Handa ba talaga ang Pinoy?

Alam kong hindi maganda ang ginagawa ng China sa bansang Pilipinas sa pag angkin ng teritoryo na alam naman ng lahat na atin. Pero ang tanong ko, hanggang saan kayang ipag-laban ng Pinoy ang kanyang nasasakupan? tutulong ba talaga ang America sa atin at babalik na si McArthur? Marami rin ba ang magbubuwis ng buhay para ipaglaban ang ating nasasakupan? Kung mangyari nga ang hindi inaasang “Digmaan” Madidipensahan ba natin talaga ang Pilipinas?

Napakaraming kumento akong nababasa sa mainit na usapin tulad nito, “sige ubusan ng lahi, patay kung patay, ipagtatanggol ko ang karapatan natin” hindi ko alam kung mabwibwisit ako o nayayabangan o sadyang ganoon lang siya mag salita. Sana hindi puro salita sa ganitong sitwasyon ng Pilipinas mahirap umasa sa tao na PURO YABANG at TAPANG sa social network, pero pag nakita mo yan ng personal takot din pala sa ipis.

Alam ko pag dating sa digmaan hindi na tayo uubra laban sa ibang bansa, tutol ka? sasabihin mo mali ako? sasabihin mong kaya nating lumaban ng patayan tulad ng mga Katipunero noon? Oo dahil sa PAGKAKA-ISA ng Pilipino noon natalo nila ang mga gustong sumakop sa ating bansa, pero ngayon? meron pabang PAGKAKA-ISA ang PINOY? Makakapatay parin ba ang itak o gulok o kung anong matalim na bagay na ginamit ng mga Katipunero laban sa mga Aircraft carrier?

Masyado kasi tayo dume-depende kay Uncle Sam kaya rin siguro may angas si Juan. Si Uncle Sam ang ating nakakatandang kapatid, bakit kamo? Sino ba nag bigay ng mga BULOK na Eroplanong pang digma kay Juan? Sino ba ang nagtanggol kay Juan nung inaapi sya ng ibang lahi? pero ang tanong ko? hanggang saan ba talaga tayo kayang ipagtanggol ni Uncle Sam? Lagi na lang ba tayo dedepende sa kanya?

Hindi naman ang dagat ang gustong angkinin ng China kundi ang langis na nanggagaling sa ating dagat. Ibigay na lang natin sa kanila kesa kapalit ay milyong-milyong buhay ng mga Pilipino. “ibigay mo na lang para hindi ka masaktan”- linya lagi ng holdaper na Pinoy. Kung Pinas naman ang aani ng langis nayon, walang ibang makikinabang kundi si Uncle Sam at ang LIBO-LIBONG magnanakaw sa ating Gobyerno.

Sana hindi dumating sa puntong magkakaroon ng digmaan ang ganitong pangyayari, sana kung magkakaroon man tulungan parin tayo ni Uncle Sam.

 

About ejaybasaliso

bago lang po ako sa pagsusulat. pag tiyagaan ninyo na lang 🙂