Happy Mother’s Day, Mommyjoyce!!!

mj fotoBakit ba daig pa sa pulang dugo – blood type AB ang dumadaloy sa ating relasyon bilang mommy ko?

Hindi naman ako nanggaling sa sinapupunan mo. ‘Di ko nga natikman ang Colostrums mo. Kahit isang paghele nang umiiyak ako nang kabataan ko ‘di mo ako nadampian ng mga yakap mo. Napagtimpla mo ba ako ng gatas ko at nasubuan nang nagugutom ako?????

Sa Literal na pananalita, siguro nga, hindi!  Pero nang magtagpo ang landas natin, mahigit isang taon na ang lumipas, ipinanganak mo ako at binigyan mo ng pangalang “Angela”, pinakain ng mga pangaral, binusog ng mga payo at pinainom ng pang-unawa at pagmamahal…

Tinulungan mo akong buksan ang isang parte ng pangarap ko na minsan sa buhay ko ay ‘di ko akalain na magiging katulad mo ako, isang manunulat sa Definitely Filipino! Isa mo lamang akong tagahanga sa mga akda mong relate na relate ang beauty ko.  Kuntento na ako doon, pero bigla kang nagreply sa message ko sa ‘yo, hindi ka pala suplada, super bait pala ng Mommyjoyce ko.

Paano ko ba malilimutan na naging online mommy kita!

Hindi pa man tayo nagkikita, ipinaramdam mo sa akin na ako’y may isang Ina sa bandang Gatchalian, na puwede kong puntahan at matulugan tulad ng ginagawa mo sa aking mga kapatid…

Tagal ko nang hindi nagsusulat, pero nais kong iparating sa ‘yo ang aking pasasalamat.  Iniisip ko pa naman, ano kaya ang maging topic ko ngayong Mother’s Day??

GUSTO KO KASING MAGSULAT, bigla ka namang nagmessage, hayuuun na, umandar na ang mga daliri ko.. tumakbo sa puso ko para utusan ang isip kong matagal nang natutulog…. si Mommyjoyce! Ang aming Ina sa Definitely Filipino.. ang ONLINE MOMMY NG DFBI!

SALAMAT, MOMMY JOYCE!   HAPPY MOTHER’S DAY PO…. God bless you!

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.