“Hanggang Sa Panaginip Na Lang”

One night, isang gabi, napanaginipan kita, ulit.

Bakit ganun? Bakit lagi kang laman ng aking panaginip? Hindi naman kita iniisip. Masyado akong busy sa trabaho ko. Halos wala na akong time para mag-isip o magmuni-muni. Bahay at planta na lang ang  routine ko. Ni hindi ko na matapos-tapos ang naumpisahan ko sa libangan kong sketching at coloring. Hanggang buntong-hininga na lang ako, pagdating sa bahay, flat in bed kaagad. Tired-of-being-pagod lagi ang drama ko. Kaya ‘ayun, laging takaw-tulog.

At sa dinami-dami, damn me ng mapapaginipan ko, bakit laging ikaw ang dumadalaw? Bakit laging ikaw ang nakikita ko, kausap ko, kahawak-kamay ko, kalambingan ko, kakulitan ko, ‘yung sobrang saya natin na parang totoong-totoo? ‘Yung paggising mo manghihinayang ka na lang k’se panaginip lang pala?

Gusto ko sanang itanong sa’yo – “Minsan ba sumasagi ako sa isipan mo? Minsan ba naaalala mo ako? Tayo? ‘Yung tayo na masaya. Walang problema. Walang paki sa mundo. Walang ibang iniisip kundi ang isa’t isa. ‘Yung tayo na klaro, hindi malabo. Pero sa huli, nagkalaboan? ‘Yung na-develop na sana, blurred pa.

Para tayong masaya at mabangong hangin na napadaan sa imburnal at na-contaminate, naging masamang hangin, ayaw nang damhin o pagsamahin ang isa’t isa, at tuluyang nang nagkahiwalay?

Pero paano mo masasabing “tuluyan”, kung sa panaginip ko ay heto ka na naman?

Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Hindi ka nga laman ng isip ko, pero hindi kaya, laman ka pa rin ng puso ko?

Bigla, kinapa ko. Dinama ko. Hanggang sa kasulok-sulokan, doo’y nakaukit pa rin ang iyong pangalan. Hindi na siya kasingtingkad gaya ng dati dahil natatabunan na ng alikabok, pero maaaniag o mababasa mo pa rin. Dahil nag-iisang pangalan lang naman ang nakaukit doon. Hindi pa naman ako ganun katanda para ma-amnesia, lalo na sa’yo.

“Tandang-tanda ko pa rin kung kelan ko inukit ang pangalan mo sa puso ko.”

Ikaw? Natatandaan mo pa rin ba? O sa sobrang bilis ng paglipas ng panahon, wala ka nang maalala? Pangalan ko ba, nakalimutan mo na rin? Pagmamahal ko sayo’y itinali mo na sa masamang hangin, ayaw mo na ulit akong makapiling? O, makadaupang palad man lang? Ayaw mo nang mabahiran ng nakaraan ang iyong ngayon? Past is past nga ba?

Pero bakit ka bumabalik sa aking panaginip?

“One night, isang gabi.

I saw. Nakita ko.

Myself. Aking sarili.

Smiling. Nakangiti.

I asked why? Tanong ko bakit?

Nothing, but just a dream. Wala, kundi isa lang panaginip…”

 

“Wala ka dito sa tabi ko.

Wala akong makita na presensya mo.

Wala akong kausap.

Wala akong kahawak-kamay.

Wala akong kalambingan.

Wala akonv kakulitan.

Walang tayong dalawa na masaya.

Panaginip ka lang talaga…”              

Hanggang kelan ako maghihintay sa’yong pagbabalik? Hanggang kelan ako aasam na muli kang kakatok sa pintuan at ika’y pagbubuksan?

“Hanggang sa panaginip ka na lang ba talaga? Paano kung ‘andito pa rin ako umaasa?”                                                         Sa wala. 

 

About Nomatterwhat143

Analyst ang aking propesyon. Pag bagot, walang magawa, nagsusulat. Dati nung maliit pa ako, pinapalo. Ngayon pina-follow (hehe!) Kung hindi ako nagsusulat, nakikinig ng musik. Minsan naman wala lang imik. Tahimik. Mata'y ipipikit. Matutulog. Pag gising, magkakape. Pag walang kape, okay lang basta tayo'y mug-KAPEling hehe! Corny? Yun ako. 🙂 Page owner/Admin din ako ng https://www.facebook.com/iloveannemurray/; https://www.facebook.com/nomatterwhat143/. https://www.facebook.com/indayluwag/. IG:indayluwag420