Hanggang Kailan ang Pangako (Ang Pagwawakas)

hanggang kailan ang psngakoPinapahid ko ang kanyang mga luha; panay ang hikbi nito. Pinipilit kong maging matatag para sa kanya, ayaw niya akong makitang umiiyak, ayaw ko syang panghinaan ng loob. Pinatatapang ko ang sarili ko, ngayon pa? Na kinakikitaan ko na ng malaking improvement sa kanyang kalagayan. Hindi ako ssusuko! hindi kailanman.

” Wag kang umiiyak, nandito lang ako, “ habang gagap ko ang kanyang kamay.

” Salamat lagi sa pag-aantabay, pag-aalaga at pagmamahal mo sa akin, sabi ni Mama nand’yan ka raw lagi; halos ayaw mo nga daw matulog,” mahina nitong tinig.

” Sssshhhh! walang anuman, hindi ko iniisip yon, handa akong magpakapagod para sa aking mahal,” ngiti ko sa kanya.

Kinagabihan…

Sumaglit na muna ako sa amin, hindi ko na nga pala maasikaso ang kompanya; inaaasa ko na lang ito kay Jennifer. Kailangan na pala akong magpakita muna bukas para mabisita ko ang aking opisina.

Bumalik ako sa Hospital pagkatapos maligo at kumain sandali kasi nandoon naman sina Mama at ang kuya ko mesa kaya sumabay na lang ako.

Nagbantay ako sa isang gabi, nakaupo sa gilid ng kama at masayang hinahaplos-haplos ang kamay ng aking mahal hanggang sa ito ay mahimbing. Kailangan ko na ring matulog at ako’y maaga pa bukas; kailangan kong magreport muna sa opisina. Hindi na nga ako tinatawagan ni Jen.  Malamang, galit na iyon masyado sa akin.

Kinabukasan:

Pagbungad ko pa lang sa aking pintuan kung saan nakaupo si Jen sa kanyang puwesto at may ginagawa ito.

“Aba! Mabuti naman at alam mong may mga responsibilidad ka pang dapat gawin, hindi ang magbantay na lang sa nobya mo sa buong buhay mo; nakaiinis lang kasi, hindi mo na maalalang may naiwan kang opisinang naghihintay sa iyong pagdating at mga kliyente mong naaabala at naantala ang kanilang mga trabaho dahil sa papeles na kailangan mong pirmahan,” haba ng litanya ni Jen.

“Sana naman ay pumasok d’yan sa kukote mo na wala nang pag-asang bumalik sa dati ang babaeng pinag-aalayan mo ng wagas mong pag-ibig.  At bakit hindi mo na lang ako pagbalingan at heto ako, masiglang-masigla kumpara naman doon sa nobya mong lantang-gulay na kung magkamalay man,” panlalait pa nito.

” Jennifer, magdahan-dahan ka sa iyong sinasabi, walang kinalaman si Sherina dito sa aking mga responsibilidad sa opisina. kung may problema ka sa akin.  ‘Wag na ‘wag mong isasali ang babaeng aking pinakamamahal dahil kahit maging lantang-gulay man siya, maging lumpo at maging inutil, mahal ko yon.  Wala nang makapagpapabago pa sa aking pag-ibig sa kanya. Hindi ko maaaring ibaling sa ‘yo ang aking wagas na nararamdaman sa aking nobya. Kaibigan lang ang aking nararamdaman para sa ‘yo, wala nang iba.  Patawarin mo ako kung nagpadala ako sa aking kahinaan at sa init ng ating katawan. Ako’y humihingi ng paumanhin sa ‘yo ‘dun, pero ang isali mo si Sherina dito, ako’y nasasaktan. Please kung gusto mo pang magtrabaho dito sa aming kompanya, irespeto mo ako at ang taong aking minamahal,” mahaba kong tugon.

Mga dalawang oras ‘ata kaming hindi nag-imikan ni Jennifer, nasaktan ako sa kanyang pakikialam sa aking love life. Wala siyang pakialam kahit anong gawin ko sa aking buhay. Tinapos ko na ang mga dapat na pirmahan at umalis na sa opisina. Hindi na ako nagpaalam pa kay Jennifer, alam niyang galit ako. Dapat niyang malaman iyon.

Dumiretso ako sa isang flower shop para mag-order ng magandang bouquet para sa aking pagbisita sa aking Sherina.

Napili ko ang mga puting rosas na paborito niyang bulaklak, inilapag ko sa gilid ng kanyang kama at hinalikan ko ang kanyang noong nakabenda pa rin.

” Good evening, Shey!” bati ko.

” Ahhmmm! ” ngumiti lang ito.

May iniabot siyang papel na galing sa doctor.

MGH- may go home

Ang luwang ng aking ngiti at abot-tainga na nga yata, nahalikan ko siya sa labi.

” Congratulation, Shey, puwede ka nang lumabas dito!” bati ko sa kanya.

Kinabukasan hindi na naman ako pumasok sa aking opisina, inasikaso ko ang paglabas ni Sherina sa Hospital, eksayted na itong makauwi. Ganun din ako.  Excited na siyang makita ang kanilang bahay;  doon na raw magpapatuloy ang gamutan at pagpapahinga nito.

Lumipas ang anim na buwan, magaling na ang sugat sa ulo ni Sherina, nag-remission na ang kanyang cancer, hindi na ito nagmetastasis (o hindi na kumalat).  Napakasaya ng kanyang pamilya, lalo na ang kanyang Mama.

Isinama ko na rin ang aking ina isang gabi para mamanhikan, hindi pa man nakapaglalakad nang mabuti si Sherina, pero ito’y nakatatayo na.  Malakas ang kanyang fighting spirit na gumaling siya.

” Nandito po kami para hingin ang kamay ng inyong dalaga, Kumare.  Alam kong masyadong inlab itong aking binata sa inyong anak, umiiyak pa nga niyang sinasabi sa akin na mamanhikan na daw, aba! hindi kaya ako tatanggi,” paunang sabi ng aking Mama.

“Napakalaki nang pagmamahal ni Jeff, sa aking anak, kumare, sa kanya ko nakita ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Kahit sa hirap at pasakit hindi kailanman nakitaan ko ng signos nang pagbitaw alang-alang sa kanyang pagmamahal kay Sherina. Napaka-swerte naman ng aking anak sa iyong anak ito mapupunta, hanga ako sa mga katulad niyang lalaki. One in a million lang ang ganon. Wagas kung umibig.” sabi ng Mama ni Sherina

Itinakda na ang aming kasal sa darating na dalawang buwan. Pebrero 14 ang aming araw nang kasal, araw ng mga puso, mga pusong kay-saya sa kabila ng matinding unos na pinagdaanan, mga pusong walang makasisingit pang iba. Mga pusong handang magdamayan at maghahawak kamay hanggang kamatayan.

“You by my side that how i see us,
I close my eyes and i can see us.
Here on our way to say I DO,
My secret dreams had all come true.

I see the church, i see the people
your folks and mine happy and smiling
and i can sweet voices singing
Ave Mariaaaaaa!!!!

Oh My love my love
this can really be
that someday we’ll walk
in the aisle with me
let it be let it be
and im the one for you
i’ll be yours all yours
NOW AND FOREVER

Kanta ni Julie Rogers sikat noong dekada 70 na singer, paborito ng Mama ni Sherina. Yan ang kinakanta ngayong ng isang na hired namin na singer, itinutulak ng isang batang babaeng ang silyang de gulong ni Sherina, papunta sa altar kung saan ako ay naghihintay, naghihintay sa aking mapapangasawa, makakasama habambuhay, makakapiling sa marami pang ligaya at unos na darating sa aming buhay.

Kay gandang pagmasdan ni Sherina, kahit hindi ito naglalakad, kahit ito ay nakaupo lang, kay gandang tingnan ang babaeng aking iniibig, ang babaeng masama ang unang impresyon ko dahil sa kanyang trabaho, ngunit kay laki ng aking pagkakamali.   Malayong-malayo si Sherina sa mga babaeng Flight attendant na sinasabi ng aking mga kaibigan…

Prologue

Si Jennifer ay isa sa aming mga abay.  Nakapag-asawa na rin ito ng isang Foreigner na nakilala niya sa cyber, masaya na rin itong namumuhay.. Biniyayaan kami ng aking mahal na asawa nang dalawang malilikot at gwapong anak. Kamukhang-kamukha ko ang isa, ang isa naman ay hawig kay Sherina. Napakasaya ko!

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.