Handa Ka Na Bang Mag-asawa?

Photo by comedy_nose

Labintatlong-taong gulang lamang si Lanie at kasalukuyang nasa unang taon sa Hayskul. Kinagabihan ay biling-inihaw siya sa kaniyang kama. May hinihintay………, si Gary na kaniyang boyfriend, nasa ikaapat na taon naman ito sa Mataas na Paaralan ding tulad ni Lanie. Nakabalot na ang kaniyang mga damit, usapan nila na gagamitin ni Gary ang tricycle ng pinsan nito. Magtatanan sila at pupunta sa Talavera sa bahay ng Lolo at Lola ni Gary na matatanda na.

Bakit nga ba makikipagtanan si Lanie? Mabait naman ang kaniyang mga magulang bagaman mahirap lamang. Bunsod kasi iyon ng init ng katawan na ibig mapagbigyan. Bata sila kapuwa at maiinit, mapupusok ang mga damdamin, ilang ulit silang nanood sa sinehan. Maraming bagay na ipinagbabawal na kanilang nagawa gaya ng nagkalabitan, naghalikan at nagkahipuan. Ngunit, hindi nila pa naisasakatuparan ang rurok ng kanilang hangarin. Marahil ito ang dahilan, balak nilang magsama para magawa ang isinisigaw ng kanilang katawan.

Dumating si Gary at mahina itong bumusina, alas-dose na noon. Iniisip nilang mahimbing nang natutulog ang mga magulang ni Lanie. Subalit, sila’y nagkamali!

“Mga batang ito!”

“Handa na ba kayong mag-asawa?”

“May maipalalamon na ba kayo sa magiging anak ninyo?”

Sigaw ng ama ni Lanie, habang sinasabunutan at pinagkukukurot ng ina nito

Naunsiyaming pagtatanan, kinabukasan ay ipinakapitan si Gary. Si lanie naman ay kinalbo at mata lang ang walang latay.

Bad Illustration ba ang kuwento sa itaas? Huwag kayo ha! True story iyan.

Sa mga Mambabasa , muli akong magtatanong. Handa na ba kayong mag-asawa? Kapag nakilalala mo na raw kasi ang iyong soul mate, alam mo raw kasi sa iyong puso na siya na ang iyong pakakasalan. Tama naman iyon, hindi ako tutol, kaya lang naitanong na ba natin sa sarili natin kung handa na ba tayo?

Heto, kaunting soul searching, baka sakaling makatulong sa mga nagbabalak ng mag-asawa. Maari ninyong tanungin sa inyong sarili kung handa na ba kayo sa mga bagay na ito:

Una, magulang ka na ba o matured physically? Dapat kasi itinatanong iyan ng mga gusto nang mag-asawa. Baka naman may gatas ka pa sa labi at hindi pa nireregla. Dapat na hindi na mura ang inyong katawan. Lalo na sa mga babae. Kapag nag-asawa kayo nang batang-bata paano niñyo matatagalan ang hirap nang panganganak.

Naalala ko nang magpa-check-up ako, nakita ko ang isang Nanay na umiiyak. Narinig ko ang kaniyang mga hikbi. Labinlimang taong gulang ang kaniyang anak at kasalukuyang nasa delivery room, limang oras na raw na nagle-labor. Mahirap manganak, ngunit makakayanan ito ng ating katawan kung matured na ito. Maiiwasan din ang pagkakaroon ng mga sakit at kumplikasyon ng panganganak.

Pangalawa, matured ka na ba emotionally. Naku! Mahirap kapag isip-bata pa kayong pareho. Kilalanin mo ang iyong nobyo o nobya. Paano ba siya nagde-desisyon? Nakikita mo bang desisyon na iyon ng isang taong magulang na . May mga matatanda na, pero isip-bata pa rin he he. Dapat ang babae at lalaki pareho nang matured mag-isip, para maging maganda at maayos ang pag-aasawa hindi ba? Minsan daw cute ang isip-bata, tingnan ninyo kung cute pa rin kapag nahihirapan na kayo sa mga hamon sa buhay may asawa. Baka magsisi kayo he he.

Pangatlo, may matatag ka na bang trabaho. Mas maganda kung nakatapos ng pag-aaral ang bawat isa,kung hindi naman dapat man lang na mayroon kayong matatag na trabaho. Halimbawa, regular sa iyong kompanya o pabrikang pinagtatrabahuhan hindi iyong kontraktuwal lang. Ang contractual kasi, natatapos ang kontrata at kung gustop ka pa ng kumpanya ay puwede kang tanggaping muli. Problema, kung ayaw ka na at mawalan ka ng trabaho, paano kayong mabubuhay? Kahit mababa ang kita basta regular worker ang estado mo. Iyon bang may monthly contribution sa SSS, may Philhealth, PAG-IBIG, iyon bang may magandang benepisyo kahit na ba minimum ang kita eh.
Mahirap kasi kung mag-aasawa na kayo ng walang permanenteng trabaho. Mahihirapan kayo, mahal ang cost of living ngayon. Ang mahal ng upa sa bahay, mahal ang mga bilihin, mahal ang pasahe. Madali lang naman ang mga iyan kung kayo ay parehong handa hindi ba?

Balik tayo sa pagiging regular na trabahador. Kung regular ka, marami kang benepisyo gaya ng sick leave, maternity leave at may bonus pa kapag Christmas. So far ang contractual at part-time worker wala noon at lagi pang may pangamba na ma-lay-off o ma-terminate. Ang dapat talagang gawin maging handa.

Ang mangyayari kasi kung kayo ay parehong walang trabaho, sino ang inyong aasahan? Magiging problema iyan ng mga mag

getting married photo
Photo by comedy_nose

ulang ng bawat isa o nang sinumang bread winner. Napakahirap noong kung sinu-sino ang inuutangan mo para lamang may maipambuhay kayo. Mahirap din kung lagi kayong napaparinggan na kesyo pabigat sa mga magulang at nakasisikip sa bahay. Mas magiging maligaya ang pag-aasawa kung kayo ay may matatag na trabaho.

Bakit ko sinasabi ang mga ito? Naranasan ko kasi he he. Nahirapan kaming mag-asawa, kaya nga pilit Kong ibinubukas ang inyong mga mata para hindi na ninyo danasin ang dinanas ko.

Ganito kasi iyon, kararating ko sa Tate. Nagpakasal ako sa pinakamabait na binatang nakilala ko. Pareho kaming matured physically, 30 anyos ako samantalang siya naman ay trenta y dos. Matured na rin naman kaming mag-isip, tanda na namin he he. Siya may trabaho pero hindi ganoon katatag. Traveller kasi siya at palipat-lipat ng iba’t-ibang states. Mas lalo akong hindi matatag dahil wala akong trabaho at hindi ko magamit ang propesyon ko sa Pilipinas. Naku! Nag-struggle talaga kami nang dalawang taong-singkad lalo na at nagkaanak kami kaagad. Noong mga panahong iyon ay tila nakararamdam ako ng pagsisisi, hindi dahil sa lalaking napili ko ha kundi sana hindi muna kami nag-asawa.

Naging magkasintahan muna sana kami kahit mga tatlong taon hindi ba? At least kung ganoon nagkaroon sana ako ng full time job with benefits, naka-establish sana ng magandang credit history. Ang mister ko naman nakakuha sana ng trabahong permanente at baka nakabili pa sana ng bahay namin hindi ba? Gayunpaman, inayos naman ng Diyos ang buhay namin. Maayos naman na ngayon sa tulong ng Diyos, pero hindi ko makakalimutan ang struggles namin ng dalawang taon ha he he. Sana hindi n’yo maranasan iyon.

Inuulit ko, hindi ninyo mararanasan ang struggles namin kung imumulat ninyo ang mga mata sa inilahad kong mga tanong. Handa ka na bang Mag-asawa? Ikaw lang kaibigan ang makasasagot niyan.

About shallom

Simpleng tao,sana magustuhan n'yo at may mapulot kayo sa mga akda ko.Masaya na po ako kapag nakikita ang inyong mga komento. Salamat po.