Gusto Mong Mag-publish? Magdalawang-isip ka muna

My Firsts With Him, Me-me Alberto DF Blogger Int'l.
My Firsts With Him, Me-me Alberto DF Blogger Int'l.
My Firsts With Him, Me-me Alberto DF Blogger Int’l.

Gusto kong maging isang writer. Published writer. Gusto kong makita ‘yung mga libro ko na nasa isang istante ng National o kaya ng Pandayan o kung ano pang bookstore.

Simula nung nagsimula akong magsulat ng story, ginusto ko nang makapag-publish ng sarili kong libro. Hindi dahil sa gusto kong sumikat o magkaroon ng pera (mula sa royalty), kundi dahil sa gusto ko lang talagang makita yung mga libro ko sa istante. No more, no less.

Kung tutuusin, puwede naman akong mag-self-pub tas lagay ko lang sa istante yung libro ko tas picturean ko at ipost sa instagram with a capture saying, “Yehey! Meron nang libro ko sa National! Bili kayo, ha?” Pero iba pa rin kapag sa publishing house galing tapos sila yung maglalagay sa istante ng libro mo (okay, yung mga sales clerk talaga ang naglalagay ng libro).

Kidding aside, nagkaroon ako ng pag-asa nung nagkaroon na ng mga libro ang mga stories sa wattpad, ang lugar kung saan ako nagsusulat. Mas nagkaroon ako ng pag-asa pa nung nalaman kong nakatambay na rin sa wattpad ang mga publishing houses (I.e. LIB, Star Creatives, Booklat, Visprint, PSICOM, Summit).

Kung tutuusin, binibigyan nila ng pag-asa ang mga online writers, katulad ko na madisplay ang mga kuwento nila sa mga istante ng mga bookstores.

Pero habang tumatagal, may napansin ako. May mga publishing house (hindi lahat) kasi na minsan ay sila ang mag-aapproach sa mga authors (na alam nilang maraming readers) at gagawa ng offer para maging libro yung ginawa ng author na iyon. Pero kung ikaw mismo ang nagbigay ng manuscript mo sa (some) publishing house, kadalasan ay hindi tinatanggap kahit maganda at sabihin na nating publish-worthy ‘yung libro dahil lang sa kaunti ang nagbasa nito sa wattpad.

Tanggapin na natin. ‘Wag na natin ikaila. Minsan talaga, may mga bagay na kahit worthy sila, ‘di sila nabibigyan ng chance. Katulad ng ibang story sa wattpad na sa tingin ko ay magandang ipublish.

Don’t get me wrong. ‘Di ko sinasabing publish-worthy ang mga sinusulat ko (like duh, wala pa sa kalinkingan ng iba yung mga gawa ko). ‘Di ko rin naman sinasabi na hindi worthy yung mga stories na galing sa wattpad na naipublish na ngayon. May mga stories kasi na worthy mapublish. PERO dahil walang readers/ kaunti ang readers ay hindi ito napupublish. Nakalulungkot lang.

Sana naman, kahit papano ay makita ng mga publishing house na mayroong mga worthy stories na wala o kaunti ang reads. Hindi iyong tumitingin sila sa mga milyon-milyon o thousands ang reads lang.

Oo. Business ang pagpa-publish. ‘Di ko rin naman sila masisisi kung ‘yun ‘yung gusto nilang mangyari. Business yan e. Kailangan may insurance na may bibili. Kaya ang mga pinipili nila (kadalasan) ay yung mga million na ang reads dahil alam nilang kikita sila doon. Walang problema don.

Di ako magiging ipokrito. Gusto kong makapagpublish ng libro. Pero malakas ang feeling ko na hindi pa ako handa para makapag-publish. Marami pa akong kulang technically and emotionally.

E para saan tong himutok ko?

Itong rant na ito ay para dun sa mga writers (na galing sa wattpad) na nagpasa ng manuscript sa ilang publishing house, pero ‘di tinanggap (nung nalamang wattpad writer) dahil kaunti lang ang reads.

Para naman sa iyo to, kaibigan.

Kung gusto mong magsulat, magsulat ka. Kung walang gustong tumanggap sa manuscript mo, okay lang yan. Baka ‘di mo lang oras. PERO tingnan mo rin naman kung may technicalities ang pinasa mong manuscript. Sulat. Basa. Revise. ‘Ika nga. Wag kang mawalan ng pag-asa. Kung sa tingin mo na you have the guts or your story is worthy to be published, magpasa ka lang. Marami pang publishing house diyan. ‘Wag kang matakot na mag-try. Pero wag kang mag-try na tumigil.

And hey. Wag kang pasisindak sa mga sinasabi nilang pabagsak na ang literaturang Pilipino dahil sa mga books na galing sa wattpad.

Tandaan: tayong mga writers ang nagpapataas sa kalagayan ng literatura sa bansa ngayon. Pakita natin sa kanila na hindi tayo ang kanser ng Philippine literature.

Support Filipino authors!

23 Comments

  1. Hmm it appears like your blog ate my first comment (it was extremely long) so I guess I’ll just
    sum it up what I had written and say, I’m thoroughly enjoying your blog.

    I as well am an aspiring blog blogger but I’m still new to the
    whole thing. Do you have any tips and hints for rookie blog writers?
    I’d certainly appreciate it.

  2. Hi there! I know this is kinda off topic but I
    was wondering if you knew where I could get a captcha plugin for my comment form?
    I’m using the same blog platform as yours and I’m having difficulty finding
    one? Thanks a lot!

  3. It’s a pity you don’t have a donate button! I’d certainly donate to this brilliant blog!
    I suppose for now i’ll settle for bookmarking and adding your RSS
    feed to my Google account. I look forward to fresh updates and will talk about this site with my Facebook
    group. Chat soon!

  4. Having read this I believed it was extremely informative.
    I appreciate you taking the time and effort to
    put this short article together. I once again find myself personally spending a significant amount of time both reading and commenting.
    But so what, it was still worth it!

  5. Nainspire po ako bigla magsulat haha. Natatakot lng po ako magpost sa wattpad kse baka maplagiarize ng di ko napapansin. Pangarap ko makita ung libro ko sa national bookstore. Sana matupad ang mga pangarap na nagbabasa nito.

  6. Hi, tanong ko lang. Ok lang ba magpasa ng manuscript sa phr kung naapproved na manuscript mo sa ibang publishing company? I mean, technically kapag ba naapproved na manuscript mo sa isang publishing company ay writer ka na nila? If the answer is yes, ibig sbihin ba bawal ka na magpasa ng manuscript s ibang publishing company? Of course, hindi naman magkatulad ang story na ipapasa mo. Pero if possible same pen name?

  7. Besides there are some area that the literacy rate are lower so why need to remove Tagalog…masarap pa ding magsulat at iyong pakiramdam na damang dama ang bawat salitang ating ipinapahayag …yeah English is the second language and the universal one but we Filipinos are still here in the Philippines, the residents of this nation….

  8. I liked your blog. Wattpad writer din ako and I trully agree with your words. Ipagmalaki ang literaturang Filipino!

  9. “Tandaan: tayong mga writers ang nagpapataas sa kalagayan ng literatura sa bansa ngayon. Pakita natin sa kanila na hindi tayo ang kanser ng Philippine literature.” — Agree po ako dito. Nice blog po! 😀

Leave a Reply

Your email address will not be published.