Hanggang Kailan ang Pangako Part 6

 

 

hanggang kailan ang psngako

Nakapangalumbaba itong pasalampak sa aking mesa kitang-kita ko ang kanyang dalawang bundok na animo’y puwet ng bata sa suot nitong plunging neckline na blusa.

” Jeff, tikman mo naman ako ngayon araw na ito  hmmm,  iba ang brand ng aking lotion at pabango ngayon; hindi mo ba ako naamoy?” pang aakit nito sa akin.

” Jen, bumalik ka na nga sa upuan mo at baka kung ano pa ang magawa ko sa ‘yo kung hindi ako makapagpipigil,”pangiti kong sabi.

” Hayan ang gusto ko, Jeff, ‘yong hindi ka makapagpipigil, sige na! “ pinalambing ang boses nito..

Lumapit na ito sa likod ng aking swivel chair at akmang hahawakan ang leeg ko nang;

Kringgggggg! kringgg!

Sherina calling!

Bumalikwas ako bigla sa aking pagkaka-upo at natabig si Jennifer ng hindi ko sinasadya, ito ay natumba papunta sa sulok ng sa lakas ng aking pagkakaatras sa swivel chair para tumayo. Nataranta akong sinagot ang tawag ni Sherina. Ang tawag na aking hinihintay. Ang pinanabikan kong boses na marinig. Hindi ko inalalayang buhatin si Jen, nakasimangot itong pinapag-pag ang kanyang blusa at ibinababa ang kanyang nai-angat na palda halos makita na talaga ang panty nito.

” Hello dear Shey, Kumusta I really missed you!” puno nang pananabik sabi ko.

Hi! Jeff  I’ m Fine! wanna go home tonight, I have a not so good news for you but anyway saka na pag nagkita tayo, so excited to see you my dear.” mahaba nitong sabi at sabay off ng kanyang cp.

Nakita kong bumalik na si Jennifer sa kanyang mesa at inaayos ang sariling nakasimangot, mas mataas pa nga yata ang nakausling labi nito sa inis sa akin dahil inisnab ko ang kanyang beauty at nahagis pa sa sulok..

” I’m sorry Jen, ‘di ko sinasadyang mapatilapon ka,” hingi ko nang depensa dito.

” Tsee! ang pangit mo, ganyan ka na ngayon; porke ba at may Sherina ka na hindi mo na ako pansin?  Wala naman akong hiniling sayo kundi ang pagtuonan mo lang nang pansin, hindi ko naman sinabi sayong ibigin mo ako, dahil alam kong hindi ako ang babaeng hinahanap mo.” may pagtatampong sabi nito.

Ang haba litanya yata ang sinabi ni Jen, pero ok lang masaya naman ako, dadating ang aking si Sherina. Sobra ko nang eksayted sa kanyang pagdating. Sobra ko kasing na miss ang aking mahal.

Hindi pa man oras sa paglapag nang eroplanong kanyang sinasakyan, ako’y nasa paliparan na naghihintay na, kahit anong oras pa ito dumating basta nandoon na ako. Okay lang ako ang maghintay basta hindi lang siya. Naiinip na ako, tatlong oras na yata akong nandoon sa labas nang arrival area, parang na delay yata ang flight nito. Pero hindi naman sinabing made-delay ang kanilang flight..

Maya-maya naririnig ko na ang pag announce ng ground stewardess na lalapag na raw nang ilang minuto ang eroplanong galing Hawaaii; iyon ang sinasakyan ni Sherina. Imbes na inaantok ako, parang nagising ang aking diwa sa narinig. Patayo-tayo na akong hindi mapakali sa aking kinalalagyan.

Pumunta muna ako sa isang Restawrant sa loob ng Naia, kumakalam na ang aking tiyan, parang apat na oras na yata akong nandoon eh! naka-idlip na nga ako sa aking inuupuan kanina..

Kringgg! kringgg!

Mama’s Calling!

” Yes Mama?” tanong ko

” Where are you Jeff?  Come home faster inaatake ata ang iyong ama!” nanginginig na wika ni mama.

Agad kong binayaran ang aking inorder at kaunti lang ang aking nakain at dali-daling sumakay sa aking kotse paharurot sa aming bahay; ngunit pagdating ko sa bahay napag-alaman kong nadala na daw ito sa St Lukes Hospital, sumakay ulit ako at kay tulin ng aking pagmamaneho sa kahabaan nang Edsa  napakatraffic pa.

Talaga naman kung kailan ka nagmamadali ang daming gustong sumingit lalo na ang bumber to bumper na mga sasakyan.  Haahh! kung pwede lang takbuhin ang St Lukes at iwan ko na lang sa gitna nang kalsada ang aking sasakyan kanina ko pa ginawa.. Nakapanlulumo na talaga, pinapawisan ako sa loob ng aking kotse kahit full blast na ang aircon.

Napag-alaman kong may nagbanggaan pala sa unahan kaya ganun na lang katindi ang trapik. Walang lingon-likod na nagtanong sa resepsyonista ang sa Lobby kung saan ang aking ama.

Humahangos ako papunta sa kwarto ng aking ama ng aking makasalubong si Kuya Rene. Lulugo-lugo ito.

” Jeff, wag kang mabibigla nauna na si Daddy” sabay tapik sa aking balikat.

” Ha!  Where’s he? wheres Mama?” hindi ako mapakali sa aking pagtatanong.

Isinama ako ng kuya ko sa Morgue kung saan may nakikita akong tinakpan nang puting kumot si Daddy yun, Si Mama nakaupong nanlulupaypay sa gilid nang bangkay ng kanyang mahal na asawa. Lumapit ako kay Mama at niyakap ko siyang pilit na pinakakalma sa tindi ng kanyang hinagpis sa pagkawala ni Daddy. Nakalimutan kong pansamantala ang pagdating ni Sherina. Malamang sa mga oras na ito ay nasa kanila nang bahay ito. Hindi rin s’ya tumawag kung dumating na ba o malamang nagtampo na ito sa akin dahil hindi niya ako nakita sa Airport.

Naiburol si Daddy ng dalawang linggo sa aming mansion, laging si Jennifer at Mama ang magkaramay. Ang aking mga kuyang walang mga silbi hindi mahagilap sa panahon ng aming pagluluksa. Hindi ko alam kong saan sila at iwan ko; gusto kong isipin na kaya hindi sila makita sa bahay namin dahil nagluluksa din sila sa kanilang mga kanya-kanyang paraan. Ganon nalang ang aking iisipin para hindi ako magalit sa kanila.

Si Sherina ay hindi man lang din nagparamdam sa loob nang dalawang linggo, tinatawagan ko ito ngunit nakapatay ang celpon, saka ko nalang siya pupuntahan sa kanila pag nailibing na si Daddy; kapag malinaw na ang aking pag-iisip, ngayon kasi ang dami kong problema; baka sumbatan pa ako na wala ako nang dumating siya; dobleng dagok ang aking mararamdaman.

Hapon pagkatapos naming ihatid sa huling hantungan ang aking Ama, nagpaalam akong may pupuntahan na muna. Balak kong puntahan sa kanilang bahay si Sherina. Balak ko siyang sorpresahin.

Sinalubong ako ni inday na malungkot.

” Kuya! si ate shey, nasa Hospital magdadalawang linggo na siya doon, pagkadating na pagdating niya galing ibang bansa.” paliwanag ni inday

” Ha! sinong maysakit? bakit anong nangyari?” tanong kong nagmamadaling malaman ang sagot.

” Hindi ko alam eh! kuya,  itinatanong ka nga ni Madam kong pumunta ka ba daw dito tuwing uuwi siya galing hospital, sabi ko wala;  kasi wala naman eh!..bakit ngayon ka lang nagpakita?” mahabang tanong din nito

” Saan bang Hospital sila?” tanong ko din sa katulong

” Makati Medical Center daw!” sagot nito

Pinaharurot ko ang aking sasakyang hindi na nagpaalam kay inday papunta sa Makati Med.
Nasa ikalimang palapag daw nang bilding si Sherina ayon sa resepsyonista nang hospital. Hindi pa man ako nakakarating sa ikalimang palapag ako’y kinakabahan na…

Nasa harapan na ako nang pintuan nang kuwarto ni Sherina may nakasulat pa sa may pintuan na pangalan nang pasyente

Sherina Mae Casillano

Parang hindi ko maigalaw ang aking mga kamay para kumakatok. may isang Nars na papasok at may dalang tray na may laman nang mga gamot, siya na ang nagbukas nang pintuan at akoy sumabay nalang sa Nars sa pagpasok.

Nakita ko ang aking Sherina, nakahiga sa kama na maputla at halos hindi ko na makilala dahil sa laki nang ipinayat nito at laki nang ipinagkaiba sa kanyang dating hitsura. Tumutulo ang luha kong napahawak ako sa railings ng kanyang kama, nanlalambot ang aking mga tuhod, walang lakas para manatiling nakatayo; awang-awa ako sa kalagayan ni Shey.

” Jeff,  Shey has a cancer in her brain and has a heart failure too, We just found out when she arrived last 2 weeks ago and undergo shunting last week but her heart became weaker for the days pass by.” maluha-luhang paliwanag ng Mommy ni Shey.

Ngayon ko lang napansin na nakabandage pala ang ulo nito parang namumugto ang mata dahil daw sa nagkaroon ito nang komplikasyon sa parteng may mat;  may tubo pang nakasabit para doon lumabas ang mga fliud galing sa brain.

Hinahawakan ko ang kanyang kamay na bumubulong sa kanya.

” Lumaban ka Shey, nandito lang ako mahal na mahal kita!” pahikbi kong bulong!

ITUTULOY

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.