Handa ba talaga ang Pinoy?

Alam kong hindi maganda ang ginagawa ng China sa bansang Pilipinas sa pag angkin ng teritoryo na alam naman ng lahat na atin. Pero ang tanong ko, hanggang saan kayang ipag-laban ng Pinoy ang kanyang nasasakupan? tutulong ba talaga ang America sa atin at babalik na si McArthur? Marami rin ba ang magbubuwis ng buhay para ipaglaban ang ating nasasakupan? Kung mangyari nga ang hindi inaasang “Digmaan” Madidipensahan ba natin talaga ang Pilipinas?

Napakaraming kumento akong nababasa sa mainit na usapin tulad nito, “sige ubusan ng lahi, patay kung patay, ipagtatanggol ko ang karapatan natin” hindi ko alam kung mabwibwisit ako o nayayabangan o sadyang ganoon lang siya mag salita. Sana hindi puro salita sa ganitong sitwasyon ng Pilipinas mahirap umasa sa tao na PURO YABANG at TAPANG sa social network, pero pag nakita mo yan ng personal takot din pala sa ipis.

Alam ko pag dating sa digmaan hindi na tayo uubra laban sa ibang bansa, tutol ka? sasabihin mo mali ako? sasabihin mong kaya nating lumaban ng patayan tulad ng mga Katipunero noon? Oo dahil sa PAGKAKA-ISA ng Pilipino noon natalo nila ang mga gustong sumakop sa ating bansa, pero ngayon? meron pabang PAGKAKA-ISA ang PINOY? Makakapatay parin ba ang itak o gulok o kung anong matalim na bagay na ginamit ng mga Katipunero laban sa mga Aircraft carrier?

Masyado kasi tayo dume-depende kay Uncle Sam kaya rin siguro may angas si Juan. Si Uncle Sam ang ating nakakatandang kapatid, bakit kamo? Sino ba nag bigay ng mga BULOK na Eroplanong pang digma kay Juan? Sino ba ang nagtanggol kay Juan nung inaapi sya ng ibang lahi? pero ang tanong ko? hanggang saan ba talaga tayo kayang ipagtanggol ni Uncle Sam? Lagi na lang ba tayo dedepende sa kanya?

Hindi naman ang dagat ang gustong angkinin ng China kundi ang langis na nanggagaling sa ating dagat. Ibigay na lang natin sa kanila kesa kapalit ay milyong-milyong buhay ng mga Pilipino. “ibigay mo na lang para hindi ka masaktan”- linya lagi ng holdaper na Pinoy. Kung Pinas naman ang aani ng langis nayon, walang ibang makikinabang kundi si Uncle Sam at ang LIBO-LIBONG magnanakaw sa ating Gobyerno.

Sana hindi dumating sa puntong magkakaroon ng digmaan ang ganitong pangyayari, sana kung magkakaroon man tulungan parin tayo ni Uncle Sam.

 

25 Comments

  1. Get rid of all chinese people in the Philippines. Never let them have any of your oil or other goods. China has a plan to destroy the Philippines one way or another. Better get rid of them while you can.

  2. hindi natin kaya ang makipagiyera sa China aminin na natin, puro lang daldal walang namang ibubuga, mismong si Sen. Enrile na nagsabi na dating naging DND sec. pasalamat tayo kay uncle Sam nandiyan lagi na handang tumulong kahit pinalayas ang base militar nila…

  3. hindi natin kaya ang makipagiyera sa China aminin na natin, puro lang daldal walang namang ibubuga, mismong si Sen. Enrile na nagsabi na dating naging DND sec. pasalamat tayo kay uncle Sam nandiyan lagi na handang tumulong kahit pinalayas ang base militar nila…

  4. “For every new Scheme, Blood will always flow”…were the words of a Japanese Colonel assigned in the Philippines to protect Gen. Yamashita’s hideout in the mountains of Kiangan…Our country has always been and always be the bastion of Democracy in the Far East, and the only Christian Country in the Region…there is no other country like ours in this area…Superpowers like America know this.

  5. “For every new Scheme, Blood will always flow”…were the words of a Japanese Colonel assigned in the Philippines to protect Gen. Yamashita’s hideout in the mountains of Kiangan…Our country has always been and always be the bastion of Democracy in the Far East, and the only Christian Country in the Region…there is no other country like ours in this area…Superpowers like America know this.

  6. ang tanong?hanggang kylan tyo ipagllban ng bansang amerika sa mga ganitong problema…isa p my mga grupong kliwat knan ang protesta sa pagtulong ng amerika sa pilipinas…kylan tyo mninindigan n resulbahan ang problema ng sariling bansa ntin kng plagi umaasa sa iba.MAHIRAP ANG UTANG N LOOB…

  7. ang tanong?hanggang kylan tyo ipagllban ng bansang amerika sa mga ganitong problema…isa p my mga grupong kliwat knan ang protesta sa pagtulong ng amerika sa pilipinas…kylan tyo mninindigan n resulbahan ang problema ng sariling bansa ntin kng plagi umaasa sa iba.MAHIRAP ANG UTANG N LOOB…

  8. yung mga “warmongers” pinoy dyan na akala ata fratwar ung gyera na pede mangyari sa issue ng spratlys. meron po tayong tinatawag na UN (united nations) para maging mediator…fortunately nagnenegosasyon na kaya tigilan nyo na ung pagtapang-tapangan nyo…meron pang alternate option na tinatawag na diplomacy… ok lng kung pagtanggol ung nation mo eh…pero diplomacy muna pls??? we cannot avail to loose million lives just because of a senseless war…

  9. yung mga “warmongers” pinoy dyan na akala ata fratwar ung gyera na pede mangyari sa issue ng spratlys. meron po tayong tinatawag na UN (united nations) para maging mediator…fortunately nagnenegosasyon na kaya tigilan nyo na ung pagtapang-tapangan nyo…meron pang alternate option na tinatawag na diplomacy… ok lng kung pagtanggol ung nation mo eh…pero diplomacy muna pls??? we cannot avail to loose million lives just because of a senseless war…

  10. @del mundo janet that is better if the america will get rid of china..Hope those job or some company in china from us will go back here. Those chinese craps are not helpfull anyway its not good quality compare to us made.And according to ambassador thomas the america will help philippines on this so iam looking forward on it also.

  11. Ang masasabi ko lang dyan laging handa ang americano sa pag tulong. Ang tanong ko naman sana hindi ikakagalit ng sino man. kasi pag dating sa kagipitan bakit laging ang america ang dapat tumulong sa sa pilipinas. At bakit pa pinaalis ng government ang base ng america, kung ang inaasahan din nilang tulong ay mang gagaling dito sa bansang ito? (USA)

  12. Kung debate lng handa ang pinoy ang tanong kung tutulong talaga si uncle sam dami negosyo ni uncle sam na naka base sa china malamang iboycot cla ng china pagkanagkataon na panigan nila ang pilipinas krisis si uncle sam i dont think kaya niya sumugal para lng pumanig sa katotohanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.