Halina’t magpapak ng isdang talimusak

Mga larawan mula sa Facebook page na Memories of Old Manila/Google Image Public Domain

Ang Pilipinas ay isang kapuluan o arkipelagong bansa. Napaliligiran ito ng iba’t ibang anyong tubig, tulad ng ilog, sapa, lawa, at dagat. Dahil dito, pangingisda ang isa sa mga ikinabubuhay ng mga tao sa mga lalawigan.

Isa sa mga paboritong isda subalit hindi gaanong kilala ng lahat ay ang isdang talimusak.

Ipinakilala ng isang netizen na nagngangalang “Ssenh Pascua” sa Facebook page na “Memories of Old Manila” ang isdang talimusak o long tailed goby fish.

Ayon sa kanyang Facebook post, talimusak ang tawag dito sa Maynila.

“Sa Manila ang tawag dito ay talimusak. Ano po tawag nyo dito sa inyong lugar.. Masarap na isda ito kaya lang bihira na.”

Mga larawan mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Tumugon naman dito ang mga netizen. May mga nagsabing “Bunor” ito sa Pangasinan, “Ipusan” sa La Union, “Piyagot” sa Aklan, “Bakule” sa Laguna, “Kibot” sa Bataan, “Bukto” sa Ilocos Norte, at marami pang iba. 

“Wow! Talimusak, ang sarap sa pinangat sa kamatis. Wala nang mabiling talimusak sa Balagtas, Bulacan.”

“Sure sa SARAP ang isda na ‘yan. Kaso parang madalang na sa mga palengke. Dati nga nilalako ‘yan kasama ng ayungin.”

“Meron pa ‘yan sa palengke ng Dagupan, mga alas singko ng hapon ang pagbebenta nila niyan.”

“Sa amin sa Ilocos Norte, Bukto ang ngalan nito. Favorite ng mga balikbayan. Lalo na ang kulay manilaw–nilaw na isdang ito, mataba kasi. Napakasarap na pinangat na may konting–konting sabaw! Saraaap!”

Ang talimusak, o sa iba pa nitong katawagan sa iba’t ibang rehiyunal na wika, ay karaniwang matatagpuan sa mga ilog. Ang pinakasikat na lutuin o recipe nito ay ang “pinangat” na kadalasang ginagawa sa Bulacan at iba pa.


Mga larawan mula sa Facebook page na Memories of Old Manila

Sa ibang mga lalawigan, ito ay binabalot nila sa dahon ng gabi at pinakukuluan sa “kakang gata” o coconut milk.

Sa iba pa, niluluto ito sa pamamagitan ng halabos o pagpapatuyo sa mantika, kasama ng binurong mangga at kamatis.

May iba rin namang niluluto ito sa gata at kamyas. Maaari din itong gawing paksiw o kaya’y adobo.


Mga larawan mula sa Google Image Public Domain

Anuman ang itaguri sa isdang ito, tiyak na kay sarap magpapak ng talimusak!

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.