tapatan ng pera? Bakit nagpakipot daw ako? Samantalang nakailang Filipina na daw siya; may relasyon man o wala, ang mga ito daw ang kusang lumalapit sa kanya! Nag-init tainga ko nang magsabi siyang.

“FILIPINA IS A SHIT!”

Gusto ko siyang bisayain o tagalugin sa sinabi niya dahil para akong nasampal sa linya niya.  Ganito na lang ba tayo kababa sa paningin ng ibang lahi?

“SIR! HINDI LAHAT NG FILIPINA AY TULAD SA MGA NAKA-RELASYON MO! IBAHIN MO ‘KO DAHIL HINDI LAHAT NG TAO AY PAREHAS ANG PORMA NG PAA!”

Bakit nga ba daw ‘di ko gamitin ang utak ko para madali ang perang kikitain ko? Eto daw kasi ang kadalasan niyang nakikita at naranasan sa kapwa ko Pilipina matapos ang isang maling laro sa buhay, aabutan lang daw ng maliit na halaga ay kay lapad na daw ng ngiti!

THEY WANT ONLY MONEY!” yan nga daw ang practical sa buhay bakit ‘di daw ako sumabay sa iba?

“KAYA KONG KITAIN ANG HALAGANG YAN SA MAAYOS NA PARAAN KAHIT KATULONG LANG AKO DITO SA KAPATID MO. KAYA KONG IPUNIN ANG HALAGANG YAN SA SAHOD KO! MATAAS ANG RESPETO KO SA PAMILYANG ITO AT GANOON DIN AKO SA IYO DAHIL KAPATID KA NI MADAM! SANA RESPETUHIN MO DIN AKO BILANG TAO AT KATULONG SA PAMAMAHAY NINYO!

Napatingin siya sa akin at ‘di naka-imik sa sinabi ko at biglang seryosong nagsalita “I’M SORRY! YOU’Re TOTALLY DIFFERENT FROM THE OTHERS THAT I KNOW!”

Kasalanan ng isa, damay lahat! ?

Kahit walang ginagawang masama ay ganito ang tingin at pagkakaintindi nila dahil iisa lang daw ang pangalan na tawag Pilipina. Kaya minsan ang tingin nila ay puwedeng mabili ng kanilang pera! Isang katotohanan sa tunay na kalagayan ng iba nating kababayan.

author:  jovelyn

p.e./mj

About jovelyn

Im not a good writer but i love to 🙂 Masaya din, Malungkot din (Karanasan ng OFW) this is my first book under my name as a writer and Sindi Ng Lampara OFW stories book with Raquel D. Padilla and DFBI writers, columnist in Pilipino Star Ngayon Middle East [email protected] Super kulit at kalog..proud bisdak at tamad na masipag na yaya:)