Hapag Kainan

Dati, sa mesang kawayan, kasama namin ang buong pamilyang kinagigiliwan.

Ulam ay gulay na malunggay at maalat na daing, pulang sili at lambanog na suka sa maasim na kamansi’y simpleng handa na masayang pinagsaluhan.

Mga ngiti’y namutawi, mga halakhak ay walang pagkukunwari; kasiyahan sa kabila ng kahirapan, pag-asang makaaahon sa kahirapan ang tanging dasal… balang araw ang buhay ay aangat, ang kabuhayan ay liliwanag.

Bagong pag-asa ay nasilayan, tanaw ang alapaap sa bintana ng eroplanong sinasakyan sa paglisan mula sa bayang sinilangan para tahakin ang banyagang lupa — Hongkong, Malaysia, Singapore at Gitnang Silangan.

Sa magarbo’t kumikintab na mesang gamit ay kumikinang na babasagin na kristal, kamay namin ay nanginginig, kagamitan ay ‘di nakasanayan sa probinsyang aming pinanggalingan.

Sa bagsak na katawan, sa kumakalam na sikmura sa magarbong batong sahig lamig ay nanunuot sa puwitan, pagkain na naiiba sa lasang kinagisnan, pilit ninanammnam ang lasang minsan ay ‘di kaaya-aya mabuhay lang ang katawang lupa sa pakikipagsapalaran sa ibayong dagat.

Sa hapag kainan na ngayon ay naiiba, wala na ang ingay at agawan ng ulam sa mesa. Ngayon ay basag na katahimikan, kaharap ay ibang lahi na parehong nangungulila sa pamilyang naiwan… bawat nguya ay nagluluksa kalungkutan.

Ito ay isang salaysay na maaaring  walang katuturan, pero ito ay isang katotohanan.
At sa mga buwaya sa pamahalaan na nakabantay, oh my gulay, sana hindi n’yo maranasan ang naranasan naming kahirapan dahil pag mangyari ‘yan…

I will sing for you…

Kuskus kuskus inidoro Yo!

If yo have no kalyo at this time yo will have too

Yan ang epekto pag mabaliw kuno

Spokening in dollar wala sa tono…

ni Jovelyn Bayubay Revilla

#BayaningTunay   #DFBloggerIntl    #DefinitelyFilipino  #DFBI  #BloggerJovelyn

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.